Masaya Kana Sa Iba
Paano nga ba natapos ang istorya na siniluman natin sa tayo na nag tapos sa kayo.
Simulan natin nung dumating sya at nalimut moko dahil sa pagibig niya
Kahit sobrang sakit sa aking mata na makita kitang masaya sa piling niya.
Kahit masakit nung mas pinili mo siya.
Nung pinapili kita sa aming dalawa kung sino ba talaga.
Maraming pilit akong kinukumbinsi na kalimutan kita
Pero nakakagago lang Kase kahit anong gawin ko nababalik-balikan ko parin yung panahong may tayo.
Nung panahong wala pang nabubuong kayo.
Nung panahon na hindi pa nauuso ang salitang mag wala na tayo o mag hiwalay na tayo.
Pero heto ako naghihintay na balikan mo kahit na alam kong malabo.
Alam ko hanggang dito nalang ako dahil wala ng tayo.
Mahal naaalala mo pa ba yung mga panahon na sinabi mo na walang iba ako lang.
Naalala mo pa ba kung saan tayo nag simula.
Naalala mo pa ba yung mga masasayang alaala na ang isa't isa ang nagpapangiti sa ating dalawa.
Naalala mo rin ba yung unang beses mo syang nakilala na halos makalimutan mo nang may kasama ka.
Naalala mo ba yung unang beses kitang tinanong kung may gusto ka ba sa kanya.
At masakit dahil sinabi mong oo at hindi na ako.
Masakit dahil mas pinili mo sya kesa sa tatlong taon na mag kasama tayo.
Na may sasabi pa akong may tayo.
Pero ano nga ba ang magagawa ko.
Wala
Hindi dahil sa mas maganda siya
Mas matalino siya
Mas may kaya siya
Hindi dahil sa kung anong meron siya.
Kung hindi dahil sa mas mahal mo na siya.
Kesa sa pag mamahal na meron tayo sa isa't isa na na nag laho dahil sa pag dating nya.
Kaya mahal pakiusap lubayan mo ang isip ko.
Ngayon na nabuo ko ang sarili ko.
Muli tumatak na sa aking sarili na malabo nang may tayo at
Masaya kana sa iba.