"Gaga!"

Sigaw sakin ng kaibigan ko ng nireject ko na naman ang isang lalaki through messenger na may balak man ligaw sa akin.

"Akala ko ba gusto mo mag ka jowa? 'Te! Pang ilang reject mo na 'yan?"
inis na sigaw nya habang nakain ng chichirya sa harapan ko. Inirap irapan pa nga ako ng gaga.

Ibinaba ko ang cellphone ko sa table ng canteen kung saan kami nakatambay at inihilamos ko ang aking palad sa aking muka.

Oo nga at jowang jowa ako. Ay jowang jowa ba talaga?

"Hindi naman sa jowang jowa 'te, gusto ko lang makaramdam ng love. Alam mo naman NBSB, kaya medyo sabik lang." sabi ko habang pinipisa pisa ang pisngi ko.

Umirap pa sya ng ilang ulit at nginuya ang chichiryang nasa bibig nya bago nya ako sinagot.

"Eh kasi naman ne, 21 kana saka mo pa lang balak mag explore ng jowa jowa na 'yan, saka ka pa lang aalis sa comfort zone mo, tapos nitong aalis kama sa comfort zone mo atat na atat ka pero nirereject mo pa rin mga nagkakagusto sa'yo. Ay 'te ano ba talaga? Gusto mo ba talaga mag ka jowa o ano?"
inis na inis na sabi nya.

Well, totoo naman ang sinabi nya. 21, NBSB, atat mag ka jowa pero takot din.

"Eh kasi naman kaya naman now ko lang gusto mag try for the first time na mag ka jowa dahil legal age na ano, ayoko naman kasi humarot noong mga minor pa tayo. Saka nga di naman talaga ako super atat, ay ewan? Ah bastaaa!" frustrated na sabe ko saka kumuha na rin sa chichirya nya at kinain ito.

Hay, ang gulo ng desisyon ko sa buhay.
Gusto mag ka jowa, atat mag ka jowa, lagi namang nag rereject ng boys.

"Ba't mo ba kasi hilig mag reject?"
tanong nya.

Isa lang sagot dyan eh...

"Di ko type."
sabi ko.

At as usual, umirap na naman sya ng walang humpay sa ere.

"JUSKO PO, JHANNA  IMPERIAL!!! NAPAKA HABA TALAGA NG BUHOK MO ABOT HANGGANG QC!" exaggerated na sabi nya.

"Eh sa hindi ko naman kasi talaga type baket ko ipipilit sarili ko sa taong hindi ko type, diba? Saka 'te, I date to marry. Yung jojowain ko, gusto ko sya na rin pakakasalan ko."
sabi ko sa kanya.

It's true, I wanna date to marry. I don't wanna waste time and tears for the wrong guy that's why I am a picky one.

"Hay nako, well, desisyon mo 'yan, sino ba naman ako para pigilan ka, basta nandito lang ako para gumabay at mag bigay ng payo sa'yo... pero ang masasabi ko lang is mahirap makahanap agad ng hinahanap mo. It's a trial and error kase 'te, mahirap i explain pero nako mararamdaman at mararanasan mo rin 'yan!"
sabi nya.

She is right.
Mahirap nga naman, pero ayon kasi talaga ang gusto ko eh.
I just need a better plan or better way.

Hmmm, what if???

Only Us Can Make This BetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon