ANG MUNDO NG BASKETBALL 2

37 3 3
                                    

"Kinabayo ko ang paglalaro pero konti pa rin ang naging iskor ko," aniyang napakamot sa batok.

"Maraming factor para manalo o matalo ang isang team sa ano mang kompetis-yon... Kaya wala kang dapat sisihin o pagsisihan," paliwanag sa kanya ng dalagang nililigawan.

Sa larong basketball ay isinisiksik ni Franz ang sarili sa mga bantay ng kabilang koponan. Hindi siya takot mabalya, masiko, mapatid o mapasemplang sa sahig ng hardcourt ng kalabang koponan. At lalong hindi niya kinatatakutan ang masupalpal ng kalarong bantay.

Sa kanya kasi, ang parisukat na laruan ng mga manlalaro ng basketball ay tulad din sa mundong ginagalawan ng tao. Buong tapang niyang hinaharap ang ano mang hamon ng buhay. Nagpapakatatag siya sa mga pagsubok at kahadlangan. Nagsusumikap siyang mapahusay ang gampanin na dapat niyang papelan. At lagi nang nakatanaw sa inaasam-asam niyang tagumpay. Pero nakahanda rin naman siyang lumasap ng kabiguan.

Gayundin ang pagtingin ni Franz sa larangan ng pag-ibig. Sa pagkakataong iyon ay bahagya muna siyang bumuwelo sa pag-ehem-ehem. At minsan pa niyang inungkat sa nililigawan ang kanyang totoong iskor sa puso nito. At ibig niyang pasagutin agad ito ng "yes" o "no."

"Daig mo pa ang naghahabol sa last two minutes, a... " baling sa kanya ni Zayra.

"Pwede ba, ngayon na..." aniyang nakatitig nang mata-sa-mata sa dalaga.

Bigla na lang siyang hinagkan sa pisngi ni Zayra.

Napatulala si Franz. Nabitiwan tuloy niya ang supot ng biniling pandesal. At malakas na kumabog sa dibdib niya ang kanyang puso na kumbaga sa larong basketball ay final bell sa last quarter ng laro.

:(wakas:)
Walang magawa hahaha

BaSkETbAlLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon