chapter 2

26 2 0
                                    

Chapter two

-Habang mahimbing na natutulog ang lahat sa mansiyon, gising at paikot ikot si zach sa paligid ng mansiyon.batid niyang anumang oras ay sasalakayin sila ng mga lobo.hindi siya maaring magkamali.at patunay nito ang kagabi,ng maramdaman at maamoy niya ang aura ng isang tao. hinanap niya ito at isang babae ang nakita niya sa likod ng mansiyon na matiim na nakatitig sa kinaroroonan ng mansiyon.wariy sinisipat ang nasa loob nito.agad siyang lumapit at pinuntahan ang kinaroroonan ng babae.ngunit naamoy yata nito ang presensiya niya.agad itong nagpalit ng anyo bilang isang lobo at tumakbo paloob ng gubat.sinubukan niya itong habulin,ngunit sadyang kakaiba ang angking bilis nito.halos liparin na niya ang mga nagtataasang punong kahoy ay hindi niya nagawang abutan ang kahit kaunting bakas ng lobo.mabilis itong naglaho sa kagubatan..

Magdamag ang lumipas ng walang kakaibang nangyari sa mansiyon.pero hindi parin nagpapabaya si zach sa pag-ikot at pagronda sa paligid ng mansiyon.

"Maagang nagising si khyle at tinungo agad niya ang kusina upang kumain at hanapin ang nana niya.ngunit wala roon ang nana josefa niya.natagpuan niya itong nasa labas ng hardin."Nana nasaan si Elijah?"bungad ni khyle sa matanda na kasalukuyang naglilimas ng mga malalagong damo sa hardin.

"Ikaw pala hijo.! inutusang ko siyang pumunta sa bayan upang mamalengke.marahang sagot ng matanda "ahh okay nana.nakangiti niyang sagot."hijo maghuhugas lang ako ng kamay at ipaghahanda kita ng maka-kain."wag na nana.hintayin ko nalang si Elijah para sabay kami.aakyat muna ulit ako sa kwarto.pakitawagan niyo nalang ako pag nakabalik na siya nana."sige hijo.

"ELIJAH kanina kapa hinihintay ni khyle."eh nasaan po siya nana,?"andun sa kwarto sa itaas.saglit lang at tatawagin ko."ahh nana.iiwan ko na po dito itong pinamili ko.kayo nalang ho ang bahala.ako nalang po aakyat para tawagin si khyle.okay lang po ba?"ngiting ngiti ito at parang nangungusap ang mga mata habang nagsasalita sa matanda."naku hija.sige na at mapupunit ang pisnge mo sa lawak ng ngiti mo.!"sa tuwa ay niyakap nito ang matanda at hinagkan sa pisnge bago umakyat pataas ng ikalawang palapag kung saan naroon ang kwarto ni khyle."sus ginoo batang ito.galak na galak sa pag-akyat sa kwarto ni khyle.

Sa ilang buwan niya kasing pag-tigil sa mansiyon ni minsan hindi niya nasubukang umakyat sa ikalawang palapag ng mansiyon.Lubos kasi itong ipinagbawal ng nana josefa niya.kung anung dahilan,iyon ang hindi niya alam."pag akyat ng itaas ay mayroong pasilyong mahaba. Na nasa bandang dulo ang kinatayayuan ng kwarto ni zach.sa harap nito ang kwarto ni khyle. Di mawari ni Elijah kung bakit ng sandaling itapak niya ang mga paa sa kahoy na sahig ng ikalawang palapag ay mayroon itong kakaibang enerhiyang naramdaman.bigla na lamang siyang nangilabot at bumilis ang tibok ng puso niya.saglit siyang napahinto sa paghakbang at kinalma ang sarili."bakit ganito?di ko mapigil ang kabog ng dibdib ko."nagpatuloy siya sa paghakbang patungo sa dulong kwarto..hindi niya alam kung bakit gusto niyang usisain ang kwartong nasa dulo gayung kwarto lamang ito ng bodyguard ni khyle.ng makarating siya sa harapan ng pinto ng kwarto ni zach na bahagyang nakasiwang.nilamon siya ng kanyang kuryosidad.hindi niya napigilan ang sarili.inilapit niya ang ulo upang silipin ang loob ng kwarto.iginala niya ang mga mata sa loob ng madilim na kwarto, na ang tanging nagsisilbing liwanag ay nagmumula sa sikat ng araw sa bintana. Napansin niya ang isang queen size na kama na sa tingin nitoy wala humihiga dito sapagkat kahit kaunting gusot ay wala ito g naaninag sa kama. biglang nanlaki ang kanyang mga mata ng mapadako ang kanyang malilikot na mga mata sa kisame ng kwarto.pansin niyang medyo may kataasan ang kisame nito..ng mapadako sa pinaka sentro ng kisame ang paningin niya ay nakita niya ang natutulog na si zach na parang isang paniki na pabaliktad na nakasabit sa chandelier.natutup niya ng dalawang kamay ang bibig sa pagkabigla. Bahagya pa siyang napaatras ng makita niyang magmulat ng mga ang lalaki.lalong bumilis ang kabog ng kanyang dibdib na parang anumng oras ay sasabog na ito na parang isang bomba.sa sobrang takot ay mabilis niyang hinakbang ang harapan ng kwarto ni khyle at kinatok ng malakas.

Khyle VladistorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon