1

10 0 0
                                    

ASHLEY

"Okay, That's all for today! Goodbye!" Saad ng prof.

Tamad kong niligpit ang gamit ko sabay tumayo.

"Ashley! Tara muna sa cafeteria!" Yaya sa akin ni Shantal. Tumingin ako sa wrist watch ko. Almost 11 AM na, isang subject lang pala ngayon kaya pwede na rin akong umuwi pagkatapos.

"Okay! Sasamahan lang kita. Busog pa kasi ako eh!" Pero ang totoo niyan ay gutom na gutom na ako sadyang wala lang talaga akong pera.

Habang papunta kami sa cafeteria ay naagaw ang atensyon ko sa isang grupo ng kalalakihan na naglalaro ng football sa malawak na field kaya't napahinto ako sa paglalakad at manghang pinapanuod sila ng biglang may magsalita sa tabi ko.

"Si Connor Dallas #34. Si Luke Trinidad #08. Si McHarmon Lee #25. Si Jopheth Andres #12 at ang pinakabagong member ng football team nila ay si Flynn Lawrence Scheinder. So, sino ang type mo sa kanila?" Napalingon ako sa babaeng nagsalita. Maganda siya, mahaba ang buhok niya at may matangos na ilong.

Napansin niya atah ang pananahimik ko kaya nagsalita siya.

"Oh! I'm sorry! I'm just aski-" Para akong nabingi ng maalala ang sinabi niya. Flynn Lawrence Scheinder. Ngayon lang nag-sink-in sa akin ang pangalang binanggit niya.

Hinanap ko ng tingin kung totoo ba ang sinabi ng babae at nakita ko nga siyang naglalaro.

"Oh! I have to go! Nice meeting you here! " Napukaw ang atensyon ko ng hawakan ako ng babae sa braso at tsaka nagpaalam siya akin.

Ngumiti nalang ako sa kanya at sinundan siya ng tingin habang papaalis.

Binalik ko ang tingin ko kay Lawrence na masayang naglalaro.

Labing-tatlong taon na din ang nakalipas simula ng makilala ko ang isang masayahing Lawrence sa isang pre-school , madalas ko siyang awayin at ipagtabuyan noon pero napakabuti niya pa rin sakin kaya sa sa huli naging magkaibigan rin kami, pero lumilipas nga naman ang panahon, ilang bagyo rin ang dumaan at nag-iba na rin ang ihip ng hangin, at heto't isa na pala siyang football player dito sa University at higit sa lahat hindi na siya Lawrence na nakilala ko.

"Uy. Babae! Kaloka ka! Kanina pa ko nagsasalita habang naglalakad nakaabot na ako sa Science bldg. Walangya ka! Akala ko nahulog ka na naman sa manhole gaya ng nangyari sayo nung nakaraan!" Sabi nito habang nagpipigil ng tawa.

"Sige, Shantal! Mang-asar ka pa! Pasensya na po, okay?" Sarcastic kong sabi.

"Tara na nga, superfriend!" Sabi nito sabay hila sa akin.

-

Bago pa ako makarating sa bahay namin ay rinig na rinig ko ang pagsigaw ng isanh babae, malamang may naniningil na naman ng utang. Minabuti kong magtago muna sa likod poste kahit nanginginig ang mga tuhod ko. Kitang-kita ko mula sa kinatatayuan ko kung paano magpumilit si Aling Bebang na buksan ang gate ng bahay namin.

"Aba! Magsilabas kayo diyan! Magbayad na kayo ng renta! Mga hampaslupa! Ilang buwan na kayong hindi nagbabayad!" Mukhang puputok na atah ang ugat ni Aling Bebang kakasigaw. Tss, sayang lang ang laway niya dahil walang tao sa bahay namin.

Mahigpit kong hinawakan ang laylayan ng bag ko atsaka tumakbo ng mabilis palayo sa lugar na iyon. Halos ilang buwan na kaming hindi nakakabayad ng renta.

Ang totoo niyan kaya hindi ko makuhang magpakita kay Aling Bebang ay dahil takot ako sa kanya dahil nitong mga nakaraang buwan ay tinatakot niya ako na ipangbayad nalang daw ako sa renta namin.

-

Nakarating ako sa park at naupo sa mga isa sa mga swing. Matagal tagal na rin akong hindi nakapunta dito sa park nato simula kasi ng mag-college ako ay bihira na akong maka-pasyal.

"Ano ba! Akin na yan! Magnanakaw! Tulong! Tulong!" Napukaw ang atensyon ko sa isang matandang babaeng pilit na hinihila ang kanyang hand bag sa isang lalake kaya't napapulot ako ng isang sanga ng kahoy at napasugod makitang tinulak siya ng malakas ng lalaking iyon.

Akmang tatakbo na yung lalaking iyon nang agad ko siyang ambahan ng sanga ng kahoy ang likod niya ngunit parang wala lang iyon sa kanya kaya lumingon ito sa akin at sinabunutan ako kaya't dinuraan ko siya sa mukha at kinagat siya ng madiin sa braso kahit na napaka-eww nun na siyang ikinamura niya at sabay bitiw sa hand bag nung matanda.

Pinulot ko ang handbag ng matanda ngunit ang hindi ko alam ay susuntukin niya ako pagtayo ko kaya't napapikit nalang ako at hinintay na dumapo sa aking mukha ang kamao ng mukhang ipis nayun.

Ngunit walang lumapat na kamao sa akin kaya't napadilat ako at woah! Ang lakas ni lola! Napatumba niya yung mukhang ipis gamit yung kahoy kanina pero teka ganun na ba ako kahina pumalo kanina para hindi mapatumba yung ipis kanina pero bahala na atleast napatumba niya si Antonio the cockcroach. Hahaha

"Woah! Lola! Ang galing niyo po!" Manghang sabi ko sa kanya.

"Hija, come with me!" Hingal na sabi nito.

"Po?" Tanong ko ngunit wala akong narinig na sagot mula rito kaya sumunod nalang ako sa kanya.

-

"What's your name hija?" Nakangiting tanong nito. Medyo curious ako kung bakit niya ako sinama dito.

"Ah, I'm Ashley Suzanne Peralta. Ashley for short" Napatitig naman ako ng tumawa ito pero napaka-iba ng tawa niya, napaka-mayumi. Well para siyang nasa mid 60's but she's still pretty at mukhang mayaman.

"Oh, don't be shy, hija. Were just here dahil gusto kong humingi ng pasasalamat sa iyo, hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan kaya't dinala kita dito." Aniya nito. Medyo nahihiya ako sa kanya.

"Ay, wala po yun! Pero lola ang lakas niyo po kanina malamang kung hindi niyo po linakasan ng palo yung ipis kanina malamang nasapak na ako nun." Natigilan nalang ako ng wala akong marinig sa kanya kaya't napatingin ako sa kanya at nakita ko ang sobrang pagngiti niya habang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit nawala ang hiya ko sa kanya.

"You look like an angel" Yun ang mga katagang nagpagunaw ng utak ko. It was the first time in my life na may nagsabing mukha akong anghel. O baka naman niloloko lang ako ni Lola.

-

sweetsera :-)

The Destiny's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon