Pagmulat ng aking mga mata ay puting kisame agad ang bumungad sa'kin. Bumalik na naman 'yung bangungot kong 'yun nung bata ako. Buti na lang at nagising ako sa ingay ng bubuyog, 'yun ay kung bubuyog nga ito dahil mukha ni Cielo ngayon ang sunod kong nakita.
"Ano, gising ka ng malantod ka?" Naiinis niyang tanong sa'kin.
Binigyan ko naman siya ng isang naguguluhang ekspresyon sa mukha.
"You didn't even tell me na may nagdidilig na pala diyan sa pechay mo!" Akusa nito sa'kin.
Nung hindi niya ako naringgan ng sagot ay nagpatuloy ulit ito.
"Ano, wala ka man lang bang pasabi ng excuses diyan na—'Sorry Cie, sasabihin ko naman talaga sa'yo kaso nag-enjoy ako masyado sa sausage kaya nakalimutan ko!'— huh, best friend?" patuloy niyang litanya sa'kin.
Hindi pa din ako makatugon sa kaniya dahil patuloy lang siya sa pag-rarap. Sa tingin ko ay mas magaling pa siya kay Gloc-9.
"Sarap ba?" Naniningkit pa ang mga mata niya habang tinatanong ito.
Automatic naman ang pagtango ng traidor kong ulo.
"Kailan mo balak sabihin sa'kin na buntis kang malantod ka?" Nang-aakusa niyang tanong ulit sa'kin.
"Alam mo?" Gulat na gulat kong tanong din sa kaniya.
"Ay, hindi Sen! Nagpahula lang ako kay Madam Auring kaya nalaman ko 'to. Kinausap ko din 'yung mga marites niyong kapitbahay para malaman ko kung may laman ng tiyanak 'yang tiyan mo!" Pa-pilosopo niyang sagot sa'kin.
"Sasabihin ko din naman talaga sa'yo, e."
"Oh, edi inulit mo lang din 'yung mga salita ko kanina!" Nakairap niyang wika sa'kin.
'Di ako nakatugon dun dahil tama naman siya.
Guilty, your honor!
"Bakit nga pala ako nandito?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.
"Ehem..." Dinig kong pekeng ubo ng isang lalaki mula sa gilid ng kwartong kinalalagyan ko ngayon.
Nagbaling ako ng tingin sa kaniya at nakita kong nakaupo siya ngayon sa isang sleeper sofa sa gilid. Ngayon ko lang napagtanto na nasa ospital pala ako dahil puro puti ang paligid. May swero ding nakakabit sa kamay ko ngayon.
"He was there when you felt sick all of a sudden. Good thing he was able to catch you even before you passed out." Salaysay ni Cielo sa nangyari.
Inaalala ko 'yung nangyari kanina at mayroon ngang lalaki sa harapan ko nung oras na 'yun bago ako mawalan ng malay.
"Your friend and I brought you here. You were also bleeding, so the situation was really urgent at that time," wika nung lalaki.
Sa lahat ng mga sinabi niya ay isa lang ang tumatak sa'kin.
"Kumusta ang baby ko?" Nag-aalala kong tanong sa kanila sabay hawak sa tiyan ko.
"Don't worry, okay na okay si baby tiyanak natin. I'm sorry, Sen. Kasalanan ko yata kung ba't ka nag-bleed kanina. Masyado yata kitang pinagod." Guilty niyang sabi sa'kin habang naluluha pa.
Kasama na siguro 'yung pagod pero malaking bagay din siguro 'yung pagiisip ko nitong mga nakaraang araw. Stress talaga ako sa encounter namin ng mama ni Chase.
Idagdag pang hindi nagrereply at hindi din tumatawag sa'kin ang unggoy na 'yun mula nung umalis siya.
"Ang sabi ni dok ay pwedeng-pwede ka naman nang ilabas bukas basta hindi magtuloy-tuloy 'yung bleeding. I'll get the doctor for you later para marinig mo mula sa kaniya 'yung mga advices niya tungkol sa pregnancy mo."
BINABASA MO ANG
EFDS#01: Chase Akira Montello (COMPLETE)
RomanceEL FUERTE DE SOCIEDAD SERIES #1 | R-18+ | SPG | Chase Akira Montello BLACK. GLOOMY. This is how Chase Akira Montello would define his entire life since he was brought upon this world. Being an heir to a Multi-million company, he is expected to also...
