Nasa 'yo na ang lahat... Pati ang puso ko.
© by Monicablair
( Please Play the Video at the right side so you can hear the song and fully understand the story :D )
Lipgloss na lang at tapos na ko.. Ayan, Tapos na ^___^
Lumapit ako sa Life size Mirror sa Kwarto, I'm so pretty and happy.
Suot ko ngayon ang pink dress na binigay sakin ni Liam.
Sino si Liam? Boyfriend ko. ^_____^
Actually, Anniversary namin ngayon at magkikita kami. Suot ko nga din ang bracelet na binigay niya saken, Na may nakalagay na Lianne&Liam.
Syempre Pangalan naming dalawa. Ang sweet niya noh?
Natatawa na lang ako tuwing naaalala ko kung paano naging kami ni Liam. Gusto nyo malaman kung paano ?
Ganito kasi yun...
Naglalakad ako sa papuntang Classroom.
Nang makita kong nag-gigitara sa tapat ng classroom si Liam.
At ang kinakanta niya?
" Na sayo na ang lahat ni Daniel Padilla " oh diba?
Lagi yan, tuwing dadaan ako. Naririnig ko ang boses niya.
Nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Ngumiti lang siya at ngumiti rin lang ako.
Sa totoo lang? Wala akong gusto sa kanya dati pero wala eh, Na-inlove ata sa boses ng Loko.
Simula nun, Lagi na kong nakatitig sa kanya. Nakasunod ng hindi niya alam.
Hanggang sa isang araw, Ang lukaret kong bestfriend na si Tasha e nag-suggest na gumawa daw ako ng move para mapansin ni Liam.
Napaisip ako, bakit nga kaya hindi ako Magdala lagi ng food at ilagay lagi sa chair niya.
Mahilig kasi siya sa Lasagna at sakto yun naman ang specialty ko.
" Tol! May Lasagna ka na naman sa upuan mo. 3 weeks ka ng pinadadalhan ng admirer mo ah ! " Narinig kong sinabi ni Eli. Nangingiti lang naman si Liam.
Malapit na mag.valentines at hindi ko ineexpect na mapapahiya ako ng sobra. Akalain mong nagkaroon ako? At natagusan pa ko? Worst thing is Si Liam pa ang nakakita na may tagos ako.
Tumakbo ako sa C.R at hindi mapakali sa loob. Paano ba naman kasi ako makakalabas ng ganito? Mag-mamagic ako? >____<
Nang may kumatok sa C.R, binuksan ko ang pinto ang lalong akong namula.
Paano ba naman kasi. Si Liam inabot saken ang isang pack ng napkin. Nag-thank you lang ako at Nag-nod naman siya.
Pagkatapos ng nakakahiyang eksena, dumiretso na ko sa Classroom Pero walang tao.
Nasaan na kaya yung mga yun? Umupo na lang ako sa upuan ko at nagtext kay Tasha.
Nang may mapansin ako sa desk ko.
Lasagna?
Hindi pa ko masyadong nakakapagisip ng matino ng biglang may kumanta ng