Prologue

22 5 4
                                    

This story is work of fiction.
All the names, characters, businesses, places, events and incidents in this story are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Hep, sabi nga sa eat bulaga "Bawal Judgemental" so wag niyo pong huhusgahan ang storyang ginawa ko dahil first time ko talagang magsulat. 𝑯𝑨𝑷𝑷𝒀 𝑳𝑨𝑵𝑮!! 𝒀𝒆𝒔!!


















Nakatingala ko siyang tiningnan habang nakaluhod parin ako sa harapan niya, bakit nga ba ako napunta sa sitwasyon na ganito kung gayong hindi naman ako ang may kasalanan in the first place?

"Please, hear me out!" Pakiusap ko sa kaniya hindi ito ang plano ko hindi ko gawain ang lumuhod at magmakaawa pero pagdating sa kaniya nagawa ko ng walang pag-aalinlangan.

"Ayaw ko ng marinig lahat ng kasinungalin mo, tama na ayaw ko na sawa na ako." Seryuso niyang sabi umiling ako hindi ako sang-ayon sa sinabi niya

"Hindi mo ako paniniwalaan, akala ko ba sa akin kalang unang maniniwala?" Tanong ko habang patuloy parin sa pagluha

"Dati 'yon iba na ngayon, alam mo tama nga lahat ng naririnig ko tungkol sa'yo sana noon palang naniwala na ako!" Nandidiring sabi niya

"Bakit ba hirap na hirap kang paniwalaan ako?" Nanginginig kong tanong "Ganun pala 'yon pag ikaw nagkasala pinapakinggan ko lahat ng explanations mo, pero ngayon ako ang nagkasala ayaw mong pakinggan ang explanation ko!" Sabi ko sa kaniya

"Kasi nakakadiri ka, kadiri kang klase ng babae!" Sigaw niya

Mas lalo akong umiyak bakit sa lahat siya pa nagsabi niyan akala ko papakinggan niya ako pero hindi pala.

"Umalis kana ayaw na kitang makita ayaw ko nang makita pa ang pagmumukha mo!" Seryuso at malamig niyang sabi.

"Alam mo sana hindi nalang kita nakilala." May hinanakit kong sabi. "Sinusumpa ko oras na tumalikod ako at lumakad palayo sa'yo wala na tayong koneksyon kahit kailan at sisiguraduhin ko na makakalimutan na kita!" Umiiyak ko paring sabi sa kaniya.

"Sana nga hindi na tayo nagkakilala at sana nga makalimutan mo ako pagkaalis mo dito sa labas ng bahay ko!" Sabi niya

Tumango ako at bahagyang ngumiti "Let's break up!" Sabay naming sabi.

"For the last time, Happy birthday to you!" Sabi niya.

Oo akala ko may surprise na naghihintay sa akin pero wala pala hiwalayan pala ang bubulaga sa akin. Hindi ko alam kong saan na ako nakarating namalayan ko nalang nasa gilid ng kalsada na pala ako pero wala akong paki ni hindi ko malang nasabi sa kaniya ang surprise ko.

Masakit na maiwan lalo na't dalawa kaming iniwan niya ako at ang magiging anak niya. Wala akong ibang inisip kundi ang mawala ang lahat ng sakit na meron ako dito sa dibdib ko parang anytime gusto ko nalang mamatay, pero alam kong kailangan pang makita ng baby ko ang mundo aalagaan ko siya kahit wala siyang kinikilalang ama.

Hindi ko namalayang nasa gitna na pala ako ng kalsada tatakbo na sana ako papuntang gilid ngunit sadyang mabilis ang patakbo ng isang kotse hanggang sa mawalan ako ng malay.

Bago ako mawalan ng malay pinangako ko sa sarili kong makakalimutan ko na siya at sa mga darating na araw, buwan at taon ay hindi na siya ang nasa isip ko, gusto iba naman para Hindi na ako masaktan ng ganito.

Pero may parti sa akin na natuwa sa kaniya kasi binati niya parin ako kahit sa huling sandali.

Sana nga ganun kadaling kalimutan nalang siya, sana ganun nalang kadaling makipaghiwalay ngunit hindi sobrang sakit na halos ikadurog na nang katawan at puso ko kasi mas pinaniwalaan niya ang ibang tao kaysa sa akin.

Hindi ko lubos maisip na pati pamilya niya sisiraan ako sa kaniya, alam ko naman na una palang ayaw na nila sa akin kasi anak daw ako nang isang mahirap kaya ganun nalang sila ka ayaw sa relasyon ng anak nila.

Gagawin ko ang lahat para sa anak ko hindi ko kakailanganin ang tulong sa pagpapalaki nang anak ko.

Lahat ng pang-aapi nila sa akin dati pinalampas ko lalo na ang pamilya niya.

Sisiguraduhin ko na sa oras na kaya ko na pagsisihan nilang inapi nila ako. Ipapakita ko sa kanila na hindi ko sila kailangan pati ng anak ko.

_________
Enjoy reading!

Smile_in_you

Love At First Touch (On-going)Where stories live. Discover now