"Anxiety"
Masikip Ang dibdib at Hindi makahinga
Kahit wala ka namang asthma
Hindi makatulog
Kahit wala namang kulogPanginginig Ng katawan
Na Hindi mapigilan
Patungo sa silid na aking kinatatakutan
Ito Ang aking pangalawang kwarto
Pag Wala Ng MGA taoDito ay makikita mo Ang MGA demonyo
Na tila ba ginagaya Ang wangis
Ng MGA taong dahilan Ng iyong paghihinagpis
At Wala Kang magagawa
Kundi Ang lumuhaDahil Ang MGA demonyo Ng Ito
Ay paulit ulit na ipinakikita
Ang masasakit na alaalaGusto mo mang umalis
Ngunit para bang Wala Kang karapatan
Na mahanap Ang pintuan
Upang tulungan Ka Ng lumisanIto ay Hindi biro
Masakit Ang mapunta rito
Dahil para Kang pinaparusahan
Ng Hindi mo alam Kung ano iyong kasalanan-krn