Sa buhay ng tao, hindi lahat ng minamahal natin at napapa sa atin ay mananatili habang buhay sa atin. Siguro oo para sa iba, ika nga nila "Walang Forever" pero para sa akin, "Believing in Forever is a choice." nasa tao yan kung maniniwala siya o hindi. Pero para sa akin, meron. Ang pagmamahal ko para sa kanya.
Sa ngayon, oo sobrang sakit. Pero kailangan kong tanggapin. Dahil lahat ng nangyayari ay may dahilan. Marahil may mas magandang plano ang Diyos para sa buhay natin. Wala tayong karapatang magreklamo, dahil tao lang tayo. Kailangan natin magtiwala sa kanya.
"Move-on?" Hindi ko alam. Mahal kopa rin kasi siya hanggang ngayon. Kahit na sa maikling panahon lang kami nagkasama. Totoo nga yung sabi nila na hindi batayan kung gano katagal para masukat mo ang pagmamahal mo sa isang tao, kundi sa pinagsamahan niyo. Pero alam ko darating rin yung araw na, wala na akong mararamdamang sakit. Kasi tanggap ko na lahat.
Sabi nga, "If you don't step forward, you'll always be in the same place."
May mga taong dadaan sa buhay natin, mamahalin natin. Pero may mga tao talaga na kailangan nating palayain dahil ipinahiram lang sila sa atin ng Diyos para matuto tayo at magbago tayo.
Para sa akin, siya ang Other Half ko. Dahil siya ang nagturo sakin magbago, for better. Kinumpleto niya ako. Hindi man siya sa akin habang buhay, nagpapasalamat ako na dumaan siya sa buhay ko. :)
BINABASA MO ANG
My Other Half (Short Story)
Short StoryOther Half- a long time boyfriend/girlfriend. So called because they are very special to you and it is as though they complete you.