Prologue

78 6 6
                                    

Tatlong taon na ang lumipas mula ng maglaho ako sa mundong aking nakagisnan. Sa isang kisapmata'y napadpad ako sa mundong mahiwaga. Isang mundong makulay subalit puno ng panganib, kababalaghan, at pakikipagsapalaran. Sa mundong ito, walang lugar ang mga lampa't mahihina, tanging ang mga malalakas at makapangyarihan lang ang patuloy na nabubuhay. Ito ay isang laro na ang taya ay ang sarili mong buhay. Ito ang mundo ng Knights of the Blood Online (KOBO).


Tatlong taon na rin ang lumipas mula ng dalhin ako sa virtual na mundong ito. Sa umpisa'y puno ng pakikipagsapalaran at ilang beses na ring akong muntik mahantong sa bihit ng kamatayan. Subalit patuloy akong lumaban at nagpalakas ng husto para maipagpatuloy ang aking buhay. Kailangan kong mabuhay dahil hindi pa tapos ang aking misyon dito. Marami pa akong katanungan na hindi pa nasasagot. Kailangan kong alamin ang mga misteryong bumabalot sa mundong ito.


"Hiya!"

 

"Dragon Slash!"


Kasalukuyan naming linalabanan ang mga alipores ng boss sa dungeon na aming pinasukan. Mahigit isang-daang ang hukbo namin nang pumasok kami sa loob ng dungeon na ito subalit ngayon kulang-kulang na lang kami sa sampu na patuloy na nakikipag-laban patungo sa boss stage.


Ginamitan ko ng combo attack ang mga monsters na kumakalaban sa akin. Kalansay ang mga ito na nakabalot sa itim na cape. Iba't-ibang klase ang mga ito, may mga warriors, ang iba ay mga archers, at meron ding mga magicians.


"Sh*t! Tama nga ang hinala ko, hindi basta-basta ang mga monsters sa dungeon na ito, no choice kailangan ko ng gamitin ang bagong skill na natutunan ko." Bulong ko.


Ni-charge ko na ang aking MP (Mana).


"BERSERK!"


Pinaulanan ko ng matitinding atake ang lahat ng kalaban. Mabibilis ang mga pag-atakeng aking pinakawalan. At sa ilang saglit pa lamang ay naglaho na ang ito na parang bula. Nakuha ko lahat ng mga EXP (Experience) mula sa mga monsters na napatay ko. Napunta rin sa akin ang mga GP (Gold Points) at mga quest items.


"Nice skill!" Puri ng isa kong kasama. Inirapan ko lamang ito. Wala akong oras para sa mga katulad niya.


"KNIGHTS! Sugurin na natin ang boss stage sa dungeon!" Wika ko sa kanila.


Hindi na kami natagalan sa paghahanap ng boss stage dahil ang ikinaganda ng dungeon na ito ay diretso lang ang daan kaya naman siguradong nasa dulong parte ang boss.


Binuksan na namin ang isang malaking pintuan sa dulong parte ng dungeon. Bumungad sa amin ang isang higanteng Fire Golem na may HP (Life) na 18,000.


(Note from the Game Master: Golem is a giant monster made up of rock. Their attacks depend on what element they attributed. Golems have high HP and a strong defense making it hard to defeat.)


"Whoa! Kaya ba natin yan?" Tanong ng isa kong kasama. Narinig ko na ring nagbubulungan ang iba, mukha silang natatakot. Tsk. Mga weak!

Knights of the Blood Online (K.O.B.O.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon