-BEGINNING-

3 0 0
                                    

Sigawan ng mga tao ang maririning sa buong lugar. Most of the screams are coming from the girls, yelling different names of the players. Papunta or more on nakikisingit kami ngayon sa loob ng court kung saan naglalaro ng basketball ang Engineering Department and Business Department. Actually, hindi sana ako pupunta pero itong si Clavie eh hinila ako.

"Sorry! Sorry! Makikidaan lang po!" Hinahawi ni Clavie ang mga tao gamit ang isang kamay habang ang isa ay ginagamit niya upang hawakan or kaladkarin ako.

"Bilisan mo namang maglakad Venice. Aba, kung babagal-bagal ka'y hindi na natin maabutan ang laro! Gosh! Andaming tao! Tabi nga! Pupuntahan ko ang asawa ko!" Naii-stress na sabi ni Clavie.

"Eh kasi naman po, uuwi na sana ako kung hindi mo lang ako kinaladkad. Wala rin naman akong papanuorin diyan." Sagot ko naman sa kanya. Hindi na siya nagsalita at mas hinila nalang ako hanggang sa dumating kami sa bleachers. Agad ko namang tinakpan ang tainga ko nang biglang sumigaw na naman ang mga tao.

"Ahhhhh!! Oh my ghad!! Alexxxxx, ang gwapo mooo!!"

"Ethannnn!! Go mahallll!!"

"Cladein waahhhhhh!! Ako nalang tirahin mooo!!"

I grimaced at the last shout. Ang bastos ng bunganga. I sighed. Tinakpan ko ulit ang tenga ko nang sumigaw din si Clavie.

"Kurt gooo!! Kaya pa 'yan!!" Pag che-cheer niya sa crush niya na taga Business Department. Tiningnan ko naman ang score board. Hmm..panalo na ang Engineering Department. Malaki ang lamang na ED sa BD at malapit nang matapos ang laro.

Patuloy pa rin ang pag-che-cheer ni Clavie. Tiningnan ko ang mga nasa court. Pawisan na lahat ang mga players. Nasa kay Kurt ang bola at dini-dribble niya ito papunta sa malapit na ring. I-sho-shoot niya na sana nang biglang may umagaw rito at ipinasok sa ring. Naghiyawan na naman ang mga tao. Ngumisi ang nakaagaw sa bola. Dumaing naman sa tabi ko si Clavie. Siguro dahil hindi naka shoot ang crush niya.

Makalipas ang ilan pang minuto ay natapos na ang laro. Like I suspected, the Engineering Department won. People were congratulating them. Most of them were girls.

Nang medyo humupa na ang mga tao ay kinaladkad na naman ako ni Clavie papunta sa team ng crush niya. May mga tao pa ring nakapalibot pero konti nalang.

"Kurt, hello! Good game. Bawi nalang kayo sa susunod." She greeted.

"Thanks Clavie and thank you for cheering for our Department." ani Kurt. He also greeted me, the reason why some of his teammates noticed me.

"Uy, himala naman at nanood ka Venice." sabi ni Alex, isa sa teammate ni Kurt.

"Hindi sana ako manonood kung hindi lang ako kinaladkad ni Clavie." sabi ko naman sa kanya. He laughed at what I said. It's true though. Foundation week namin ngayon that's why there are various activities in the school. Uuwi sana ako ng maaga ngayon dahil pagod ako kung hindi lang ako kinaladkad ng best friend ko. Biglang napatingin sa likod namin sina Kurt.

"Bro, congrats, as usual ang galing niyo." Bati nila sa nasa likod namin.

"Yeah, thanks. Good game. It was good playing with you." The voice behind us said.

"Hahaysss, kung hindi lang sana nang-agaw ng bola ang iba diyan, edi sana may chance manalo ang team namin." Pagpaparinig ni Clavie. Tumawa ang nasa likod ko.

"It was a game Clarisse Viviene and it's supposed to be like that." Clavie rolled her eyes. Tumabi ako para makaharap nila sina Kurt.

"No, you are just madaya Kuya. And I told you already to stop calling me like that!" Tinawanan lang ni Cladein ang sinabi ng kapatid niya.

Loving Claxton AedeinWhere stories live. Discover now