Ang second week naging last week or May sorry! Magseseryoso na po ako swear, pero hindi masyadong seryoso XD di ko kaya. XD So ito na! Malapit nang mag 1 year tong story na to, so meaning Mas mahabang updates :) I love you guys. Sa mga readers ko thank you. Sana talaga magustuhan niyo ang MY REAL HUSBAND. Let's start the journey now :)
VOTE | COMMENT | SHARE
♡Cath
---Anikka's POV
5 years ago iniwan ko siya. Hanggang ngayon, my heart still beats for him.. I don't know if he's heart beats for me too. Sana no?
"Mom are we going to lola and lolo's place today?" tanong ng 5 years old ko na baby na si Nikko. Si Nikko ay isang napakabibo na bata. Minsan napakasunget niya minsan napakalambing niya. One time nung kakauwi niya lang galing sa school lumapit siya sakin at binigyan niya ako ng drawing. Isang babae at batang lalake ang nasa picture at may nakasulat na: To my mommy-daddy.
Prep siya nun, this coming school year mag gragrade 1 na siya. Matalino at napaka friendly ni Nikko pero talaga masunget din yan. May klaklase siyang babae na nagpapapansin sakanya di niya pinapansin. DI ko alam kung san yan nag mana XD
"Yes baby but we are not going to their house in California. We are going to the Philippines. Dun ka na rin mag aaral, is it okay baby?" tanong ko sakanya. He gave me a cute thinking look and he hugged me.
"Of course mom! It's okay with me. I wanna be with you lang naman eh!" sabi niya napangiti ako sa sinabi niya. See? napakasweet. "but mom" sabi niya.
"Yes baby?" tanong ko at tiningnan ko yung mata niya. He gave me a smile and said. "Meaning dun na tayo titira with lola and lolo?" tanong niya.
"Yes baby pero hindi tayo mag tatagal dun, titira tayo dun sa friend ni mommy ki tita Leii and tito Kurt okay? May anak sila baby so meaning you have playmates!" sabi ko sakanya at ngumiti siya. He kissed me on the cheek and said I love you. I smiled and said I love you too. Pumunta na siya sa kwarto niya. Alam ko nashock kayo, kahit ako din. Si Leii at Kurt nagkatuluyan. Si Leii nga daw sana magpropropose kasi nahihiya daw si Kurt.
Ayun sila ngayon, they have twins ( one boy and one girl) ka-age lang ni Nikko. So kung saan ang twins dun nalang din si Nikko. Plano ko kasing mag trabaho muna. Gusto ko sana magtayo ng company. Para if ever in the future si Nikko ang mag papatakbo neto pag laki niya.
I started packing my things and Nikko's. Tumatakbo parin sa isip ko si ALbert. Anong ginagawa niya ngayon? may iba na ba siya? may pamilya? Hayyy. Babalik na kami sa Pilipinas at sana naman maging okay ang buhay namin dun. Kahit may possibility na magkita kami ni Albert ulit. Sana.. oo.
-
"Magingat ka sa byahe niyo Anikka okay?" sabi ni Zoe sakin. Ngumiti ako at niyakap ko siya.
"oo naman no." I looked at her. "thank you sa lahat Zoe." Ngumiti siya.
"No problem Anikka. anything for you." sabi niya. Niyakap niya si Nikko. "baby Nikko, promise to me that you will take good care of your mom for me okay?"
Nikko nodded and kissed Zoe sa cheeks. Naglakad na kami ni Nikko papuntang entrance ng Airport. Nag hihintay kami na tawagin ang flight namin. Iniwan ko muna si Nikko, pinabantay ko naman yung guard sakanya at tinawagan ko si Leii.
"Hi Leii airport na kami see you!" sabi ko.
"Ingat kayo Anikka babes! Excited na kami ni Kurt makita si Nikko." sabi niya.
"excited na din siya. oh sige na tawag na kami. Aalis na kami bye Leii" sabi ko then binaba ko na. Pumunta na ako dun ki Nikko at may nakita akong lalake na tumabi sakanya na kinakausap siya titingnan ko sana yung lalake pero nagsuot siya ng shades at umalis. Lumapit ako agad ki Nikko.
"Baby are you okay? ano sinabi nung lalake sayo? sino daw yun? Is he asking you to come with him?" tanong ko sakanya. Di ko alam pero kinakabahan ako. Ngumiti si Nikko
"Mom no. He just asked me kung sino kasama ko at ano pangalan mo. I told him you are Anikka and I told him I'm Nikko. He said okay then umalis na siya" sabi niya.
"Did he hurt you baby?" tanong ko at niyakap ko siya.
"Mom hindi po." sagot niya. Kiniss ko yung forehead niya at sinabi ko sakanya na aalis na kami. Sumakay na kami sa plane at tuluyan nang nasa taas.
"Baby sinabi niya ba sayo ang name niya?" tanong ko ki Nikko pero nakatulog na pala siya. I hugged him and natulog na rin ako. Sino kaya yung guy kanina? I thought kukunin niya si Nikko pero sabi ni Nikko nagtanong lang raw. Buti nalang nakita ko siya kasama yung guy na yun. This is it for now. Kailangan ko mag pahinga for tomorrow. Natulog na ako na yakap yakap ang angel ko.
EOC
----
CHAPTER 1 DONE! SHORT UPDATE MUNA! CHAPTER 2 NA MAGLOLONG OKAY? XD Okay lang ba? Sino kaya yung guy na lumapit ki Nikko? Hahahaa abangan! VOTE AND COMMENT AND SHARE PO REALERS! LOVE YAH GUYS!
♡ CATH ♡
BINABASA MO ANG
My Fake Boyfriend.
RomanceEverything is FAKE. From the i love yous to the flowers to the efforts and finally to the LOVE itself. We made a deal that everything will be fake. Para sa parents namin. But then sa isang iglap naging totoo na ang lahat. Our I love yous now have...