Kabanata Isa: Lumina

34 5 4
                                    

Walong taong inasam at hinintay
Sa wakas ay natupad at ibinigay.

Wala ng mas ikakaligaya pa sa..
Pagiging ina't ama  at pamilya

Isinilang sa mundo munting anghel
Bunga ng hiling ni Lumen at Virgil

Umaapaw na galak ang nadarama
Na agad pinawi ng bagay na kaiba...

Gising na mula sa pagkakahele
Ngunit sanggol ay di mapakali

Magulang ay binalot ng pag-aalala
Sa kanilang anak na lumuluha

Bakit  ba  anak iyak ka ng iyak?
Nabahalang turan ng magkabiyak

Mahal na anak sa doktor pinadala
Upang pagkalito ay maputol na

Mag-asawa'y naghintay sa pasilyo
Nababagabag, nag-iisip at tuliro

Tila sila umahon sa pagsisid
Sa  malalim nilang pag- iisip

Nang manggagamot ay lumabas, Na walang emosyong ipinamamalas

Katanungan ay agad na naipinta
Sa nag-aalalang nilang mga mukha

Hinihintay ang balita na maaring,
ikasisiya nila o magpapaluha rin.

'Infantile Glaucoma o pagkabulag'
Sa narinig puso'y nais malaglag

Isang pang halos di nila matanggap,
Lunas sa anak ay di na nila mahahagap

Labis na naghihinagpis ang ama't ina
Sa dami ng pamilya bakit sila pa?

Umuwi silang yakap ang supling
Na pinagkaitan ng ilaw at paningin

Ngunit sa likod ng kawalan ng anak
Pagmamahal nila ay di bumagsak

Di man niya makikita ang mundong makulay
Nagbigay naman siya ng rason sa kanilang buhay

Simbolo ito ng liwanag sa kanilang pamilya
Kanilang pinakamamahal na anak si... LUMINA.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon