Kelan nga ba mababanaag
Hanap na tunay na liwanag
Ng mga matang di nakapikit
Ngunit di rin naman makasilip.
Paningin ay hinarangan ng itim
Ngunit hindi lubos na akalain
Kapalarang di sadyang tahakin
Ay di hamak na mas madilim.
Ipinagkakait nga ba ng langit
Kahit tanglaw na nais makamit?
Oh liwanag, kelan ka ba makikita
Ng nagsusumamong mga... MATA?