I

21 1 0
                                    

Ponytail  [ / ]
White sando  [ / ]  
Vans jacket  [ / ]  
Jeans  [ / ]  
Vans shoes [ / ]


Tiningnan ko uli ang sarili ko sa salamin at nang nakuntento na ako sa get-up ko ay lumabas na ako nang kwarto at pumunta sa kusina. Naabutan ko si papa na nagkakape.

"Saan ka pupunta?", tanong ni papa. Ni hindi man lang ako tiningnan para maging obvious kung saan ang lakad ko.

"Kina Cess. Tatambay lang." sabi ko habang kinakain ang toasted bread ko.

"Umuwi ka nang maaga mamaya."

Nahinto sa ere ang bibig ko na naka-nganga habang tinitingnan siya.

Himala. Yun ang nasabi ko sa utak ko. Himala dahil unang beses niya kong sinabihang umuwi ng maaga.

Actually 5 pm nasa bahay na ako at kapag ginabi naman o kapag may gagawin ako sa gabi, tulad nung nagpa-praktis kami ng indak-indak, tinetext ko lang sya at okay lang sa kanya dahil kasama ko naman si Cess.

Pero yung sabihin niya na umuwi ako ng maaga? Sobrang himala.

"Bakit?" tanong ko sa kanya. Tiningnan niya ako at sinabing, "basta ;)"

Di ko na carry, tumaas na talaga ang kilay ko habang inoobserbahan kung nagbibiro ba siya o hindi.

Ano bang trip nya? Una, pauuwiin ako ng maaga. Pangalawa, kumindat siya at ngumiti sakin na parang kinikilig. Eewww.

Dahil hindi na ma-take ng sikmura ko ang nangyayari, hindi ko na inubos ang pagkain ko at tumayo na. "Okay." Yun lang ang nasabi ko at lumabas na ng bahay. Alam kong masamang isipin pero, naka-drugs ba siya?!


Huminto ako sa tindahan ni Aling Nena at bumili ng chichirya. "Hi Ching!"

'Ching' ang tawag sakin dito sa lugar namin dahil narin sa chubby ako nung bata pa'ko. Chubby, ibig sabihin, healthy, hindi mataba.

"Hi La" yun ang palayaw niya. Hindi ko nga lang alam kung saan yun galing basta 'la' o 'lala' na ang tawag ko sa kanya simula nung mga bata pa kami.

Napansin ko ang matangkad na lalaki sa gilid niya. Sa sobrang tangkad niya hanggang kili-kili lang ang height ni Lala sa kanya. Dahil mas mataas si Lala sa akin ang tanong, anong say ng height ko sa kanya?

"Siya ba yung boyfriend mo na nag-aaral sa Maynila?"

Alam kong may boyfriend siya sa Maynila dahil nai-kwento niya yun last year. Ang sabi niya mag-aaplay sana siya as varsity scholar sa De La Salle kaya lang hindi na raw umabot sa try-out kaya sa STI siya nag-aaral.

"Yup" tiningnan ko yung lalaki ang ngumiti siya sakin, maybe it's his way of saying "hi". Ngumiti din ako sa kanya para naman hindi niya isiping bina-ban ko siya dito sa lugar namin.

Kinuha ko na ang mga binili ko at ang sukli. Tiningnan ko uli sila, "Sige alis na ako" tumango naman sila. Maghihiwalay din kayo. Letse walang forever.

Oo alam ko mukha akong bitter pero hindi. Nakiki-uso lang HAHAHA.


------------------------------------


Tok tok tok.

Bumukas ang pintuan nila at nakita ko si auntie Celia. "O Jade nandito kana pala," as usual with all smile ang pagbati niya sakin, "pasok ka." Binuksan niya nang tuluyan ang pintuan at iginiya niya akong maupo. "Tatawagin ko muna si Cess." Tumango ako at umupo na.

Bago paman niya matawag si Cess ay bumukas na ang pintuan ng kwarto nito at lumabas mula doon ang with all smile din na bestfriend kong si Cess.

Lumapit siya sakin at hinawakan ang mga kamay ko na parang hihilahin, "Tara dun tayo sa kwarto mag-usap." Tingnan mo tong taong 'to ni hindi marunong mag-hi.

"Baka may marinig na naman akong tawa na parang kinikilig dahil sa boys, ha?"  Huminto sa kakaladkad sakin si Cess at humarap sa mama niya.

"Ma naman eh, may pag-uusapan lang talaga kame at kung umentra man ang boys sa topic eh hindi naman kami maaano eh, diba?" Tiningnan niya ako ng tingin na nagsasabing um-oo nalang ako at kumbinsihan si auntie kung hindi ay .. ay .. hindi ko alam kung anong ipam-ba-blackmail niya sakin basta um-oo nalang din ako. Oh edi wow, siya ang masusunod.

Pumasok na kami sa kwarto niya at humiga. Oo, higa, at hindi ko hinuhubad ang sapatos ko. Keribells lang naman yun sa kanya at kay auntie.


Si Cess ang bestfriend ko since 3rd year high school. Transferee siya nun sa school namin. Akala ko nga maldita siya dahil narin sa kapal ng kilay niya at kung makatingin ay parang sinasabing, "wag mo kong kausapin dahil hindi tayo close". Kinahapunan nung unang araw ng skwela ay may nakita na akong naging kaibigan niya. Si Jeric, ang #1 fan ni Alyssa Valdez sa school namin. Hindi ko alam kung pano silang naging friends wala naman akong pakialam sa kanila. Hindi kami nagkausap ni Cess sa first week, wala rin naman kaming pag-uusapan, dahil nga hindi kami close. Kahit nga sa mga activities hindi kami naging magka-grupo.

Nung sumunod na linggo ay pareho kaming late kaya napag-desisyunan naming wag nang pumasok sa skwelahan. Tumambay kami sa tindahan malapit sa school pero syempre yung hindi kami makikita ni kuya guard. Sinabi ko sa kanyang maldita siya dahil hindi siya namamansin. Aba't ang loko tinawanan lang ako. Sinabi nyang ganun lang daw talaga siya kapag bagong kakilala. Nag-usap lang kami sa wala na kaming makwento.

Nung sumunod na mga araw ay palagi na kaming magka-usap. Sabay sa recess, lunch time at sa pag-uwi dahil isang ruta lang naman pala ang sasakyan namin.


"Cess na-wierduhan ako kay papa kanina. Kasi sabi niya umuwi daw ako ng maaga at kumindat at ngumiti pa siya." pagsisimula ko.

"Himala. Naka-drugs ba siya?" O diba? Bestfriends nga kami, pareho kaming mag-isip.

"Aba ewan ko kung anong trip nya. "

Bababa babanana bababa babanana

"Hello?" Adik talaga to sa minions tss.

Nakalimutan kong sabihin, bakla si Cess. 'Cess' short for Cesar. Mas babae pa nga sakin yan dahil sa sobrang dami ng sexy posters ng mga lalaking artista.

"What? Manganganak kana?!" kung hindi ako nagkakamali si ate Leah ang tinutukoy niya. Ang alam ko hindi pa niya kabuwanan ngayon.

Nagmadali kaming pumunta ni Cess at auntie Celia sa ospital. CS ang ginawa nila kay ate Leah dahil sa kulang sa buwan ang tiyan niya.

At mukhang mas malala pa ang maririnig ko kinagabihan..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AnakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon