nineteen

17 2 0
                                    

painter : nineteen

"Enjoying the party, pretty?"

Hindi ko na mabilang kung pang-ilang buntong-hininga ko na ang ginawa ko ngayon lang. Pero counted ba 'yon kung ang buntong-hininga ko kanina ay dahil bored lang ako, at ang buntong-hininga ko ngayon ay inis dahil naririnig ko na naman ang boses niya?

"Lord, please, ilayo mo na po ako sa masamang hangin ito. Please, I beg you," bulong ko at yumuko habang umiiling pa.

Magdadasal pa sana ako, baka kasi mapalayas ng dasal, pero hindi ko na tinuloy dahil alam ko namang matigas ang ulo ng masamang hangin. Kusa nalang dadapo sa 'yo, eh.

Tinaas ko ang tingin ko sa kanya. "Pinapunta lang ako ni Mama dahil dinaldal ni Kuya Darius kung ano ang nangyari sa bar last week, that's all," malamig kong wika.

Para naman siyang asong naglalaway na gusto maglaro ng fetch game. Kamukha niya si Dante sa palabas na COCO ng Disney. Wait, mas better pa nga si Dante kaysa sa kanya.

"May regalo ka sa akin?" Malaki ang ngisi sa labi niyang habang nagtatanong.

Pinag-kros ko ang aking mga braso at sumandal sa counter sa likod ko. "Meron," sagot ko at ngumiti. "Para namang unfair kung sa kapatid mo lang ako may regalo, tapos sa 'yo ay wala, 'di ba?"

"Bibigyan mo rin ng regalo si Blaze? Have you two ever talked?" Nakataas na kilay niyang tanong, hindi pa rin nawawala ang ngiti.

It's the Jang twin brothers' birthday today. Hindi ko naman talaga planong pumunta, kaso naki-usap sa akin si Tita Irina—well, kay Mama. Nag-rason kasi ako kay Tita na busy ako sa projects ko, kaso si Mama naman, "pupunta 'to, don't worry!"

Nakakahiya tuloy na ipakita kay Tita Irina pagmumukha ko. After ko siyang tanggihan, si Mama lang pala ang kasagutan. Buti nalang kasama ko si Kuya Darius. Pero nasaan na nga ba ang kasama ko? Ayon, tumo-tropa na pala. Susumbong ko 'yan kay Daddy.

Pero naiintindihan ko naman kung bakit gusto ako papuntahin ni Tita Irina. Gusto niya raw na i-present ang regalo niyang paintings sa anak niya kasama ako. Edi napa kilig na naman ako ni Tita Irina. Ang kaso lang, hindi ko naman alam na ganito karami ang bisita! Puro halos ka-edad ko lang at siguro ay three to five years older or younger lang sa akin ang mga nandito. Hindi ko rin makita si Tita Irina! Puro party lang talaga nangyayari ngayon, eh! Sayawan, kantahan, inuman, laro at marami pang ibang kababalaghan!

"Hindi. Pero mas bet ko siya," sagot ko sa kanya na ikinahinto niya ng tuluyan. "Maayos kausap, matalino, mabait, hot, pogi—"

"Tapos ako i-de-describe mo na masamang hangin?" Nakanganga niyang giit.

Natigil naman ako sa pagsasalita, pero nang makita ko ang itsura niya ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na ngumisi. Hindi yata siya makapaniwala na mas pinupuri ko pa ang hindi ko pa nakakausap kaysa sa kanya na binubulabog ang payapa kong buhay.

Nagkibit-balikat ako. "Bakit? Totohanan lang."

Hindi iyon totohanan. Hindi ko nga alam kung mabait ba talaga si Blaze, eh. Una kasi naming pagkikita, wala siyang kibo sa akin. Tapos, 'yong next naman na pagkikita namin doon sa birthday ng Daddy niya, nakita ko naman siyang tumawa. Seryoso, ang pogi niya, ang pogi pa ng tawa. Consider ko na ba sa mabait 'yon?

"Kambal kami!" giit niya at ngumuso. "Identical twin!"

Tinakpan ko ang bibig ko dahil ramdam ko na tatawa ako nang malakas ng wala sa oras. Ano ba magagawa ko kung masamang hangin ang tingin ko sa kanya, tapos kay Blaze ay isang anghel? Sorry, duh? May salitang 'first impression' na nag-e-exist sa mundo ngayon! Positive impression lang talaga nangyari kaya gano'n tingin ko kay Blaze. At sa kanya... ayaw ko na mag-talk.

"Pero hindi sa pag-uugali?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Umirap naman siya. "Kung masamang hangin ako, masamang hangin din siya!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagtawa nang malakas. 'Yong itsura niya kasi, parang iiyak na. Ready na yata siya mag-sumbong sa guardian niya. Sabi ko na sa kanya na huwag niya akong susubukan, e bakit niya ginagawa pa rin? Palakasan lang ng pananalig sa taas lang ang pakikipag-usap sa akin.

"Hindi rin, 'no!" I said between my laughs. "Kung hindi mo ako ginago noon, edi sana gano'n din kita i-describe."

"Pero, we're friends na. Past na dapat 'yon para sa atin," bulong niya at yumuko.

Umiling ako. "Kasama ka ba sa isang drama club? Galing mong umarte, nakaka inis talaga."

Mukha kasi siyang tanga. Halata naman na umaarte lang siya, ayaw niya pang tigilan!

Itinaas niya ang tingin niya at hindi na ako nagulat nang makita ang ngiti sa labi niya. "Right? Mom told me before na mag-audition ako. Umaayaw lang ako kasi baka bumaba salary ng mga artista ngayon kapag nakilala na ako ng mundo."

Napaatras naman ako dahil sa sinabi niya. With proud face pa!

"Sabi nga ng iba, libre mangarap." I smirked.

I was surprised he nodded. Hindi talaga siya marunong umintindi, ano?

Humagikgik siya. "You're very inspiring talaga!"

Ah... Hindi naman pala siya tanga para hindi maka ramdam. He's being sarcastic din pala.

Hindi ko na siya kinibo at hinarap na ang sarili sa counter kung nasaan ang bartender na gumagawa ng drinks. Dito kasi ako iniwan ni Kuya Darius. Binili lang ako ng drinks tapos nilayasan nalang ako!

"Do you drink?"

Akala ko kapag hindi ko siya kinibo at tinalikuran ko na, lalayasan na niya ako. Bakit ba palagi nalang akala ko pagdating sa lalaking 'to?

Tumingin ako saglit sa gilid ko kung saan ko siya naramdaman umupo. "Tinalikuran na kita't lahat-lahat, hindi mo pa rin ako tatantanan?" bulong ko at bumuga ng malalim na hangin.

Umiling siya. "No. Sabi ni Darius 'was kita iwanan. Mamaya naka yakap ka na raw sa taong hindi mo kilala, tapos maging Tito nalang siya bigla," tuloy-tuloy siyang pagsasalita.

"Sinabi niya talaga 'yan?" Pagtataas ko ng kilay.

He was hesitant when he saw my expression but he still nodded his head.

Ngumiwi ako at nilingon ang likod ko kung nasaan maraming tao ang nagsasayawan. Kapag talaga nakita ko siya mamaya, humanda siya. I-te-tape ko na ang bunganga niya!

"Do you not enjoy loud crowds?" tanong niya.

Ibinalik ko naman ang tingin ko sa bartender na gumagawa ng rainbow drinks. Wala naman akong pake sa drinks, gusto ko lang matulala sa drinks kaysa tumingin sa lalaking kumakausap sa akin.

Umiling ako. "Boses mo nga hindi ko matimpi, madaming tao pa kaya?"

"Speaking, do you want to sing with me?" tanong niya na umagaw sa atensyon ko. "Right now. I can stop this loud shit music so we can sing."

Tumaas ang kilay ko at tinungga ang cocktail na binili sa akin ni Kuya. Kada salita nitong lalaki na 'to sa akin, mas na-gi-guilty ako sa regalo na ibibigay ko sa kanya mamaya. May magic siguro bunganga nito. Ang dala ko kasi na regalo sa kanya ay painting ng landscape na kitang-kita ang hangin, nasa 12x12 canvas pa. Habang ang regalo ko naman kay Blaze ay naka 24x30 na canvas na painting ng mukha nito. Masyado siguro akong harsh? In my defense, ginawa ko 'yon dahil inis ako sa kanya.

Mapakamot naman ako sa ulo ko nang makita na naka ngiti na naman siya sa akin habang naghihintay sa sagot ko.

"Ugh, nakakainis ka," bulong ko at tumayo.

Ngumisi siya at tumayo na rin. "Well? You're still here pa rin naman," aniya pa.

"Isang beses lang. Kapag ginago mo na naman ako sa stage, lalayasan talaga kita. Wala akong pake kung may fans ka!" bulong ko sa kanya at inayos na ang sarili.

"You're so nice talaga, my pretty friend!"

Nalukot ang pagmumukha ko. "Huwag kang masanay, hindi ko 'to habit."

Stuck Staring at You | ongoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon