Handkerchief

1 0 0
                                    

Tumayo si Mandy sa pagkakaupo. Tapos na kasi ang oras nya sa pagre-rent ng computer. Gumawa kasi sya ng assignment sa isang nyang subject na General Psychology. First year college na sya at kailangan nyang mag-aral ng mabuti dahil ayaw na nyang mang-yari ang naranasan nya noong bata pa sya.

" ate pa-print po,short. Pc number 4" saad nya sa babaeng nagbabantay sa computer shop. Tinanong naman sya ng babae kung anong file name at sinabi nya. Nag-intay muna sya ng ilang sandali para matapos ang pina-print at saka nagbayad.

Habang naglalakad ramdam nya ang kapaguran sa katawan. Isa kasi syang working student at scholar ng bayan pero hindi pa rin sasapat ang mga iyon para maipangtustos sa sarili at pang-araw-araw. Napabuntong hininga sya. Ilang taon na rin kasi nyang ginagawa ang ganitong gawain. Nagpapa-partime, nag-aaral at humahanap ng iba pang trabaho. Simula kasi ng maghirap at iwan sila ng kanyang ama, silang mag-ina duble-doble ang kayud. May iba pa kasi syang kapatid na dalawa at parehong highschool student. Bagamat, hindi naibibigay ng kanyang ina ang mga pangangailangan nilang magkakapatid ay naiintindihan naman niya lalo na't panganay sya. Siya na lang ang gumagawa ng paraan upang mabigyan ang mga kapatid nya.

Tiningnan nya ang kanyang mumurahing relo. 4: 15. Kinse minutos na syang late sa trabho. Siguradong papagalitan sya ng kanyang amo at sana pagbigyan sya nito dahil alam nyang mabait naman si Aling Anna ang may-ari ng Anna's papermart. Binilisan na lang nya ang lakad nya upang hindi na makaabot ng 20 minutes.

Mabuti na lang wala si Aling Anna sa cashier kundi baka pinatawag sya. Huminga sya ng malalim na parang isang motivation nya sa pagtatrabaho. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay nasa pinto pa lang sya ay lumabas na si ALing Anna na may dalang plastic cover. Sumalabong ang kilay nito pero naalis ito ng ibigay ng ginang ang hawak nya sa estudyante na may ngiti.

" Excuse po ate, makikiraan po. Wag po kayong humarang sa pinto baka kasi may gustong pumasok at lumabas sa pintong iyan. Ang laki nyong harang!"

Aba, antipatikong bata ito. Makikiraan lang ang dami ng sinabi. Saad nya sa isip nya.

" Pasensyo na PO kayo mahal na costumer! Maari na PO kayong dumaan. Actually, ako yung body guard." Sarkastiko nyang sinabi at hindi maipagkakaila ang pagkairita. Matawa-tawang tumabi naman sya dahil ang korni ng sinabi nya at nag-gestura pa na pinararaan at tumango. " Balik po ulit kayo" hyper nyang sinabi sa bata na kung titingnan ay sa mamahaling highschool nag-aaral.

" Oh, bakit ngayon ka lang dumating. Kung kelan wala ng masyadong costumer. Saan ka ba nanggaling kang bata ka?" Sabi ni Aling Anna habang nakapameywang.

" Pasensya na po kayo hindi na po mauulit. Hind ko po kasi napansin yong oras" Pagpapalusot nya.

" oh, sya sya. Basta wag munang uulitin. Alam mo namang bawal akong mapagod." Magtataboy nito sa kanya.

" bakit po ba kasi nagtatrabaho pa kayo? Pwede namn pong mag-hire ng kahera o kaya naman po Ako na lang ang papalit. Hehe" pagbibiro nya

" hay naku kang bata ka. Pag ako namalagi sa bahay baka lumala pa itong sakit ko at gusto ko may ginagawa ako. Para na rin masubaybayan ko itong negosyo ko at kayong mga tauhan ko.Lalo ka na."

"Hala! Bakit naman po ako?" Gulat nyang tanong. Bakitbaakonalanglagiangnakikitanya?

"Tulad ngayon nahuli. Madalas tatanga-tanga ka at bangag. Alam mo yun para kang nakadrugs.? Aminin mo nga sakin minsan ba humihithit ka?" Bagets talaga to sa aling Anna. Kaya gustong-gusto nya Ito. Kahit na iniisip nyang baliw ang dalaga.

Ganyan naman sya, di dinaramdam iyang mga problemang. Masakit man ang reyalidad kailangan mo ring tumakas at gumawa ng mundo mo. Kaya nga merong mga fairytale, isang paraan ng pagtakas. Mahirap ang buhay kaya naman dapat praktikal ka pero di nya naman ikamamatay ang pagiging baliw nya.

" naku po hindi. Masyadong mahal ang marijuana or weeds, katul lang ang kaya ko. Haha. Pero seryoso po hindi po talaga.." Ayan sinakyan nya na ang trip niya. Kesa naman magpakaseryoso at gawing buhay ang pagsosolve ng problema eh kailangan rin naman nyang pagaanin ang loob. Ayaw nyang pumanget kaiisip dyan.

" oo na lang. Try mo din minsan ang martilyo para magising ka. Puro ka kalokohan. Mabuti pa na asikusihin mo muna ung mga costumer bago ka makipagkwentuhan sakin."

"sige na nga po" ngiti-ngiting nyang saad.

Tumalikod na sya at pinuntahan ang costumer. Tulad ng kinagawian ng mga "mabubuting saleslady" ngumiti sya.

" anong sayo?"

--------------------------------------------------------------

Kakapasok pa lang nya sa bahay ay umupo na agad sya at isinandal ang likod. Makikitang pagod na pagod sya sa araw na ito. Muntik na syang makatulog kung hindi sya nilapitan ng mga kapatid nya.

" ate Dy, kelangan ko ng pambili ng project" sabi ni michelle ang bunso nyang kaptid. 2nd year highschool na sya at nasa section one. Pamilya naman sila ng matatalino kaya lang salat sila sa pera kaya hindi nakakasama ng mga other activities sa loob at labas ng campus.

" sige magkano ba ang kelangan mo?"

"Ah eh, 700 po"

" ano?! Ang mahal naman nun."

"Ako rin ate." Pakikisali ni Michael. Graduating student ng highschool ito. Naiproklama na president ng school nila at class Valedictorian.

" sige gagawa ng paraan si ate pero pakainin niyo muna ako. Oo nga pala asan si mama?."

" nasa kusina, naghuhugas ng mga pinggan"

Tumayo na sa pagkakaupo si Mandy at ang kanyang mga kapatid ay pinagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Muling nyang sinulyapan ang mga ito ay napangiti at kahit saglit ay gumaan ang kanyang loob . Kahit na nahihirapan sya sa pagtatrabaho at masuportahan ang mga kapatid ay nasusuklian naman ito ng magandang record nila sa pag-aaral.

" kamusta anak? Kumain ka na ba? Halika umupo ka na dito at kumain."

"Salamat po ma. Ok naman po ako kahit na nakakapagod."

Pagkatapos maghain ng ina nya ay umupo naman ito sa harapan nya. Samantala sya ay nagsandok na ng makakain.

" pasensya na anak ah. Hindi ako naging mabuting ina sa inyong magkakapatid. Kung nakapag-ipon lang sana ako at kung hindi lang sana kami naghiwalay ng tatay mo eh di sana hindi ka nahihirapan."

"Ano ka ba ma? Ok lang un. Atleast nakakain tayo ng tatlong beses sa isang araw at nakakapag-aral. Masaya po ako dahil nakakatulong ako. Atsaka "The best Mother ever po kayo in the whole world kahit na ganito lang ang estado natin sa buhay."

" salamat anak. Masaya ako dahil nabigyan ako ng mabubuting anak kahit na ganito lang tayo"

"Ma wag ka ngang ganyan. Baka umiyak ka na naman. Hahaha. Ampangit mo pa naman.haha."

" eh di panget ka din. Nanggaling ka sakin"

" yahhhhh. Maganda kaya ako.haha"

" hahahaha. Bahala ka na dyan at aasikasuhin ko muna yung mga damit nyo."

" mabuti pa ma. Dahil di ako makasubo.HAHA"

Umalis na kanyang ina at pinagpatuloy ang pagkain habang nakataas ang isang paa. Ganyan sya kumain kapag ginaganahan at gutom na gutom pero kapag nasa bahay sya ng mga bestfriend nya ay ganyan din sya pwera na lng sa ibang lugar.

Pagkalipas ng ilang minuto ay busog na busog na sya. At dahil sya ay mabait na bata at scholar ng bayan kahit na minsan ay may pagkabalahura/bastos ay naghugas sya ng pinagkainan. Dumiretso sa kwarto upang magpalit ng damit. Inuna ang ( kelangan bang sabihan pa yan) notebook at aklat sa upang mag-aral.

Pero hindi rin nya makakalimutan ang kanyang inspirasyon sa buhay, ang kanyang first love. Kinuha nya ang kahon mula sa kanyang cabinet at kinuha ang panyo. May initial na E.Q. Kahit na minsan ay natatawa sya dahil naalala nya ang isang diaper brand pero ay sinet aside nya ito. Dahil nagpapasalamat sya rito sa kung saan man sya sa ngayon, ang lalaking unang nagligtas sa kanya ng araw na nalulungkot sya. Kahit na sandali ay ipinaramdam nito sa kanya na may nagmamahal sa kanya kahit na may problema na nangyayari sa kanya noon.

Hindi kita malilimutan Mr. E.Q.. You're always in my heart. Your white handkerchief will always be my friend whenever i' m happy or sad.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Color of a RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon