Her Smile

68 1 0
                                    

Her Smile

(c) berlstephendutosme

**

Ang kaligayahan ay hindi natin mahahanap sa kung saan-saan lamang. Ang kaligayahan ay nadarama ng ating puso at diwa. Ang tunay na kaligayahan ay hindi na babase sa materyal na bagay, minsan sapat na ang isang ngiti na bigay ay langit sa nadarama.

Dito ko nalaman ang kaligayahan with...

HER Smile.

**

“I never knew that I’ll love like this.”

Mga katagang binitawan ko ng malaman ko, mapagtanto at naramdaman na ako na pala ay nagmamahal. Hindi ko alam kung saan, paano at kailan nagsimula. Basta ang tanging alam ko lang, mahal ko siya at mahal niya ako.

Nagsimula ang lahat sa isang ngiting hinding-hindi ko malimutan, isang ngiti na dulot sa akin ay tinding kaligayahan at sa isang ngiti na nagsimula lahat – ang aming pagkakaibigan at ng aming pag-iibigan.

**

“Naku! Late na naman ako sa pasok ko.”

Late ako ngayon, usual na sa akin yan. Kahit ilang pilit ko na bumangon ng maaga, eh, hindi kaya ng mata ko na imulat ito sa umaga.  Nang biglang...

*booogsh

Nadapa tuloy ako dahil natataranta na talaga ako dahil baka mapagalitan naman ako ni Sir Joseph.

May nakita akong kamay na nag-aalok ng alalay sa akin.

Makinis. Maputi. Mukhang malambot. Kamay ng isang babae.

Tumingala ako at nakita ko siyang nakangiti sa akin.

Nakalabas ang mapuputi niyang ngipin at napakapula pa ng kanyang labi.

“Okay lang, miss. Salamat na lang. Pero kaya ko naman to.” Sabi ko habang tinutulungan ang sarili sa pagtatayo.

“Hi. I’m Katherine. And you are?” tanong niya sa akin sabay abot ng kaniyang right arm para makipagkamay.

“I’m Brent. Nice meeting you, Kath.” Napansin ko lang bakit maraming nakatitig sa amin at parang lahat ng lalaki sa campus ng nakitang nagkamayan kami ay naging malungkot at para bang nakita ko sa mga mata nila na sila’y nawalan ng pag-asa, bakit nga ba ganun? 

Nagpaalam na siya sa akin dahil baka mahuli na raw siya sa kanyang klase, tumungo na rin ako sa aking classroom dahil nagbell na rin. Habang naglalakad ako, hindi ko maiwasang tanungin ang sarili kung bakit naging ganoon na lamang ang reaksyon ng mga lalaki nung nakita kaming nagkamayan. Hindi ko talaga mabasa kung ano ang ipinapahiwatig sa akin o sa amin ng mga reaksyon na yun.

Dumating na ako sa classroom at umupo sa aking silya.

Biglang bumati sa akin si Stephen na para bang masayang-masaya.

“Tol, swerte mo ah. Nakamayan mo pa ang Campus Princess.” Sabi sa akin ni Stephen ng may ngiti na mapanukso.

“Ha? Ano bang sinasabi mo? Si Katherine lang naman ang kinamayan ko kanina eh. ”

“Tss. Iyon nga eh, ang Campus Princess na tinutukoy ko ay si Katherine. Campus crush yun dahil maganda, matalino at girlfriend material. Tipo siya ng halos lahat ng kalalakihan dito sa campus.”

“Ah, ganon ba?” Inosente kong tanong.

“Oo, ulol. Siya kaya pinakamagandang babae dito sa paaralan.” Oh? Ganun? Pinakamaganda? Kung sa bagay, maganda talaga siyang tunay, parang anghel dito sa lupa eh. Pero bakit hindi ko siya nakita noon? O ni anino niya man lang hindi ko nakita. Blanko talaga ang pagmumukha ko sa mga pinagsasabi ni Stephen.

Her SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon