Meeting Her for the First Time

10 0 0
                                    

CHRIS STEVAN
Katatapos ko lang kumain ng hapunan. Isa ko lang nakatira sa isang malaking bahay na ito dahil ang aking mga magulang ay may kanya kanyang pamilya na. I'm the mess of the mess sa relasyon ng aking mga magulang. Bukas ay graduation ko na. Ang magkakabit ng medalya ko ay ang matalik na kaibigan ng aking ama.

Hindi katulad ng aking ama, si Tito Robert ay masaya sa piling ng asawa at dalawang anak nito.

Sila ang makakasama ko bukas dahil ang mga magulang ko ay may kanya kanya ng buhay. Ito na lang ang hinihintay ko. Ang makapagtapos at magkatrabaho upang hindi na umasa sa mga magulang kong hindi ko man lang naramdaman ang pagmamahal.

"Manang Elsa, eto po, " wika ko sa aking kasambahay.
Si manang Elsa na ang isa sa tumayong magulang ko. Siya din kasi ang naging yaya ko dati bago pa man maghiwalay ang aking mga magulang. Simula pa man siya ang palagi kong kasama. Kung wala sya, wala din tutulong sa akin sa aking mga takdang aralin at mga project sa school noong bata pa ako.

"Good night po manang," bati ko dito.

Patapos na akong magshower ng narinig kong tumunog ang doorbell.
"Shiit! Nakalimutan kong inimbitahan ko pala ang pamilya ni Tito Robert for dinner. At nakalimutan kong sabihin kay manang!"sabi ko sa aking sarili.
"Chris, kalma. Take out! Yeah take out," sabi ko sa sarili ko habang tumatawag na sa isang chinese restaurant upang magpadeliver.

Bumaba na ako upang batiin ang aking mga bisita. Nagsuot na lang ako ng Puting V-neck na tshirt at jogging pants na mukhang slacks. Natatawa ako dahil pagkatingin ko kanina sa salamin ay hindi ako mukhang nakapantulog although handang handa na akong matulog sa pakiramdam nitong aking suot. Haha

"Tito Robert, tiya, welcome. Dito muna tayo sa sala. Mga 15mins na lang nandito na po ang dinner. Kumusta po kayo? " bati ko sa pamilya.

"Anak, magandang gabi. Mabuti naman kami. Congratulations sa iyo. Alam ko proud na proud sa iyo ang mga magulang mo, " wika ni Tito habang nakikipagkamay sa akin.

Nanahimik ako. Hindi ko ito sinagot. Paano sila magiging proud eh hindi man lang ako binati.

"Keith my man how are you? " bati ko sa anak nilang panganay 13 yrs old pa lang.

" Kuya!" bati nito.

"Magandang gabi miss Mia its finally nice to meet you in person, " bati ko sa bunso nilang anak na ngayon ko lang nakita. She lived in the states ng 10 years of life niya nang in-offer syang alagaan ng tiya nito. Bumalik na sya Pilipinas for good.

Nahihiya ito. She just fluttered her innocent eyelids at me. She doesn't look like 10, I think as I stare into her eyes I see a very old soul.

"Im Chris Stevan. Nice to meet you Mia, " wika ko dito habang inaabot ang aking kamay dito.

"Nice to meet you po, " sagot nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stop Time When I'm with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon