Warning: The story is based on the authors imagination. This is the collaborative efforts with Alison which is my classmate. Many grammatical efforts and typo in the story hope you understand. I do not edit this so bare with me.
Lumabas na ako sa isang kilalang restaurant matapos kumain, dali-dali namang sumunod ang mga bodyguard na pinadala ni Daddy upang bantayan ako. Wala na naman akong kalayaan! Mabilis ang ginawa kong paglakad kahit na mataas ang suot kong takong dahil sa sanay na ay hindi iyon alintana.
Paano ko ba matatakasan ang mga ito? Ani ko sa sarili. Halos lahat nalang bawal sa kanila, miski ang magkarooon ako ng boyfriend ay bawal!
Kahit na mabilis na ang ginawa kong paglakad ay nasasabayan parin nila akong dalawa, palibhasa ay mga lalaki sila. Nang makarating kung nasaan ang sasakyan ay agad akong pumasok roon. Humalikipkip ako kasabay na malakas ng bugtong hininga at maya-maya rin ay narinig ko ang pagbukas ng dalawang pinto sa driver seats.
"I want to go to the comfort room, it is okay? Gusto kong umihi." Umikot ang dalawa kong mata matapos sabihin ang katagang iyon.
"Pwede naman Señorita para ho ay kasama ninyo ang isa sa amin." Ani ng isang bodyguard. Tinaasan ko Ito ng kilay matapos niyang sabihin iyon sa akin.
"Tsk! Bibigyan niyo pa ako ng kahihiyan? Mag-isip nga kayo? Sasama kayo sa kubeta ng mga babae? Really?" Hindi makapaniwala kong ani. "No. I want to go there alone! Nakakahiya kung may kasama pa ako! I'm grown up women already!" Matapos sabihin iyon ay pabalibag kong sinarado ang pintuan ng kotse sabay ngisi ng makalayo ng kaunti sa kanila dahil hindi nila ako sinundan.
Mabilis muli ang aking paglakad dahil hindi naman talaga sa kubeta ang tungo ko! Binilisan ko muli ang paglalakad at napangiti ng makakita ako ng na daan sa gilid ng restaurant. Maaliwalas naman ang lugar doon at makikita mo na walang katao-tao marahil siguro ay malapit na ang paglubog ng araw.
Nakakita muli ako sa palikong daan at doon naisipang magpalit ng tsinelas. Mabuti nalang at isang fitted t-shirt na kulay itim lamang at naka jeans ako ngayon. Kinuha ko rin ang hindi kalakihan kong branded na shoulder bag na nagpapadalamat akong nagkasya ang dala kong Hotel slipper. Pagak akong tumawa dahil sa magandang ideya na nagawa ko.
Binitbit ko na lamang ang aking magkapares na takong dahil hindi naman iyon kakasya sa aking dalang shoulder bag. Inilibot ko ang tingin sa dinaanang eskinita, maaliwalas ang baryo na ito kumpara sa ibang lugar dito sa Manila. Ilang sandali pa ay naririnig ko na ang mga munting hagikhik ng mga batang narito. Malapit na ang dilim bakit naglalaro ba sila? Ani ko sa sarili.
Nakakatuwang pagmasdan na naglalaro ang mga bata at mabuti nalamang ay may karamihan ang tao dahil malapit ito sa mga maliliit na tindahan sa baryo nila. Nararamdaman ko ang mga tingin ng mga taong naroon sa akin ngunit ininda ko lamang iyong hanggang sa malampasan ko sila. Napatingin ako sa maaliwalas na kainan malapit roon at napamangha ako sa ganya ng disenyo, puro kahoy ang makikita at ang mga halaman na naroon ay nagbibigay ganda sa munting karinderya. Napakaganda! Mayroon palang ganitong lugar? Nakakadagdag pa ang mga hampas ng alon sa dagat na natatanaw dahil open ang maliit na tindhang iyon.
Sumilay ang ngiti ko sa labi ngunit mabilis lamang iyon napalitan ng lungkot ng makita ko ang masayang pamilyang nagtatawan sa isang gilid ng kainan. Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa oras na ito, nasasaktan ako at nalulungkot dahil hindi ko naman naranasan ang magkaroon ng masayang memorya sa aking pamilya.
Ngumiti ako dahil magsasabay muli kaming kumain nila Mommy at Daddy sa hapag kainan. Malalaki ang subong ginawa ko dahil gusto kong mapansin nila ako katuad ng mga ginagawa ng mga magulang nila sa napanood ko na movie. Sasabihan nila ako ng dahan-dahan lamang sa pagkain at mag-aalala sila sa akin. Ngunit ang mga naisip kong iyon ay nawala ng ilang minuto na ang nakakalipas ay wala manlang imikan na naganap sa aming hapag kainan. Tanging mga kubyertos lamang ang maririnig sa mga oras na iyon.
BINABASA MO ANG
One Shot
Short StoryA short story about the "Kahalagahan ng Pamilya" activity in our school.