They're so beautiful...haa heaven
"Khaye! tara na, magsisimula na 'yung movie!" Before ako umalis sa hinaharap ko ngayon ay napabuntong hininga ako, kung pwede lang dito nalang ako buong oras katumbas ng movie na papanuorin namin ay okay lang sa'kin 'yun
Kaso ayoko naman malulungkot siya dahil sa'kin, kaya tumayo na ako at lumakad na patungo sa loob ng sine
Napakagat labi naman ako pagkapasok ko palang sa sine, "ang dami namang masasakit sa mata dito Althea" inis kong sabi, napahagikgik na lamang si Althea sa sinabi ko
"Ano ba ineexpect mo?, 'yung genre ng movie ay Love story, syempre gano'n talaga ang mangyayari dito Khaye" napa-iling na lamang siya,
Mahigit tatlong taon na din pala akong bitter sa relasyon, gano'n talaga wala na kayong magagawa, pero pati naman kayo ay bitter din especially single din kayo
"Hayaan mo na sila Khaye, 'wag mo nalang sila tuonan ng atensyon, ikaw lang talaga nagpapainis sa sarili mo eh" umiling nanaman siya, eh pano ko ba di matuonan ng atensyon eh nakapalibot sila? geez
Natapos na ang pinanuod namin at gusto ko lalamunin na ako ng lupa ngayon na, eh kasi naman..
"Khayee! Jusko ka dai! Okay ka lang?" Sabay tawa niya sa'kin, "Ayan na nga ba sinasabi ko, may matatamaan talaga sa palabas na papanuorin eh"
Tumawa uli siya at sinamaan ko naman siya ng tingin, bakit ba hiyang hiya ako? eh ang lakas ng hagulgol ko do'n, sino ba'ng hindi mahihiya no'n?
"Pangit ng movie legit, old school masyado" reklamo ko habang pinupunasan 'yung pawis at luha ko, "kakain na nga lang tayo, gagaan pa loob ko"
Sobrang pangit ng araw ko ngayon sa totoo lang, unang una palang sinira na ng mga magjowa ang araw ko, tapos napahiya ko pa sarili ko sa kalagitnaan ng panonood ng movie, Lord di mo talaga ako mahal
"Oh! Nakita mo na ba post ni Jess?"
Habang nakatingin ako sa labas ay may nahagip ang mata ko, na tila ba ay tumigil ang mundo ko, hindi ko maalis ang titig ko sakanya, 'yung mga titig ko ay bumababa patungo sa mga kamay nilang magkahawak
At binalik ko naman sa mukha niyang nakatingin na din sa'kin,
"Khaye? Khaye?" Napa-iwas naman ako ng tingin sakanya dahil kay Althea, "Khaye? Okay ka lang ba?, Akala ko nakikinig ka kaya tinawag kita, bakit ka naiyak? Okay ka lang ba?"
Ngayon ko lang namalayan na tumutulo pala luha ko, pinunasan ko naman ito at tumingin uli sa bintana, ngunit hindi ko na sila makita
"Sino ba kasi 'yung tinitignan mo? Bakit ka naiyak?" Tanong ni Thea, ngunit iling lamang ang sinagot ko sa tanong niya
"Andyan na pala 'yung pagkain oh, kain na tayo tapos gala na tayo pagkatapos" sabi ko at kumain na
Naglakad lakad kami ni Thea ngayon, ang daldal niya talaga, that was the first time I saw him looking so fine, no problems, just smiling, for sure he's at the right person
Kelan kaya ako mapupunta sa right person? I'm not being desperate, pero curious lang, to tell you the truth may experience na ako sa mga ganyan, pero 'di ko masasabing alam ko na lahat, I know how it works, I know just everything of it..
No hindi ko pa alam ang tamang proseso dyan, at hindi din ako sigurado kung 'yung experience ko ay ganon talaga ang takbo sa relasyon, siguro I need to change something para ma-tama ko na 'yung mga mali ko 'siguro' while na sa relasyon pa ako, what if?
"Ang cute ng teddy bear oh Khaye, sana kapag nagkajowa man ako ay mabigyan niya ako ng ganyan" sabi ni Thea habang nakatitig sa teddy bear na hawak niya, si Thea ay hindi pa nakakaranas ng magkaron relasyon, iniingatan ko 'yan, kasi ayokong makitang saktan siya at masaktan siya