01

0 0 0
                                    


SPOKEN WORD POETRY TAGALOG
THEME: "ONE TRUE LOVE"

AKO SI MANUELIE RIVERA GUTIERREZ
MULA SA G12- MENDELEEV

Mapagpalang araw sa inyo,
Ang piyesa na isinulat ko,
Ay patungkol sa "One True Love" na tema,
Patungkol sa pag-ibig na hindi eme at mema,
Tunay, Totoo, at Tama,
Pag-ibig na kalakip ay pang-unawa,
Pag-ibig na hindi minamadali,
Pinag-iisipan upang hindi magkamali,
Dahil gano'n ang tunay na umiibig,
Hindi inaabuso ang kilig,
Marunong umintindi at makinig,
Kaya't ano nga ba ang isang tunay na pag-ibig?,
Kagaya siguro ito ng mga leksyong aming napag-aralan,
Ang sa Personal Development na kung saan,
Tinuro kung paano ang sarili'y pahalagahan,
Subalit saan nga ba matatagpuan,
Ang pag-ibig na pang-matagalan?,
Pag-ibig na kahit ilang beses sumablay,
Pipiliing magpatuloy hanggang sa magtagumpay,
Ang lahat ay huwag ibibigay,
Kaya't matutong umalalay, ALALAY!
Kaya nga sa research tayo ay tinuruan,
Tinuruang magsaliksik ng iba't-ibang mga kaalaman,
Nang ang tama at mali'y ating maintindihan,
Kaya't bakit ka magpapaniwala sa walang sapat na katibayan?,
Bakit ka susugal sa walang kasiguraduhan?,
Ang sa pilosoping tinalakay ay isama na din natin,
Dito'y tinuruan tayong maghanap ng layunin,
Magtanong at mga sagot ay hanapin,
Kaya't bakit mo hinahayaang mga tanong ay ikaw ay lamunin?,
Bakit maling desisyon pa rin ang pinipilit mong piliin?,
Iilang leksyon at kaalaman lamang 'yan,
Pero kung iintindihin at mauunawaan,
Siguradong maraming malilinawan,
Na ang pag-ibig ay posibleng mapag-aralan,
Ako at ikaw ay isang kabataan,
Hawak natin ang kapalaran ng bayan,
Kaya't 'wag nating hayaan na bumabaw ang kahulugan ng tunay na pag-ibig,
Huwag nating pabayaang sakupin lamang ito ng kilig,
Kaya't ikaw na sa akin ay nakikinig,
Unawain mo sana ang aking tinig,
Ang tunay na pag-ibig ay handang sumugal,
Handang magpatuloy kahit gaano kabagal,
At kailan man ay hindi nagiging sagabal,
At ang isa sa tunay na pag-ibig ay nagmumula sa Kaniya,
Pag-ibig na kailanman ay hindi nakakasawa,
Na kahit maraming kulang at pagkakamali'y ikaw ang pipiliin Niya,
Iyon ang alam ko sa pag-ibig na tunay at totoo,
Hindi 'yon malabo at tiyak na sigurado,
Kaya't maari bang iyong pakatatandaan,
Na ang pagmamadali ay walang magandang kahihinatnan,
Maging mabagal subalit may kahulugan,
Manatili sa tiyak na may kasiguraduhan,
Kaya't pag-isipan muna at 'wag magpadala sa emosyon,
Ang tunay na pag-ibig ay isang inspirasyon,
Siyang makakasama mo sa araw-araw na pagbangon,
Siyang makikinig sa iyong mga kwento,
Siyang mananatili sayo hanggang dulo,
At siyang interesadong ikaw ay kaniyang makabisado,
Hayaang si Ama ang Siyang gumabay at umagapay,
Kaya't sa isang tunay na pag-ibig matutong umalalay,
ALALAY!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 12, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SPOKEN POETRYWhere stories live. Discover now