First and last chapter

75 4 0
                                    

KULANGOT

"Come on Adi, let's dance." Nakasimangot na hinihila nito ang braso ko, halatang naiirita na sa kaartehan ko. I don't know how many times she invited me to dance with her tonight, na kanina ko pa tinatanggihan.

Eh sa tinatamad ako eh, bat ba?

"Just go, I'm good here." Pagtanggi ko, ulit, habang tinatanggal ang pagkakakapit niya sa braso ko. Agad na inirapan naman ako nito at may pahabol na hampas pa.

"What the fuck babe!? Bat mo pa ko niyaya mag bar kung magmumukmok ka lang pala dito. Sana sa condo nalang tayo uminom." Reklamo niya sabay padabog na umupo sa harapan ko.

Nginisihan ko lang ito at patuloy na iniinom ang whiskey ko. Inirapan lang ulit ako nito dahil alam niyang hindi niya ko mapipilit sa gusto niya. I just chuckled mentally. Ang cute kasing niyang mainis, lumalaki yung butas ng ilong niya at namumula ang tenga, pfft.

"What's funny moron?!" Asik niya, sabay bato ng tissue sa mukha ko. Ang bastos talaga nito minsan.

"Chill Thalia. Galit ka nanaman." Natatawang asar ko dito, pikunin kasi ang babaeng 'to. Hindi na niya ako pinansin at ininom nalang ang alak na nasa harapan niya at pinanood ang mga taong nagsasayawan sa dance floor. Kung pagsasayaw pa ba ang tawag sa ginagawa nila.

Thalia Moris, my bestfriend since diapers. Our moms are bestfriends so parang wala kami choice kundi maging bestfriends nalang din ang isa't isa. Lagi ba naman kaming magkasama mula pagkabata.

Every celebration ata na naimbento sa mundo na sinicelebrate ay laging magkakasama ang mga pamilya namin. Thalia is like a sister to me, she's a family.

Pero gaya ng typical na mag bestfriends, lagi kaming nagbabardagulan. I think, love language namin yun sa isa't isa. Para ngang kulang ang araw ko pag hindi ko siya nakikitang nakasimangot.

"You're creeping me out Adi, anong nginingisi mo jan?" She looked at me with disgusted face.

"You look funny when you're mad Lia." Sagot ko sa kaniya at ginantihan naman niya ko ng middle finger. Pikon talaga.

Saglit kaming natahimik habang patuloy na umiinom ng alak. Pero hindi na ata nakatiis 'tong kasama ko at kinausap na 'ko ulit. But I hoped na nanahimik nalang siya, because I don't want to answer her question any moment now.

"So, why are we really here Adi?" She asked while seriously looking at me. More like glaring at me, tss.

Hindi ko siya sinagot and just continue drinking, I didn't even look at her dahil tila nakakapaso ang tingin na binibigay nito sa'kin. She can't hide her annoyance now, that I know na kanina niya pa tinatago.

Alam ko naman mula pa nang tawagan ko ito kanina para yayaing mag bar ay alam niya na ang rason ko. She knows why we're here, she always know. Well, she's not my bestfriend for nothing.

Hindi naman ito ang unang beses na nandito kami sa sitwasyong 'to. It happened a lot of times already. I know sawa na siyang samahan ako everytime na nangyayari 'to, but I'm her bestfriend, I think she feel obligated na damayan at pagtiisan ang katangahan ko.

I'm lucky to to have her in my life.

"Hindi ka parin ba tapos magpakatanga?" Tanong niya ulit nang maramdamang wala akong balak sagutin kung bakit kami nandito. I mean, she knew why we're here. Pero gusto niya pang marinig mula sa'kin ang dahilan, parang tanga lang.

"What are you talking about Lia?" Kunwaring clueless na tanong ko sa kaniya, na nagpadagdag ng kunot sa kanyang noo. She's still gorgeous kahit nakabusangot pa ang mukha niya.

One shotWhere stories live. Discover now