28 days

37 2 2
                                    

August 2

Beep. Beep. Beep.

Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock ko.

"Hala, late na pala ako!" 7:27 nung nagising ako, 7 ang pasok ko sa work! Lagot na naman ako sa boss ko.

Nagmadali akong naligo, nagbihis, kumain ng konti, at ako'y tumakbo na papunta sa work.

Walking distance lang ang office ko, yeah i know, kahit malapit na nala-late pa din. Napupuyat kasi ako sa kakalaro ko ng Clash of clans, may war pa nga kami mamaya eh. Heheks

Habang tumatakbo ako, may nabangga akong babae, bumagsak sya at bumagsak din ako. Hindi naman ganun kalakas ang pagbangga ko sa kanya so hindi naman siya nabaldog.

Agad agad akong tumayo, at kinuha ko ang mga nahulog niyang mga libro.

"Miss, sorry! okay ka lang ba?" Tanong ko na parang natatakot.

"Okay lang ako, sorry, di ako tumitingin sa dinadaanan ko."

Hinila ko siya pataas para siya ay itayo.

Hinawakan ko ang kamay nya na sobrang lambot. Nang natayo ko na siya, nakita ko ang mukha niya. Sobrang ganda, parang anghel na nalalaglag galing sa langit.

Hindi na ko nagsayang ng oras at ako'y nagpaalam na sa kanya.

"Uhmmmm... Miss, pasensya na, kailangan ko ng umalis. Sorry talaga sa ginawa ko."

At ako'y tumakbo na papunta sa'king trabaho.

Nang nasa office na ko, pumunta agad ako sa table ng boss ko para magsorry at magpaliwanag.

Papalit na ko dun nang mapansin kong may kausap siya. Hindi ko masyadong makita dahil nakaharang ang salamin na hindi transparent.

Nang mapunta na ko dun, nagsalita agad ako.

"Boss! Pasensya na po at na-late po ako. Hindi na po mauulit."

"Yan ka na naman sa mga palusot mo, Mr. Revilla! Isang late mo na lang, tanggal ka na sa trabaho mo."

"Pasensya na po, boss."

Natahimik ako at napayuko.

"By the way, Rico, eto nga pala si Dully, ang bagong kapartner mo sa pageedit ng layouts."

Nang mapatingin ako kay "Dully", napansin kong siya pala yung nakabangga ko kanina! Napakarude ko naman at di ko natanong name niya.

"Rico? Hmmmm... You look so familiar." Sabi ni Dully

"Ay oo... ikaw yung nakabangga ko kanina. I'm really sorry talaga." Sabi ko ng mahinahon

"Oh... pumunta na kayo sa tables niyo, marami pa kayong gagawin." Ika ni boss.

Papunta na sana kami sa table namin nang may nakalimutan akong itanong kay boss.

"Boss, San na po ba si Henry? Nagresign na po ba siya?"

"Oo, magaabroad daw yung partner mo, magpapayaman."

"Ah. Sige boss, aalis na ko."

"Teka lang rico, wag mong kakalimutan umatake mamaya sa war ah? Malupit yung kalaban natin."

Hahaha loko talaga yan si Boss. Kavibes ko yan pagdating sa Clash of Clans.

"Hahaha sige boss! Walang aawat sa gera mamaya!

"Yan! That's the spirit!"

Nagtawanan kami ni boss pero nagmadali na kong pumunta sa table namin ni Dully.

28 daysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon