"A song where the empire become prosperous. Live with peace at it's finest.." kanta ng mga bata sa isang kalye.
Tahimik na naglalakad ang isang babae sinasabayang ang pagkanta ng mga bata naglalaro sa isang tabi.
"Take a stroll at the sirens castle, full of mystery and such a hassle." pagsabay nito sa kanta habang naglalakad sa isang tabi.
"Make way! Make way! The Emperor shines brightest." pagsabay niyang muli habang marahan tinutulungan ang isang matanda na makatawid.
"As the siren sings, the melody lives within the desire of the singer" nagpasalamat sa kanya ang ang matanda at marahan niya lamang itong ngitian.
"Andito na ako Mr.Fatguy," sabi ng babae matapos buksan ang pintuan ng isang tindahan.
"Magandang umaga sayo Vetilence. Ang aga mo ata ngayon at tapos na ako magbukas ng tindahan." nang-aasar na ngiti ni Mr.Fatguy kay Vetilence.
"Sabi ko sayo Mr.FatGuy, Kelly na lamang po ang itawag niyo sakin." sabi ni Kelly ngunit natawa na lamang si Mr.Fatguy
"At ang sabi ko sayo ay tawagin mo nalang akong Calleum ngunit hindi mo pa din ako sinusunod." sabi naman ni Calleum sa kanya kaya naman napapeace sign na lamang siya.
"Okay po Sir Calleum, mauuna na po ako sa kusina para magbake." Tuamngo naman sa kanya si Calleum at agad naman siyang nagtungo sa likuran bahagi ng cashier.
Matagal na siyang nagtratrabaho kay Calleum, mula ng magkaedad siya at nagsimulang kumita ng pera ay dahil lahat iyon sa tulong at gabay ni Calleum, naging pangalawang ama niya rin ito.
Siya din ang nagturo sa kanya paano magbake ng cake, at iba't-ibang pastry na nalalaman niya hanggang sa gumawa siya ng sariling pastry kung saan naging kilala sa buong Empire.
Mula doon ay alam niyang unti-unti na siyang nakakapagbigay ng tulong kay calleum, katulad niya ay mag-isa na lamang ito. Noong namatay ang mag-ina nito sa rebolusyon ilang taon na ang nakakaraan ay tinayo niya ang bakeshop na ito.
Unti-unti niyang tinulungan si Calleum na palaguin ito, halos kilala ng mga nobles ang bakeshop na ito at sobrang dami ng pumi-pila para lamang matikman ang kanilang pastry.
Pagpasok niya ay doon niya nakita ang kanyang kasamahan na nagmamasa ng dough habang ang ilan ay inaayos ang mga ingredients na gagamitin nila, halatang inaantay na lamang siya ng mga ito bago magsimula.
"Magandang umaga Chef Kelly," bati sa kanya ng kanyang mga kasamahan ngumiti siya sa mga ito at agad na sinuot ang kanyang apron at hairnet.
"Magandang umaga din sa inyo Piper, Xander at Barbara. Handa na ba kayo para sa maraming orders ulit?" natatawang tanong ni Kelly sa kanila.
"Naririnig ko pa langa ng sinasabi mo Chef aparang gusto ko na umuwi." sabi ni Xander dito kaya naman nagtawanan sila.
Di nagtagal ay nagsimula na silang magbake ng pastry, pinapanatila nila na bagong gawa at mainit pa ang kanilang mga tinapay para sa kalidad na dala nito.
Makaraan ang isang oras ay narinig ni Kelly na parang biglang tumahimik ang sa labas ay wala pang ilang saglit nang pumasok ang isa sa kanilang waiter na tila hindi mapakali.
"Anong nangyari sayo Felix?" tanong ni Barbara dito habang si Kelly naman ay nakafocus sa pag-aayos ng fondant.
"Ang dalagang rpinsesa narito..." sabi nito kaya agad napalingon ang mga baker bigla kasama na si Kelly na may hawak pang fondant.
"Her Highness Alexandrelien?" tanong ni Kelly dito agad naman tumango-tango si feliz na tila hindi mapakali.
"Ang ganda niya." nakatulalang sabi nito kaya naman nagmamadaling nakisilip sila Barbara habang si Kelly naman ay naiiling na lang sa kanila.