Copyright 2013 © Yeppeun
Ghost My Love | One Shot Story
FACEBOOK GROUP: http://www.facebook.com/groups/IstoryaheNiBlesie
•••
"500 ang upa rito kasama na ang ilaw, tubig saka ang kuryente." Usal ng babaeng nasa edad trenta pataas.
Bahagya sila huminto sa tapat ng isang kulay berdeng pintuan. "Ito po ba ang titirhan ko?" Tanong ng isang binata habang inililibot niya ang kanyang tingin sa bahay na kanyang titirhan.
Isa itong lumang bahay pati na rin ang mga kagamitan ngunit mukha naman itong matibay, kung tutuusin hindi pa rin nawawala ang kagandahan ng bahay na iyon.
"Oo iho, ito nga." Pagkukumpirma ng babae, binuksan niya ang pinto ng kwarto at bumungad sa binata ang isang kwartong pang-babae.
"Bakit po parang pang-babae ang silid na ito?" Nagtatakang tanong ng binata.
Biglang naging balisa ang babae, hindi niya alam ang kanyang sasabihin dahil ang binata pa lang ang unang titira sa silid na iyon. Tumikhim ang babae bago magsalita. "Ang huling tumira kasi r'yan isang babae. Ang ibang gamit diyan naiwan niya, pwede mo na iyon gamitin medyo marumi pa ang silid na iyan dahil hindi ko na nalilinis, pasensya ka na iho biglaan kasi ang iyong paglipat." Paliwanag ng babae sa kanya.
Mariing pinagmasdan ng binata ang loob ng silid bago ito bumaling ng tingin sa babaeng kaharap niya. "Okay lang po. Ano po ba ang iyong pangalan?"
Nginitian siya ng babae bago sumagot sa kanyang tanong. "Tawagin mo na lang ako sa pangalang Aling Diane." Pakilala nito.
'Aling Diane? Bakit parang pamilyar ang pangalan na iyon?' Nagtatakang tanong ng binata sa kanyang isipan.
"Harvey po pala ang pangalan ko." Pakilala niya kay Aling Diane.
Biglang napakunot ang noo ni Aling Diane. "Harvey?" Bahagya siyang humalukipkip at sandaling nag-isip. "Parang may kilala akong ganyan na pangalan pero maiba tayo Harvey, pwede ka ng lumipat ngayon dito tutal dala mo na ang iyong mga gamit." Usal ni Aling Diane habang tinitignan ang mga dalang gamit ni Harvey.
Inilapag ni Harvey ang kanyang dala-dalang mga bag at bahagya siyang dumukot sa kanyang bulsa. "Aling Diane, ito po ang bayad ko." Aniya habang inaabot ang limang-daang piso. "Wala po ba akong mga kasama rito?" Dugtong ni Harvey.
Kinuha ni Aling Diane ang pera sa kamay ng binata. "Nasa eskwelahan pa ang iba mong kasama sa bahay na ito, teka iho? Saan ka ba galing lugar?" Tanong ni Aling Diane sa kanya.
"Galing po akong Cebu, lumipat po rito sa Metro Manila para makapag-aral ng kolehiyo."
Tumango-tango si Aling Diane. "Ganoon ba-" Naputol na ang sasabihin ni Aling Diane sa biglang pagsulpot ng kanyang anak.
"Ma! Pahingi akong pera aalis ako." Biglang sabat ng isang dalagang babaeng nakasuot ng bistidang kulay asul, umaalon ang buhok nito dahil sa bahagyang pagkakulot ng ilalim, may suot na mataas na takong at may palamuti sa kanyang mukha. Hindi maitanggi ni Harvey na nagandahan siya sa anak ni Aling Diane.
"Lorraine, saan ka na naman ba pupunta? Alas-sais na ng gabi anong oras ka na makauuwi niyan?" Iritang tanong ni Aling Diane sa kanyang anak.
"Ma, kasama ko po sila Philip, Angelika, Jennifer, Patrick, Nicole, Geraldine saka ang iba ko pang tropa, kilala mo naman sila diba? Mababait ang mga iyon." Medyo pabalang na pagsasalita ni Lorraine sa kanyang Ina.

BINABASA MO ANG
Ghost My Love (ONESHOT)
ParanormalSilya ang nagsisilbing palatandaan ng ating pag-iibigan. Hanggang sa aking kabilang buhay.