Chapter 1: The Birth of a Spell Knight

27 3 2
                                    

< Year 2052 >


Three years ago...

Loki's P.O.V.

Panibagong araw. Isang araw na naman ang masasayang sa aking buhay. Hay... Walang kwenta, walang patutunguhan ang buhay ko. Hindi ko alam kung ano pang silbi ko dito sa mundong ito. Wala na akong pamilya, pinatay sila at kung mamalasin ka nga naman, hindi ako kasama sa mga napuruhan kaya patuloy pa akong nabubuhay. Nakapagtapos nga ako sa kolehiyo, ang kaso wala naman akong trabaho. Nasira ang mga pangarap ko simula ng iwan nila ako. Nakapagtapos nga ako, ano namang trabaho ang mapapasok sa kursong kinuha ko? BS Biology? Katangahan. Ano namang magagawa nun kung di ko rin naman itutuloy sa pagmemedisina. At kung maglaro nga naman ang tadhana, ang buong akala ko may mga ari-ariang pang maiiwan sa akin matapos akong iwan ng aking pamilya nang napag-alaman kong baon na pala kami sa utang. Wala ng natira. Wala akong bahay. Wala akong mapagkakakitaan. Palibhasa'y laki ako sa layaw. Ngayon, tanging ang gobyerno lang ang tumutustos sa aking mga pangangailangan. Samakatuwid, isa na akong hamak na salot sa lipunan. Napaka-moderno na ng panahon subalit hindi ako nag-aaksayang lumabas sa apat na sulok ng aking tahanan kaya napag-iiwanan na lang ako.

Ang bagal gumalaw ng oras kung wala ka namang mapag-aabalahan. Kaya araw-araw itinutuon ko na lang ang aking atensyon sa RPG o ang Role Playing Game na nilalaro sa aking computer. Pampalipas-oras. Kapag nilalaro ko ito, bumibilis at hindi ko na namamalayan ang oras. Pansamantalang nawawala ako sa mundong aking ginagalawan. Napupunta ako sa mundong kaya kong kontrolin at imanipula. Isang mundo na kung saan sa akin ito umiikot.

Sa dinami-dami na mga online games na nalaroko , nagsawa na ako. Pare-pareho lang ang mga ito. BORING.

Mabuti pa makapamasyal muna ako sa shop at ng makabili ng bagong laro.

Paglabas ko sa aking apartment, bumungad sa akin ang mundo. Nagliliparang ang mga sasakyan sa langit na kulay grey dahil sa polusyon. Matatayog na buildings, magagandang pasyalan, at mga abalang tao. Naglakad ako sa di kalayuan. Pupunta ako sa isang usual na shop na aking pinupuntahan upang bumili ng bagong online game.

Sa kalagitnaan ng aking paglalakad biglang...

*BOOGSH!*

Pareho kaming natumba ng aking nabangga. Agad naman akong tumayo para tulungan siya.

"Sorry miss, hindi kasi ako tumitingin sa aking dinadaanan." Pagpaumanhin ko. Inilahad ko ang aking mga kamay.

Tinignan niya ako tapos ngumiti siya. Maganda't maamo ang kanyang mukha.

"Okay lang, hindi naman ako nasaktan." Inabot niya ang aking mga kamay.

"Ah ganun ba, osige, mauna na ako."

Tumango siya.

Nang makalayo ako ng kaunti sa kanya bigla naman siyang sumigaw.

"Huwag kang masyadong seryoso sa buhay! Magpakasaya ka naman, YOLO nga sabi nila, you only live once! Sige ba-bye." Nang hinarap ko siya nakita ko na siyang kumaripas ng takbo. Napangiti naman ako sa sinabi niya.

***

Nang makarating na ako sa suki kong shop agad kong tinanong si manong kung anong bagong online game ang na-release na.

"Manong anong bago?"

"Wala pa bata, wala ka bang mapag-aabalahan sa buhay? Mukhang paglalaro sa online games lang ang inaatupag mo magdamag ah kaya madali mong pagsawaan. Get a life!" Lahat ba ng tao kailangan ipamukha sa aking kailangan kong gawing productive ang buhay ko? Eh sa ayaw ko eh! Ano bang pake nila, kaasar!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Knights of the Blood Online (K.O.B.O.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon