Ceiling

2 0 0
                                    

"Salamat at natapos na ang problema sa firm. Let's go back here next week tapos inom ulit pagkatapos naming mag meeting kasama yung mga partners ko." Free said and finished the remaining alcohol inside his final bottle. Nasa dalampasigan lang kami. Nakatingin sa mga bituin sa langit. Buti talaga at umuwi na yung mga nagme-maintain dito sa resort niya kaya sobrang tahimik lang.

"Alam mo, ikaw pa magiging dahilan kung bakit hindi ko mado-donate 'tong atay ko kapag namatay ako. Puro nalang tayo alak!" reklamo ko. Totoo naman eh. Kahit gaano ako pinapakalma ng alak, parang yung katawan ko na mismo ang nagrereklamo.

"Hindi naman! Hindi naman ganon kadalas inom natin. Thrice a week lang naman" parang wala lang na sinabi niya. Lumipat sa kanya yung tingin ko kasi gusto kong makita sa mukha niya nagjo-joke lang siya kaso ang seryoso ng mukha niya.

"'Wag mo na akong titigan at baka malasing ako" sabi niya habang nakatingin parin sa langit.

"'Di naman ako alak para maging dahilan na malasing ka." sagot ko. Nabigla ako nang tumayo siya at tinitigan lang ako. Tumitig ako pabalik habang nakakunot ang noo pero nagulat ako ng pumunta siya sa jeep wrangler niya at pinatugtog ng malakas yung kanina pang nagp-play na kanta sa car speaker niya.

Bumalik siya sa pwesto niya pero ngayon ay nakatayo nalang siya at nakatingin sakin habang naaaninag ko yung mga mata niya dahil sa liwanag na galing sa buwan.

"Ang ganda ng mga bituin. Parang ang sarap sumayaw ngayon." sabi niya at nilahad iyong palad niya sa harap ko na para bang tinatanong niya ako ng isang sayaw. Minsan talaga 'di ko alam anong trip nitong si Free. Kahit 11 years na kaming mag best friend, 'di ko parin siya gamay kapag ganitong usapan na. Nilagay ko yung palad ko sa taas ng palad niya at tumayo. Ngumiti ako at humawak sa balikat niya.

May mga oras talaga na dinadaan nalang namin sa sayaw lahat ng problema.

Nung unang beses naming ginawa 'to ay yung bumagasak kami pareho sa BAR EXAM. Sabay-sabay kasi yung problema nun. Namatay yung parents niya dahil sa car accident sa kasagsagan ng pagre-review. Kaya kahit gusto niyang mag review, nandun lang siya sa lamay ng mga magulang niya at ako naman ay hindi siya maiwan iwan kahit na gustong gusto ko nalang mag focus sa review nun.

Yung pangalawang beses na sayaw namin ay nung namatay yung pusa ko. Yun nalang kasi yung alaala na naiwan ni Mama sakin bago siya namatay dahil sa cancer. Hindi ko na nakilala si Papa kasi bigla nalang siyang nawala nung lumabas ako sa tiyan ni Mama. Kaya sobrang lungkot ko nun kasi wala na yung isang buhay na iniwan ni Mama sa akin.

Kaya medyo nagtaka ako ngayon kasi wala naman akong problema - o baka siya ang may problema?

"I can feel your heavy breaths" he said. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Sa dami ng sayaw na ginawa namin, ito lang yung pagkakataon na sobrang lapit ng mga mukha namin. Dati kasi it's either nakayuko kami kasi umiiyak o niyayakap namin yung isa't isa kaya nasa likod lang ang tingin namin. Iba yung tingin niya ngayon o baka ako lang kasi kahit ako nalilito na ako sa kung anong nararamdaman ko.

"I can feel your hand on my waist" tugon ko. Kakaiba rin yung kapit niya sa bewang ko ngayon. Hindi katulad nung mga nakaraang sayaw ay parang nakapatong lang yung kamay niya sa bewang ko pero ngayon ay kapit na kapit yung kamay niya.

I can feel his presence, I can see his gaze deepen, I can hear my heart beat.

"May problema ba?" tanong ko. Nakatitig lang ako sa mukha niya at nakatitig lang din siya sa mukha ko. Nakita ko yung kinang sa mga mata niya, luha. Luha yung nakita ko sa mga mata niya. Luha na hindi ko alam kung ano ang dahilan.

"Peace, I love you." those three words with my name as the first word on that statement stopped my world. I smiled back and all I can do is to hug him tight. The happiness that I felt after he said those words. Kumawala ako sa yakap at tinignan siya.

Pero nawala yung ngiti ko nung makita ko na para bang may kakaiba sa mukha niya. His eyes that full of tears are now showing pain, the smile that used to give me more light than the moon is now gloomy, his hand that's tightly holding my waist earlier is now slowly moving away from my body.

"What's this?" I said while tears are falling from my eyes. Ano 'to? Ito ba yung problema? Bakit?

"I need to marry Kel. Babagsak yung firm kapag hindi. Yun yung pag-uusapan namin ng mga partners ko next week; kasama yung parents ni Kel. Kasi pag-uusapan na namin kung paano magme-merge yung businesses namin. Alam mo naman na malaki ang hawak nila sa firm ko. I just can't put to waste what my parents built years ago." walang hingaang paliwanag ni Free sa akin.

Dahan-dahan akong umatras at pinunasan yung luha ko na kanina ay dahil sa saya pero ngayon ay dahil sa lungkot na, hindi ko maisip kung gaano kabilis magbago ng dahilan ng mga luha ko. Huamakbang siya papalapit sa akin pero sa bawat hakbang niya ay yun din ang pag atras ko

"What do you mean you love me?" I bravely ask. Umiwas ako ng tingin kasi di ko kayang titigan yung mga mata niya.

"I love you. Ikaw nalang yung pamilya na meron ako at ayokong mawala ka sa buhay ko. Ikaw nalang yung meron ako. Ikaw lang naman yung naging kapatid ko sa buong buhay ko" nabasag yung boses niya dahil sa huling sinabi niya. I nodded while wiping my tears. I took a deep breath.

"Okay... sasamahan kita sa altar" sabi ko at agad na tumalikod at pumasok sa sasakyan niya. Nagbilang ako ng ilang segundo. 11 seconds. 11 seconds bago siya sumunod at pumasok sa sasakyan. Pinaandar ang sasakyan at bago pa man kami umalis ay hinawakan niya ang kamay ko at tinitigan ako.

"Salamat." he said and smiled. I smiled back. I tried to show my truest smile.

AND THAT WAS THE LAST CONVERSATION WE HAD BEFORE HE DIED ON THAT NIGHT BECAUSE OF A CAR AMBUSH AFTER HE SENT ME HOME.

me, music & theseWhere stories live. Discover now