"Whoo!! Buti nakaabot ka girl!!" Malakas na bati sakin ng isa kong kaibigan na bading habang ang dalawa kong babaeng kaibigan ay busy sa kakanood sa mga gwapong kalaban ng university namin..
"ANO NANG NANGYAYARE?!!!" Sigaw ko sakanila dahil sa sobrang lakas ng tilian ng mga babae.. As in sobrang lakas na para bang lalabas na ang mga ngalangala.
"SI TOFF MO SINIKO KANINA!!" Malakas na sagot sakin ni Jade with matching palakpak pa dahil nakashoot ang captain ng team nila Christoff..
"WHAT???!!" natigilan ang mga kaibigan ko at napatingin sakin dahil napalakas ang pagkakatanong ko sa gulat. Bigla naman silang napayuko at para bang nahiya kaya naman ay napatingin ako sa mga nakapaligid samin.
Hindi naman masama ang tingin nila saakin dahil alam nilang ako ang girlfriend ni Christoff pero nagulat lang sila sa pagsigaw ko dahil sakto ito sa pagkatahimik ng mga nanonood.
Napatingin naman ako sa mga naglalaro sa baba na halatang focus sa paglalaban at tila ba hindi nila narinig ang sigaw ko..
Hinanap ng mata ko si Christoff at nakita kong tumatakbo siya habang may lalaking nasa harap niya, napangiti ako ng makita kong nakatingin siya saakin at nakangiti na para bang nangaasar kaya naman ay sinamaan ko siya ng tingin.
"Nakakahiya ka Zi.. Pasalamat ka mababait sayo yang mga yan kundi napatay ka nila sa tingin. OA." pagmamaktol ni Lesy na ang tunay na pangalan ay Brix Jid Sandrie. Kung anong ikinaganda at ikinalalaki ng pangalan ay baluktot na baluktot ang kasarian.
"Palibhasa love loser ka kaya ang bitter mo." Sagot ko sakanya habang pinagmamasdan si Christoff habang hinaharangan na ng dalawang lalaki dahil nasakanya na ang bola..
Hindi ko maiwasan ang mamangha sakanya habang pinagmamasdan ang pawisan niyang mukha. Sobrang cool pa rin niya tingnan kahit tumutulo na ang pawis niya mula sa kanyang buhok. Mukha pa rin siyang mabango kahit na gusot na ang kanyang suot..
"Matunaw si Christoff." Maikling singit ni Rodelyn sakin habang nakatingin din siya sa pwesto ni Christoff.. Ngayon ko lang naalala na isa pala sa mga humaharang kay Christoff na mula sa kalabang team ay boyfriend niya kaya naman ay nginitian ko lang siya.
Habang tinitingnan ko siya ay para bang ang bagal ng oras at wala na akong marinig.. Parang hind----
"THAT'S MY GUY!!!!!" Napatayo na ko sa upuan ko habang nakaturo kay Christoff dahil naishoot niya ang bola na kasabay ng isang malakas na ring na nakakapagsabi na tapos na ang laban..
68-71
Nagsitilian na ang mga kaschool mate ko dahil sa tuwa pati na rin kami.. Nakita kong nakatingin sakin si Christoff habang nakangiti at namalayan ko nalang na binuhat na siya ng mga kateam niya dahil siya ang nagpanalo sa larong ito..
Lumipas ang isang oras na pagiintay ko sa mismong pinaglaruan ng game.. Umalis na ang mga estudyante at pinauna ko na ring umuwi ang aking mga kaibigan..
Muli ulit akong napangiti dahil sa sobrang proud sa kanya at napatingin ako sa katabi kong box na puro gift na mula sa mga manliligaw niya...
Kahit na kalat sa University namin ang aming relasyon ay hindi maiiwasang magkaron siya ng mga tagahanga.. Ang kaibahan ko siguro sa mga nababasa kong libro ay hindi ako nabubully o kinaaayawan ng mga babae dito. Baliktad pa nga. Saakin nila inaabot ang regalo nila para kay Christoff. Kahit minsan ay hindi ako nakarinig ng bad comments at kung ano ano pang hatred.
BINABASA MO ANG
Untold POV
RandomCOMMITMENT- For me, commitment is like binding yourself with a person who you can trust. It is like reserving yourself and building your rules and limitations with a certain person... RESPONSIBILITY- In my opinion, a responsibility is something you'...