Chapter 06: Deaeque Gang vs Flower Gang

82 4 0
                                    

*Alexandria's POV*

Nandito ako ngayon sa parking lot hinihintay si Tiffany. Kukunin lang daw niya yung libro niya na nasa locker kaya heto ako nag hihintay =___=

Mga ilang minuto ay nandito na siya at kasama niya yung dalawa niyang kaibigan.

"Sorry natagalan ako (^__^)V" Pag hingi niya ng tawad kaya tumango nalang ako at binaling ang tingin sa dalawang kasama niya.

"Ah! Pupunta rin sila sa mansyon pero gamit yung sasakyan nila" sabi niya kaya tumango ako at sumakay sa shot gun seat.

Pagkarating namin sa mansyon ay dumiretso na ako sa kwarto na tinutulugan ko at nag palit ng pang bahay na damit. Bumaba ako at tumungo sa kusina para kumain dahil nagugutom ako =___=

Pagkarating ko sa kusina ay binuksan ko yung ref at may nakita akong Spaghetti kinuha ko ito at pinainit. Pagkatapos kong pinainit ay kinain ko na to. Habang kumakain ako ay may naririnig akong may nag uusap at sa tingin ko nasa garden sila. Malapit kasi yung kusina sa garden kaya naririnig ko at napagtanto ko na sina Tiffany pala yung nag uusap. Sinilip ko naman sila

"Anung oras tayo pupunta sa Underground?" Tanong ni Nicole.

"7:50pm tayo aalis" maikling sagot ni Maxine.

"Okay ready yourself na malapit nang mag 7:50 kaya magbihis na tayo" sabi ni Tiffany kaya nilapag ko na yung platito na pinagkakainan ko ng Spaghetti at uminom ng orange juice and storm to my room.

Napahiga ako sa Kama ko at tinignan ang kisame. One word: Boring =___= Ugh.. Boredom Strikes!
Napa upo naman ako nang may naalala ako. Pupunta sila Tiffany sa Underground dahil may Laban sila kaso ang problema nga lang di ko alam kong saan =___= Bahala na!

Tumayo na ako at nag bihis. Nakasuot ako ng black hoodie at denim short. Naka sumbrero rin ako at nag dala na rin ng black mask in case of emergency. (V/N:yung parang sa mga kpop idols or Korean actors pag lumalabas sila public)

Lumabas na ako sa mansyon at nag lakad lakad. Tsk kung nandito lang yung mga kotse ko o yung mga big bikes ko Hindi na ako naglalakad ngayon =___=

Habang naglalakad ako ay may narinig akong nag uusapan medyo malayo sila pero rinig na rinig ko yung pinag uusapan nila.

"Tae nasaan yung motor mo pre?! Nag sisimula na yung Laban ng deaeque gang at flower gang!" B1

"Nandun lang! Halika na pumunta na tayo sa Underground baka matapos na yung Laban!" B2

Aba sinuswerte nga naman *grin* pumara ako ng taxi at pinasabi sa driver na sundan sila.

Pagkarating ko sa sinasabi nilang Underground ay nag bayad na ako at bumaba. Nakita ko naman yung dalawang sinusundan ko ay tumungo sila sa isang malaking warehouse ba yun? Ewan -___-

Bago tinungo ang malaking warehouse ay sinuot ko muna yung black mask ko at tinungo na ito.

Pagkapasok ko ay medyo madilim kaya Napa linga ako sa paligid at may naririnig akong mga humihiyaw kaya sinundan ko ito at napahinto ako sa isang pader =___=

Pero nung hinawakan ko yung pader eh umurong ito kaya tinulak ko ito at bumungad sa akin ang medyo madilim na hallway na pababa? Naglakad na ako at habang nag lalakad ako ay palakas ng palakas ang mga humihiyaw hanggang sa lumiwanag yung paningin ko. Napagtanto ko na nasa Underground na talaga ako. Dahil sa gitna ay parang battlefield at sa paligid ay ang mga humihiyaw na mga gangsters may nahagilap naman ako sa itaas may mga gangsters rin dun parang VIP room iyon. Napahinto ako sa pagmamasid nang mag salita yung announcer ata?

"Mukhang nahihirapan na ang Flower Gang dahil sa mga natamo nila galing sa Deaeque Gang at ang nakakamangha sa Deaeque gang ay tatlo lang sila at lima naman sa flower gang!" Manghang sabi ng Announcer at mukhang naasar naman yung mga flower gang. Medyo lumapit ako pero Hindi parin nila ako makikita dahil sa madilim na parte ako tumatago. May naririnig naman akong nagchichismisan. Teka napapansin ko lang na ang hilig kong mag eavesdropping =__= Well curiosity kills the cat. Hindi ko na sana sila papansinin nang may sinabi ito.

"May nagsabi daw na pag malapit nang matalo ang Flower Gang ay mag checheat sila" G1

"Talaga? Ang unfair naman" G2

"Sinabi mo pa! At ang ginagamit nilang cheat ay----" G1

Hindi ko na natuloy ang pag e- eavesdrop nang makita ko ang ngisi nang leader ng Flower Gang na parang may balak siyang masama. At tama nga ako kasi nag bunot siya ng baril sa likod niya at ang mga kasamahan niya ay may hawak silang mga dagger.

Tsk Dirty Players =___=
Nagulat sina Tiffany sa page bunot ng baril ang leader ng Flower Gang but I think they expected na mangyayari to. Pinanuod ko muna sila. At walang alinlangan na pinutok ng leader ng Flower Gang ang baril kaya umiiwas sina Tiffany sa tama ng mga baril pero nadaplisan si Nicole sa braso kaya napahawak siya sa nadaplisan at pilit na lumaban dahil may sumugod sakanya na may hawak ng dagger. Sina Tiffany at Maxine ay umiiwas sa mga atake nila. Napangisi ako sa pumasok sa isip ko mag warm out muna kaya ako? May nakita akong isang dagger malapit sa akin kaya pinulot ko ito Tehee *grin*

Nakita kong papaputukin ng leader ng Flower Gang si Tiffany na busy sa pag iiwas ay binato ko na yung dagger sa hawak niyang baril para mahulog ito *smirk*

Tila nagulat lahat ng tao naririto at hinahanap kong sino ang nag bato nun kaya humakbang ako na nakabulsa ang mga kamay ko para masinagan ng ilaw at may mga ibang gangsters na nakita ako at tinuturo ako. Kaya naglakad ako papunta sa battlefield at tumigil sa di kalayuan sakanila. Tila minumukahan ako ng Deaeque Gang.

"Sino ka?!" Galit na sigaw nung leader ng Flower gang. Napangisi naman ako kahit Hindi naman nila nakikita.

"I'm your worst nightmare" I coldly said

____________________________

Vampire's Note:

Waaah~ Ang haba infairness xD
Sorry for the errors kung meron (^___^)V May part two ito

Vote / Comment / Be a Fan / Share

She Wants Revenge (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon