PAGKATAPOS kong i-lock 'yung pinto ay agad din akong nanghina. Kinailangan ko pang sumandal sa pintuan ko para kumuha ng suporta dahil sa panghihinang nararamdaman ko ngayon.
Ang bilis ng tibok ng puso ko at parang pakiramdam ko ay may pumipiga din nito kaya parang hirap akong huminga.
Napa-slide ang likod ko sa pintuan hanggang sa napaupo na ako sa sahig.
Mabilis na nag-unahang bumagsak ang mga luha mula sa aking mga mata. Sinubukan kong itakip ang mga kamay ko sa aking bibig para pigilan sana ang bawat hikbing lumalabas dito, pero kahit anong gawin ko ay hindi ko pa din mapigilan ang hindi mapahagulgol sa iyak.
Hindi ko alam na ganito pala kasakit ang magdesisyong pumili kung ano ang mas matimbang sa dalawang pagpipilian ko. Parehas silang mahalaga sa'kin kaya napakasakit ang mag-let go sa isa.
Naiisip ko pa din ang sakit sa mga mata niya habang binibitawan ko ang mga masasakit na salitang 'yun.
Ano kaya ang naiisip niya ngayon tungkol sa'kin? Napakasama ko na siguro sa paningin niya.
Kinakailangan ko talagang mamili dahil buhay at kaligtasan ng pamilya ko ang nakataya dito. Hindi ko pa din makuha kung ano ang mga binabalak ni Sydney kung sakaling malaman niya na nagkikita pa din kami ni Chase.
Hangga't maaga pa ay kailangan ko nang putulin ang ugnayan ko kay sa kaniya. Kaya din ako nakapagdesisyong sabihin ang mga salitang 'yun sa kaniya kanina.
Kailangan kong ibalik 'yung buhay ng isang Sensen noong hindi pa niya nakikilala ang isang Chase. Iyong focus lang sa pagkita ng pera para sa pamilya.
Alam kong magiging okay din naman siya kalaunan. Maganda siyang lalaki at bukod dun ay may isang obsessed na babae sa kaniya na handang manatili sa tabi niya.
Napaka-selfish ko sa part na 'to at alam ko din naman 'yun. Handa akong maging selfish sa paningin niya at ng iba, maprotektahan ko lang ang mga mahal ko sa buhay.
Hindi ko din alam kasi ang takbo ng utak ni Sydney para kay Chase. Pa'no kong saktan din niya ito 'pag hindi nya nakuha ang gusto. Iyon ang pagsisisihan ko habang buhay kapag nangyari nga 'yun.
"I'm sorry, Chase." Bulong ko sa hangin habang patuloy pa din sa pag-iyak.
PAGMULAT ng mga mata ko ay lumang kisame agad ng kwarto ko ang aking unang nasaksihan. Pagtingin ko sa paligid ay nakita ko 'yung kama ko doon na puno ng mga stuffed toys. Ang buong akala ko ay doon ako nakahiga ngayon.
Kaya pala masakit ang likod ko kasi sa malamig na semento sa sahig ako nakatulog. Dahil sa pagod na din siguro at sa tindi ng sama ng loob kaya nakatulugan ko na ito. Unti-unti kong inalala ang mga nangyari.
Oo nga pala at nakipaghiwalay na ako kay Chase ng tuluyan.
Tumayo ako mula sa pagkakahiga at pansin kong suot ko pa din 'yung damit ko pauwi galing trabaho, kaya naman ay pinilit kong tumayo kahit nanghihina pa upang makaligo.
Hindi ko namalayan na halos isang oras pala akong nagbabad sa banyo habang malalim ang iniisip. Iniisip ko kung ano ang magiging sunod kong hakbang ngayon.
Nagbihis lang ako ng mahabang t-shirt at short shorts sa loob nito bago ako lumabas para makakain. Hindi ko na inintindi 'yung mga mata kong mugto pa din dahil pag-iyak ko kanina. Suwerte ko namang walang tao ngayon sa sala maging sa kusina.
Mga tulog na ba sila? Pero alas sais pa lang, ah.
Agad kong binuksan 'yung mga mangkok na may takip sa lamesa at tinignan ang ulam.
Natigilan ako nung pagtingin ko ay Bagnet Kare-kare naman ngayon.
Pangalawang paborito ko to, ah!
Naisip ko kung baka bigay na naman 'to ni Chase pero agad ko din 'yung binura sa isip ko dahil imposibleng magawi pa 'yun dito dahil sa ginawa ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
INTO YOU (COMPLETE)
RomanceEL FUERTE DE SOCIEDAD SERIES #1 |R-18+| BLACK. GLOOMY. This is how Chase Akira Montello would define his entire life since he was brought upon this world. Being an heir to a Multi-million company, he is expected to also produce his own heir someday...