Nakatagong lihim na ipilit ko mang itago
Anupa't napakatibay mo ginoo
Bakit?
Bakit mo ba ito ginagawa?
May masama ka bang balak at ibang haka?
Gayunpaman nahihirapan na ako,
Kakaiba ang mga emosyong nararamdaman ko
Sa bawat oras na nandiyaan ka sa tabi ko
Isa ba ito sa mga plano niyo?
Ang paibigin ako?
Wala akong maramdaman na panganib
Kumportable't mapayapa ako sa piling mo
Nakakatakot, ngunit ako nga yata'y umiibig
Isang emosyon na sa paniniwala ko ay kahinaan at dala lamang ay peligro
Nakakatawa na napaamo mo ang isang gaya ko
Ngunit mag iingat ka,
Iba ako lumaki't pinalaki ng mundong para sa mga tulad natin
Maingat ang mga salita't kilos, napupuno ng pangamba
Nakatuon ang atensyon at paningin sa mga balakin
Gaya mo, kung sakali man
Hindi ako magdadalawang isip, mahal
YOU ARE READING
MY LIL TREASURES
RandomA compilations of oneshot stories with different genres, poetries, poems, letters, and random thoughts. <3// :)