CHAPTER 17

1.9K 29 7
                                    

"Ang sakit na ng mga paa ko, Sensen." Reklamo ni Cindy habang dinadala namin 'yung mga order na alak ng table three and four.

Kanina pa kasi kami hindi magkandaugaga sa dami ng customers ngayong gabi. Hindi hamak na mas madami ngayon kumpara nung mga nakaraan. Dahil na din siguro sa renovation ng bar kaya ganito.

"Ako din, e. Ikaw ba naman ang magsuot ng four-inches pumps."

"Malapit nang mag-alas dos at ibig sabihin nun ay malapit na ding magperform si Claire." Bulong niya habang nilalapag ko naman ang mga inumin ng table four.

"Oo, kaya bilisan natin dahil mamaya magpapatay na ng ilaw. Ayoko ma-stuck dito. Doon tayo sa counter para kahit papaano ay nandun si Jules." Natataranta ko pang sabi sa kaniya.

Dahil sa katarantahan ko ay hindi sinasadyang natabig ko 'yung isang bote ng alak sa isang lalaki sa lamesa.

"Anak ng pucha nga naman, oh!" Inis na bulalas nung lalaki.

Mataba ito at malaki din ang tiyan. Natapon pala 'yung alak mula sa tiyan niyang halos dumikit na sa lamesa sa sobrang laki at dumaloy ito pababa sa pants niya. Lalong nagusot 'yung gusot na niyang mukha dahil sa nangyari.

"Pasensya na po, sir." Hingi kong pasensya sa kaniya habang yumuyuko.

Hindi ko alam na dahil sa ginawa ko ay kitang-kita na nila ang kalahati ng dibdib ko, kaya naman ay nag-ngisihan 'yung ibang kasama niya sa mesa.

"Paano ba 'yan, miss, kailangan mong bumawi. Nakita mo naman ang resulta ng ginawa mo, 'di ba?" Sabat nung isang maitim na lalaki sa tabi ni kuyang mataba.

"Kukuha lang po ako ng tissue, sir, saglit lang po. Pasensya na po talaga." Patuloy pa din ako sa paghingi ng pasensya.

"Ito na Sensen 'yung tissue." Agad na bulong ni Cindy sa tabi ko sabay abot sa'kin nung tissue.

Kinuha ko ito at humila ako ng ilang piraso para magamit ko pamunas dun sa basang damit ni kuya.

Pinag-igihan ko ang pagpupunas nung basa sa damit niya pero nung sa pants na niya ang pupunasan ko ay biglang hinawakan ni kuya 'yung kamay ko.

Biglang tumaas ang balahibo ko dahil pagtingin ko sa mukha niya ay bakas ang pagnanasa sa mga mata nito.

Tinangka ko ding hilahin ang mga kamay ko para makalayo sa kaniya dahil sa itsura pa lang ng mukha niya ay alam kong delikado na ako.

"Hindi mo naman sinabi na gusto mo din pala, miss." Dinig kong sabi niya habang nakangisi. Nalito ako dun kaya 'di ako nakasagot.

"Kung gusto mo talagang punasan 'yang pantalon ko, gawin natin dun sa pribadong kwarto dito para walang istorbo. Pangako, matutuwa ka sa gagawin natin dun." Pagpapatuloy pa niya dun sa sinasabi niya.

Binundol ako ng kaba pagkarinig ko dun. Gusto kong masuka dahil biglang sumakit at nahilo ako sa tapang ng pabango nya.

"Hihingi lang ako ng tulong kila Eloy, Sensen. Hintayin mo ako dito." Tarantang paalam ni Cindy sa'kin.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon dahil sa magkahalong hilo at pandidiri sa taong kaharap ko.

Naramdaman ko na lang ang kamay niya sa pang-upo ko pero hindi din nagtagal ang kamay nito doon dahil bigla na lang bumulagta si kuyang mataba sa sahig.

Hindi ko alam kung ano ang eksaktong nangyari dahil ang bilis ng mga kaganapan. Nakita ko na lang itong duguan ang ilong at bunganga sa sahig. May isang matangkad ding lalaki ang walang awang sumisipa sa kaniya.

Tumulong 'yung mga kasamahan niya para bugbugin din 'yung matangkad na lalaki pero wala silang nagawa lahat dahil parang bihasa iyong matangkad na lalaki sa martial arts.

INTO YOU (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon