One week na ang nakakalipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin nahawakan lang naman ako ni Mr.Pogi, pero hindi na ako maka-move on siguro na 'Love at first touch ako' dun sa stranger na 'yun literal na stranger kasi hindi ko alam ang pangalan niya.
Ewan ko hindi ako nakatulog ng maayos kagabe dahil sa lalaking 'yun. Pero parang may nagpipigil sa akin na bawal, Ewan ko ba feeling ko magkakaroon ako ng lagnat.
"Anong ginagawa mo dito?" I asked Nate.
Kanina kasi habang nagmumuni-muni ako about sa nangyari kahapon ay bigla nalang nambulabog. Panira talaga ng moment ang isang 'to pasalamat siya't pinsan ko siya.
"Mommy, asked me to pick you up!" Simple niyang sabi. Nangunot naman ang nuo ko.
"Why, anong meron?" Tanong ko
"Malay ko, baka namiss kalang?!" Aniya sabay kibit balikat.
"Grabe naman si tita isang linggo lang ako hindi pumunta na miss agad?!" Natatawa Kong sabi
Si tita Nathalie ay mommy ni Nate, mabait sa akin si Tita palagi nga niya akong pinapadalhan ng mga pagkain kay Nate baka daw kasi hindi pa ako kumakain.
Tita is my one and only favorite noong nasa hospital pa ako siya at si Nate palagi ang nandoon para bantayan ako, palagi niyang pinapaalala na nandito lang sila para sa akin na hindi nila ako pababayaan. I lost my memory, sabi nila na car accident daw ako kaya daw nawalan ako ng alaala kasi na bagok ang ulo ko it's either na pwedeng bumalik ang alaala ko or worst hindi na.
Inaamin ko na may part sa akin na gustong bumalik ang memory ko at may part na ayaw ko nang bumalik pa, Ewan ko ba para kasing pag iniisip kong kailan kaya babalik ang memory ko feeling ko may bumubulong sa akin na 'wag na. Feeling ko pagbumalik ang memory ko may mga mangyayari at hindi ko kakayanin dahil sa sobrang sakit.
Dahil sa sobrang lutang ko hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa mansion nila Nate, agad na pinagbuksan kami ng gate ng guard nang makapagpark si Nate, lumabas agad siya at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse.
Agad ko namang nakita si Tita sa pintuan na nakaabang habang nakangiti, dali-dali akong lumapit sa kaniya at agad na yumakap na miss ko talaga abg amoy ni tita.
"Aww...ang sweet naman ng Baby namin!" Nakangiti niyang sabi habang sinusuklay ang buhok ko.
"Na miss kasi kita." Sagot ko
"Buti pa si Mommy na miss mo e, ako nga hindi!" Madramang sabi ni Nate
Agad naman akong humiwalay Kay Tita at lumapit sa kaniya sabay pingot sa tenga niya, ang arte kasi palagi naman kaming nagkikita araw-araw nga siyang naka-monitor sa akin pero kung maka-drama wagas.
"Alam mo ikaw gutom lang 'yan, halina tayo sa loob para maghapunan!" Aya samin ni Tita
Pagkarating namin ng dinning ay agad na pinanghila ako ng upuan ni Nate ganun din kay Tita.
"So, how's your day hija?" Tita asked
"Okay naman po 'ta!" Sagot ko
Narinig ko namang tumawa si Nate kaya nilingon ko siya at kinunutan ng noo.
"Bakit may nakakatawa ba?" Tanong ko
"Para kasing minumura mo si Mom, the way you say 'po 'ta'!" Natatawa niyang sabi.
Tiningnan ko naman si Tita na umiling habang naka-ngiti, napangiti naman ako ang ganda talaga ni Tita parang ang bata pa niyang tingnan kaysa sakin na mukhang manang.