Stuck On You

45 2 2
                                    

Malalim na ang gabi, pero eto ako gising na gising paring nakatitig sa kisame ng aking kwarto.

"siya ba talaga yun?" tanong ko sa aking sarili.

"oo sya yun! nag 'hi' pa nga sayo diba?" sagot naman ng utak ko, habang rinig na rinig ko ang pagpintig ng aking dibdib. hayy! nababaliw na ko!

totoo nga yung nakita ko kanina, pero sino yung kasama nya? Hindi na ba talaga sya nagbago?

*kringggg*

"ay kalabaw!"

natigil ako sa pag-iisip sa kanya ng biglang tumunog ang alarm clock ko.

6am na? hala Hindi pa ko natutulog T.T

bumangon na ko para gumayak papasok sa eskwelahan. bahala na! zombie na kung zombie ako ngayon.

hayy isang nakakaantok na umaga, makikita ko kaya sya ngayon? pano pag nagkasalubong kami? pano na to mukha akong zombie. huhu nakakaiyak dapat kasi natulog ako!

"Kristel!"

"Aray ko naman Gladys! bat ka nambabatok?"

"Gaga ka kasi! kanina pa kita tinatawag ayaw mong lumingon! teka bat ganyan yang mata mo? natulog kaba?

"Hindi."

"e bat Di ka natulog aber?"

"Nakita ko kasi si Jack"

"yun lang pala, nakita mo lang si jack. ANO!!? nakita mo si Jack!? Saan!? Kailan!?"

"ano ba wag ka nga sumigaw!?"

"edi Hindi na, saan nga? tyka kailan?"

" kahapon, dun sa coffee shop. may kasamang babae."

"letche ang landi talaga ng loko! teka kilala mo ba yung Babae?"

"Hindi."

"ang landi talaga, teka bat umiiyak ka dyan?"

"Gla, a-akala ko w-wala na.. p-pero langya! ma-mahal ko pa siya!" Hindi ko na napigilang humagulgol.

"letche naman kristel! tumahan ka nga dyan! para kang tanga! uyy tahan na, Hindi nya deserve yang luha mo..uyy!"

"P-pero kasalanan ko.."

"paanong kasalanan mo!? paalala ko lang, sya unang nang-iwan."

"iniwan nya ko kasi hindi ko sya kayang ipaglaban."

"tel tahan na.."

patuloy ang pag iyak ko habang yakap si Gladys ng may nag abot sakin ng panyo.

"J-Jack.."

"Tumahan kana Dyan, mag usap tayo."

Hindi pa naman ako nakakapag salita para umuoo. bigla na nyang hinila yung kamay ko.

"bakit kaba umiiyak!?" sigaw sakin ni Jack dahilan ng aking lalong pag iyak.

"J-Jack.. ka-kasi..."

"Kristel tumahan kana.." nagulat ako sa paglapit nya sakin kasabay ng pagkakakulong ko sa mga bisig nya"

"Tel tahan na.. nasasaktan ako pag nakikita kang umiiyak."

"Jack s-sorry.. sorry kung naging mahina ako, sorry hindi kita nakayang ipaglaban sa mga magulang ko.."

"sshh tahan na.. tapos na yun."

"Jack sorry..sorry"

"Okay na yun Tel. naiintindihan ko naman. naiintindihan ko yung mga magulang mo kung bakit ayaw nila sakin, natatakot sila baka saktan kita. g*go naman kasi ako! bat ko kasi pinaglaruan ang mga babae.."

rinig na rinig ko ang pagcrack ng kayang salita, hindi ako ngkakamali. umiiyak sya.

"K-karma ko to! kasalanan ko, ayaw akong pagkatiwalaan ng mga magulang ng taong mahal na mahal ko dahil sa mga kalokohan ko noon..s-sorry kristel..m-mahal na mahal kita. a-alam mo b-ba nung nakita kita.. sa co-coffee shop.. akala ko hindi na kita mahal. p-pero mali ako. I'm stuck on you. nung nag 'hi' ako sayo, g-gustong gusto kitang yakapin. kaso hindi ko na ginawa. b-buti na nga lang nag-aya na si Ate Jesse umuwi.

K-Kristel.. I love you.. can we start this relationship again? pa-pangako ipaglalaban kita sa magulang mo.."

patuloy ang pagluha ko. hindi dahil sa sakit kundi dahil sa saya. saya dahil alam Kong mahal pa ko ng taong mahal ko.

"Jack tutulungan kitang ipaglaban ang relasyong ito.. I love you too Jack. I will stuck on you. FOREVER."

End.

Tnx for reading :) :)

Stuck on youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon