My Angel..

24 1 0
                                    

Marami akong kaibigan. Matalino ako. Cute, sabi nila. Masipag? sa kabaligtaran. Iyakin. Mahilig sa musika. Mahilig kumanta. Hopeless Romantic, oo ying tipong naniniwala sa Destiny. Yun nga lang, immature ako. Isip bata. Pag gusto ko, gusto ko ayun ang masunod. Matigas ang ulo. Kung anong nasa isip ko na sa tingin ko tama, yun ang susundin ko. Siguro nga yun ang problema sa akin. Pero nagpapasalamat ako sa mga taong hindi ako iniiwan kahit ganun ako. :)

Hanggang sa isang araw, may dumating na lalaki sa buhay ko. Crush ko sya, oo dati pa. Nakuha nya kasi yung atensyon ko simula pa lang nung una ko syang makita. Si Shiro. Hindi ko alam kung bakit, pero simula nun hindi ko na maiwasan mapatingin sa kanya. Pasulyap-sulyap ng palihim. Pinagmamasdan sya. Kahit alam ko na malabo na mapansin nya ako. Sino ba naman kasi ako? Hindi naman ako kagandahan. Kuntento na ako sa ganun.. hanggang sa..

Dahil sa bestfriend ko, siya yung may pakana kaya nakapag usap kami for the first time sa text. Hindi ko alam kung gaanong saya yung naramdaman ko nun. Hanggang sa habang tumatagal, nagkapalagayan kami ng loob. Unti-unti akong nahulog sa kanya. Hindi ko inaasahan na aamin sya sa akin na mahal nya daw ako.

Naging kami. Hindi ko alam kung tama ba itong pinasok ko. Kasi aaminin ko natatakot akong masaktan at maiwan. Sobrang sakit kasi.

Si Shiro, magkaiba kaming dalawa. In many ways. Kaya madalas hindi kami magkasundo. Dahil na rin siguro sa pagiging immature ko.

Masaya ako sa kanya. Sobra. Sa tuwing nakakasama ko siya, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Bawat araw mas lalo ko siyang minamahal. Sweet siyang tao, may pagka corny minsan tulad ko, thoughtful, seloso, over protective, ma effort siya, yung tipong gagawa at gagawa siya ng paraan para mapangiti nya ako. :)

Ang pinakahinahangaan ko sa kanya ay malapit siya sa Diyos. Nagsisilbi siya sa simbahan nila. Madalas busy siya dahil doon. Hindi ko magawang pairalin ang pagtatampo dahil alam kong mali. Gusto ni Shiro na magbago ako. Gusto niyang mas mapalapit lalo ako sa Diyos.

Hanggang dumating yung araw na hindi ko inaasahan.. na kailangan ko na siyang palayain. Na kailangan na namin palayain ang isa't-isa.

My Other Half (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon