PROLOGUE

473 4 0
                                    


PROLOGUE

Naglapat ang mga labi nila sa isang tagong parte ng lugar na iyon. She was ambushed and he didn't expect him to do that, especially when she already refuses him.

Mapusok siya nitong hinahalikan sa labi at tila pinaparamdam sa kanya ang pangungulila nito at matinding pagkagustong maangkin siyang muli. Ilang sandali pa ay unti-unti na siyang nadadarang sa nakakangilong halik nito at kung hindi lang niya narinig ang malakas na pagtugtog ay mahuhulog na siya sa patibong nito.

Buong lakas niya itong itinulak papalayo sa kanya at matalim na tiningnan. Sa mapusyaw na liwanag ng buong paligid ay nakita niya ang nakakaloko nitong pagngiti at ang mapupungay nitong mga mata.

Malakas ngunit malamyos na musika ang pumapailanlang sa buong paligid, nakakapangilabot iyon sa mga taong hindi sanay sa mga ganoong klaseng lugar. This part of XHaven is exclusively and privately for people who wants to experience a deep, exciting and wild s*x.

Piling tao lamang ang mga nakakapasok sa ganitong lugar at iyon ay ang matataas na tao lang sa lipunan at makapangyarihang Mafia Lords na ang iba'y dayo pa sa iba't ibang parte ng mundo.

"What the hell are you doing here? And how did you find this place?" kunot-noong tanong niya rito pagkatapos niya itong hilahin sa isang sulok malayo sa mga babaeng kulang na lang ay pagpiyestahan ang binata.

"I'm here because of you," seryosong sagot nito.

"What?" salubong ang kilay na tanong niya. Hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabi nito, may gusto ito sa kanya ngunit hindi niya iyon napagtuunan ng pansin dahil sa sunod-sunod na probkemang kinaharap ng pamilya niya—lalo na sa buhay ng mag-asawang Luigi at Chelsey.

"What the f*ck are you saying? I didn't tell you to come here!" pagalit niyang singhal dito.

Huminga ito ng malalim at ngumiti ng nakakaloko. "You don't need to tell me what to do, Janice Ortega. I can do whatever I want and I don't need your permission too."

Naipilig niya ang kanyang ulo at mas lalong lumalim ang gitla sa noo niya dahil sa mga sinasabi nito. Ang sabi nito ay nandito ito para sa kanya ngunit sa anong dahilan.

"Whatever your reason is, you can't tell everybody here that you know me," mariin niyang turan dito. "This is not a place where everybody wants to chat and be friends with you."

Tumawa ito ng pagak at tiningnan siya na tila namamangha sa kanya. "Sa tingin mo hindi ko alam ang lugar na pinasukan ko?" nakataas ang kilay na wika nito sa kanya.

May inilabas itong isang card at nagulat siya nang makitang isa iyong red card, na ang ibig sabihin ay kasama ito sa mga Elite Members ng XHaven.

"Y-You're an Elite member of XHaven?"

Tumango ito. "Surprise?" nakangising tanong nito sa kanya.

"Who are you exactly?" nagdududang tanong niya rito. Hindi sa hinuhusgahan niya ang pagkatao nito pero hindi basta-basta ang mga taong nakakakuha ng red card. Tanging maiimpluwensiya at mga makapangyarihang tao ang nandoon sa parteng iyon ng XHaven dahil sa maseselang eksenang nangyayari doon. Walang limitasyon ang mga bagay na nandoon at kahit sino ay puwede mong makapareha at maikama. Drugs are prohibited at kung sinuman ang mahulihan niyon na gumagamit sa lugar na iyon ay iba-ban at hinding-hindi na maklakatapak sa XHaven kailanman.

"I'm an international mo—"

"Cut the crap, Matteo. I am one of the owner of this f*cking club and I know how we run everything here," putol niya sa sinasabi nito. Totoo ang sinabi niya, kilala niya ang lahat ng nandoon at kahit pa magtago ang mga ito sa maskara ay malalaman niya kung sino-sino ang pumapasok sa kuwartong iyon.

The Dominant Beast - GIRL LIKE YOU SERIES 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon