color of a rose
Lahat ng tao ay may kanya-kanyang dahilan kung bakit sila nabubuhay. Kung bakit sila nag-aaral ng mabuti. Kung bakit kailangan nilang magpakatatag dahil may mga taong umaasa sa kanya. Kung bakit kailangan nilang kumita at magtrabaho. Lahat sa buhay natin ay may kaakibat na kailangan o mas madaling sabihing PAGSUBOK.
Hindi natin alam na sa bawat pagsubok natin may nadadamay at may nasasaktan sa bawat kilos natin upang malagpasan ito. Iniisip natin na sino ba dapat ang magsakripisyo? Sino bang masasakatan kung gagawin ko ito? Mas gugustuhan natin ang 'wag mamroblema, wag malungkot,wag masaktan, wag umiyak, at wag umasa.
Mas iniisip lang natin na kung ano ba ang MAS nakabubuti sa lahat at kung ano ba ang nararapat? Pero sa sulok na ating utak AYAW nating gawin ito. Ayaw mong may masaktan. Ayaw mong may umiyak,maghirap at malungkot. Higit sa lahat gusto mong LIGTAS ka sa lahat ng pagkakataon.
Pero paano kung may isang tao na kakayanin ang HAMONG ito? Gaano ba kalawak ang alam niya sa salitang SAKRIPISYO? Kelan ba sya matututong tumigil na abutin ang BITUING iyon?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hey!!
Guys,
Tanong ko lang lalaki po o babae ang maging bida natin? Sino ba ang todo-todo magmahal na kayang gawin ang lahat sa iba't-ibang aspeto? GIRL or BOY?
Also do comment guys...PLEASE!! Kailangan po kasi for improvement. Okay lang po kung BAD. TY
(^o^~)~~<3..hahaha Flying KISS...T
PROLOGUE
"Oy! San ka pupunta?" sabi ng ate ko, si Erika. Mula sa panonood ng TV ay napunta sa'kin ang tingin. 'Yung tingin bang "Lagot ka sa'kin. Anong oras na lalabas ka pa? gabi na ah".
"Wala. Sa labas lang may bibilhin." pagpapalusot ko. Ang totoo nyan pupunta ako sa parke sa kabilang kanto. Andon kasi ang taong nalulungkot ngunit sya ang nagpapasaya sakin. Tulad rin nang dati nagdala ako ng panyo.
"O, sige . Bilisan mo lang. Delikado sa labas" sa pagsabi nya nun ay wala na sakin ang pansin nya. Pinapanood nya kasi ang paborito nyang programa. Si ate kasi ang klase ng tao kapag pinalalabas na ang paborito nyang programa sa T.V. ay ayaw ng paistorbo. Kapag kinukulit,kinakausap at maingay ay siya pa ang nagsusungit. Mga babae nga naman! Ano ba ng nakikita nila sa 'Lovestory' na yan? Yung lalaking nagkagusto sa ganyan o ganito o kaya yung babae na habol ng habol? tsk.
Pagkatapos ko marinig ang sinabi ni ate ay napasigaw ako na YES! sa loob-loob ko. Dali-dali akong lumabas sa pinto. Tumakbo na ako papunta sa park na tuwang-tuwa pero nawala ito at nabihiran ng lungkot ang bumalot sa akin pagkarating ko.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Naroon sya sa lugar na paligian ko syang nakikita, ang Swing. Tulad ng nakagawian malungkot sya at nakatungo at tahimilk na umiiyak. Hindi man lang nya inuugoy ito. Ang mga kamay nya ay nasa ibabaw ng kanya hita.
Tahimik akong umupo sa katabing swing nya sa kaliwa. Dinukot ko ang panyo sa aking bulsa at tahimik rin itong inabot sa kanya. Nakita kong nagulat sya dahil napatigil sya sa pang-singhap. Siguro sa presensya ko na hindi man lang nya naramdaman na may lumapit sa kanya at nag-abot pa ng panyo. Pero tulad rin ng dati tinabig nya ang kamay ko. Nahulog ang panyo.
BINABASA MO ANG
Color of a Rose
Mystery / ThrillerI can't find any reason why life is so unfair. Did I do something wrong? The past kept on haunting me. Taking me to a deep black hole of life that, I thought, I will never escape. Story of Mandy and her shred picture of the past.