DC7

46 2 0
                                    

Carmela's POV

Darn. Bwisit talaga yung mga yun. Andito tuloy kami sa ospital. Takot pa naman ako dito. Kaso, kailangan. Kasi yung mga kaibigan ko andito. Bakit kasi hanggang don umabot sila nak ng.

Habang naka-upo ako dun sa couch biglang may tumawag sakin. Dali dali ko namang tinignan kung sino yon.

Dominic calling. Yan ang nabasa ko sa phone. Kaya lumabas nalang ako ng room tapos dun ko sinagot.

"H-hello." Sabi ko.

"Hi, baby! I'm back! Where are you?" Sabi nya na sobrang saya.

"N-nasa ospital." Kumunot ang noo ko.

"Bakit ka nandyan by?" Tanong nya.

"Naospital kasi sila Paul." Sabi ko naman.

"Ohh, saang ospital yan derecho na ako dyan." Sabi nya tapos binigay ko na ang address sakanya ng ospital.

Ilang sandali dumating na din si Dominic. Niyakap nya ako tapos hinalikan noo ko. Tapos nakipagkamayan sa dun sa mga babae. Tapos ako nasa likod nya. Habang nagkakamustahan sila tinitignan ako ni Grant. Alam nyang di ako kumportable kay Dom.

"Hey." Tawag nya sakin kaya lumapit ako.

"Magpahinga ka na Grant, baka sumakit pa yan oh." Sabi ko sabay turo sa saksak nya.

"No, I'm fine. Mas mukha ka pa ngang nasaksak sakin eh." Sabi nya.

"GRANT." Sabi ko ng mariin tapos irap.

"Easy. Mamaya kung ano nanaman gawin mo sa sarili mo." Sabi nya.

"Grant, nung nandon tayo sa bahay mo. Bakit alalang alala ka sakin nung may dugo sa kama?" Tanong ko.

"Kasi alam kong kaya mo magpakamatay. Kasi dati nangyari na yon nung naglaslas ka. Kaya kinabahan na ako." Sabi nya. Kaya umupo nalang ulit ako sa couch.Lumapit naman bigla sakin si Dom.

"Hey baby." Sabi nya sabay akbay sakin.Sumimangot lang ako.

"Huy baby." Pangungulit nya. Di ko ap rin pinapansin huminga nalang ako ng malalim.

"BABY." Sabi nya sabay hinalikan ako sa pisnge.

"DARN. Ano ba Dom? Feeling mo okay ang lahat, ganon? Umalis ka tapos iniwan mo ko ng walang sabi sabi tapos babalik ka na parang okay lang ang lahat satin?" Sabi ko. Sabay walk out. Wala akong pake sakanila. Sinundan ako ni Dom.

"Bat ka ba nag-kakaganyan? Dahil ba sakanya ha? Damn Mela!" Sabi nya sakin kaya umiyak nalang ako.

"Siguro tama ako kaya ka umiiyak dyan. Ge, balikan nalang kita pag okay ka na." Sabi nya sabay alis. Tapos ako umiiyak lang.

Dominic's POV

Kala ko magiging masaya pagbalik ko dito. Hindi pala. Oo alam kong kasalanan ko kasi iniwan ko sya ng basta basta dito tas ang saya ko pa ngayon. Kaya ko lang naman sya iniwan ng basta para di nasya masaktan. Ayoko ng drama.

"Pre, san sya?" Tanong ni Grant.

"Andun sa labas. Umiiyak." Sabi ko.

"Dahil nanaman ba kay ano?" Tanong nya.

"Oo." Sabi ko.

"Kasalanan mo yan, pre. Kundi mo ginawa yun di sya iiyak ng ganyan. Ang gago mo." Sabi nya.

"Alam ko kaya wag mo ng ipamukha baka banatan kita dyan." Sabi ko nalang nakakabanas eh.

"Bakit? Masakit ba? Eh ginawa mo naman talaga eh. Sinaktan mo sya pre. Tapos babalik balik ka dito. Gunggong ka ba?" Sabi nya kaya napatayo ako akmang susuntukin ko na sya pero biglang dumating si Mela.

"DOMINIC. Anong ginagawa mo kay Grant?" Sabi nya nagsmirk naman ang mokong.

"Ah wala. Mag bro fist lang kami." Sabi ko sabay abot ng kamay ni Grant. Tsk.

"Tigilan mo si Grant ha." Sabi nalang nya tapos upo.

Ilang sandali naka-tulog na ata ang baby ko. Tinabihan ko sya tapos niyakap ko.

"Sorry, dahil sakin at sakanya umiiyak ka nanaman." Sabi ko sabay halik sa noo nya.

OKAY WALANG KWENTA ULIT NA UPDATE. PINASOK KO LANG TALAGA SI DOMINIC KASI ALAM NYO NAIISSUE NA AKO HAHAHAHAHA XD! KAYA AYAN DI KO NA MUNA SASABIHIN KUNG SINO TINUTUKOY NAMIN LOL. INIISIP KO KUNG SASABIHIN KO YUNG TOTOO O IIBAHIN KO NALANG NAME NYA HIHI. K. VOTE & COMMENT.

Dream ClanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon