Ika-15 Yugto: Void your marriage contract

54 2 0
                                    


Ika-15 Yugto: Void your marriage contract

Inulan ng sunod-sunod na tawag at text messages ang phone ni Janice, lahat ay galing sa mga kaibigan niya at nagtatanong kung totoo ba ang ibinalita sa kanila ni Jaydon. Kaya naman wala siyang nagawa kundi ang kausapin si Matteo kung okay lang na papuntahin ang mga kaibigan niya para doon na maghapunan.

"That's fine with me, and we still have a few hours to prepare," nakangiting pagsang-ayon naman ni Matteo.

"You mean, you're going to cook for dinner?" tanong niya na hindi napigilang magtaas ng kilay. Pagkatapos ng tatlong beses nilang pagtatalik ay tila wala siyang mabanaag na pagod kay Matteo.

Tumango si Matteo. "They're your friends, of course I'll cook. Isa pa, isang paraan na din iyon para i-welcome sila sa bahay natin," nakangiting wika pa nito.

Bahay natin. Ang sarap pakinggan ng mga salitang iyon, tuloy ay hindi niya mapigilang mapangiti at lapitan si Matteo.

"Would you like me to help you cook? I can learn one or two things," malambing na sabi niya kay Matteo.

Saglit namang natigilan si Matteo saka nakangiting umiling. "I'll do it, I can manage it alone. But if you really want to help me, you can stay with me and watch. That way, I'm sure na mas sasarap ang luto ko."

Natatawa siyang tumango at nagpaalam muna dito para tawagan si Briella.

"Hello?"

"Hi, Brie, where's your husband?" tanong niya at pabagsak na naupo sa malambot na sofa.

"In his office, bakit? Are you inviting us over for a post-wedding celebration?"

Napasinghal siya ng tawa at naiiling na muling nagsalita. "There's no wedding, but yes, I'm going to invite you for dinner. You can call it a celebration, too, if you want."

"Where? I'll call Braun and go over."

"Ngayon na? Maaga pa—"

"You have a lot of explaining to do, Janice."

Huminga siya ng malalim, alam niyang excited din itong malaman ang kuwento sa likod ng mabilis niyang pagpapakasal. Tiyak naman siyang nagkuwento na si Chelsey pero knowing Brirlla, she wanted to see her reaction personally.

"Fine, I'll text you the address. Bye." Pagkababa niya ng kanyang phone ay lumabas ng kusina si Matteo at lumapit sa kanya.

"They're coming now?" ani Matteo.

She shrugs her shoulder and nods. "Okay, lang ba?"

"Yup, but is it okay if I can't entertain them yet? I'll be busy in the kitchen," ani Matteo na may pag-aalala sa boses.

Ngumiti siya. "Don't worry about them. Hindi sila ibang tao and besides you already know them, so relax."

Umupo sa tabi niya si Matteo at mataman siyang tinitinigan, napakunot naman siya ng noo at hindi napigilang maasiwa sa klase ng tingin nito sa kanya.

"Why are you looking at me like that?"

"I don't know if I'm just dreaming or this is really happening with me, Janice . If this is just a dream, I'll still be thankful that I feel loved by you."

Natawa siya sa kadramahan ni Matteo, hindi niya akalain na may ganitong side pala ang lalaki. "This is real, Matteo. Alam kong hindi naging maganda ang mga unang pagtatagpo natin at alam kong napakabilis ng mga nangyayari sa atin but believe me when I say this . . . walang masama kung susubukan ko ulit magmahal. It's been a long time since I feel this strange feeling with a guy and I already warned you, the moment I fall for you, you cannot get away from me, ever."

The Dominant Beast - GIRL LIKE YOU SERIES 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon