Hello po sir vic...nais ko po pala mag bahagi nang karanasan nang isa kung kakilala ..itago niu nalang po ako sa pangalang Sandy ..
Etong kwento na babahagi ko ay hango sa tunay na pang yayare .Isusulat ko po sa paraan na ang kaibigan ko ang nag sasalaysay..umpisahan na natin ..
Walang eksaktong taon at lugar ..Ako nga po pala si Ken laking pampangga ang babahagi ko ay karansan ko nang mag bakasyon ako sa Leyte noong Limang taong gulang palang ako.
Nitong mga panahon na eto nasa abroad ang papa ko.Kaya kami lang ang ni mama mag kasama lagi..
Buwan nang mayo nang maisipan nang mama ko umuwe nang Leyte,sabi pa niya Ken dadalaw tayo sa mga lolo at lola mo sa Probinsya..Kaya tulungan mo akung maaus mga gamit mo..Ako naman tuwang tuwa dahil makikita ko nanaman ang lolo ko at mga kapatid ni mama...
Nang sumunod na araw lumuwas kami nang maynila at bumyahe papuntang Leyte....Maayos naman kami nakarating nang Leyte....Nagising ako sa mahihinang yugyug nang mama ko ...Ken anak andito na tau...masaya akung bumaba nang sasakyan ...
Nitong mga panahon na toh halos wala pa masyado bumabyahe papunta sa bayan nang lolo ko at lola..kung kaya umaalis ang sasakyan na dapat puno at halos mag siksikan na..
Halos isang oras din lalakbayin bago makarating....pasado alas dies na kami nakarating sa bahay nang mga tita ko na nasa bungad lang bahay nila...nasa tabing kalsada ..hindi katulad sa mga lolo at lola ko pati sa isang tito ko na nasa looban pa ilang kabahayan pa dadaanan bago makarating.
Tuwang tuwa kaming sinalubong nang tita ko pangalanan nalang natin siyang Tiya Edna..
Tumatakbo siyang lumabas bahay na sumisigaw na Danilo andito sila ate Elena at ken...si Danilo po ang asawa ni tiya Edna,.. masayang nag yakapan ang mama ko at tita ko..
At nilapitan ako nang tito Danilo ko sabay wika ang laki laki muna ken ,...mabuti naman at napasyal kau tamang tama at malapit narin ka fiestahan ,sigurado matutuwa ang lolo at lola mo...Sabay buhat sakin ni tito para dalhin sa loob.
Ang mama at tita ko naman hindi mag ka mayaw sa mga kwentuhan ...at mukhang naka limutan na ako ni mama ..Kung kaya naisip ko mag pasama kay tito Danilo na samahan ako pumunta kina lolo at lola..
Masaya naman akung sinamahan nito...nasa bungad pa lang kami nang bakod nang kabahayan nila lolo at lola sumigaw na etong si tito Danilo..
Tatay ,nanay andito ang apo niyo...kaya mula sa loob nang kabahayan napasilip ang lolo ko at lola...na mukhang nag kakape atah at may mga hawak tasa .
Masayang sinalubong naman ako nang lolo at lola ko ...nag papaunahan na hagkan ako at yakapin...
Sabay tanung ni Lolo kay tito Danilo kung kailan daw kami dumating ..na agad naman sinabe ni tito na kanina lang .
pangalanan nalang po natin ang lolo ko na Elmer hindi po niya totoong pangalan at lola Virginia...
Pumasok kami sa loob bahay nila ....at kahit kubo kubo lang bahay nila makikit mo parin na hindi sila kapos sa pamumuhay ...
Lumipas ang mga araw at sa bahay nang lolo at lola ko ako nag stay samantalang ang mama ko naman sa bahay ni tita Edna......Habang nanatili ako sa bahay nang mga lolo at lola ko napapansin ko ang isang kwarto na may kakaibang mga naka lagay pati narin sakanilang altar..may mga naka sabit at mga libro na maliliit ...at nung minsan naka pasok ako may iba't ibang kulay nang kandila ako nakita pula ,puti ,itim...na sa murang edad ko hindi ko naman eto binigyan pansin ...
Madalas ko rin marinig ang tito Ricky ko at lolo Oscar nag uusap tungkol sa pang gagamot ...ako naman nakikinig lang ....biniro ako ni tito Ricky kung gusto ko raw ba makita siyang mang gamot...