chapter two

13 2 2
                                    

WednesdayDream University
-

Kim and Kyler have just arrived at the university. Dahil maaga na naman silang pumasok, kokonti pa rin lang ang nasa university.

"Ler, una ka na." sabi ni Kim sa kasama. Nagtaka naman si Kyler. "Bakit?"

"Magrest room lang ako saglit. Tsaka alam ko naman na papunta sa room eh." Sabi nito sa kaibigan. Tumango na lang din si Kyler at iniwan na si Kim sa pwesto. Dumeretso naman agad si Kim sa pupuntahan.

Dahil may halos 20 minutes pa bago magsimula ang klase ni Kim ay napagpasyahan niya munang maglakad lakad.

Patingin tingin siya sa paligid niya dahil napansin niyang hindi na pamilyar ang lugar sa kanya. Halos mga nakaqhite uniform na ang mga nakikita niya kaya nagtaka na siya.

"Lah? Saan na ako?" Kinakabahang sabi niya. Sa lawak ba naman ng university, at ngayon lang din siya nagikot, hindi niya alam ang daan papunta sa building nila. At ang tanging paraan lang ay ang magtanong sa mga estudyante.

"Should I ask them? Nah, nahihiya ako... Pero paano ako babalik?" Natatarantang sabi niya sa sarili.

Habang palingon lingon siya ay hindi niya napansing na may sasalubong sakanya. Dahil sa bilis ng pangyayari, nagkabanggaan sila nito.

Nagtitigan lamang sila ng ilang minuto.

Naka puting uniporme, nakaayos ang buhok, mapungay ang mga mata. Sa isip ni Kim.

"Sorry." sabi agad ni Kim.

"New student ka ba rito?" tanong ng lalaking nakabangga niya. Tumango naman siya. Paano niya nalaman?

"Oh I see. Naliligaw ka ba?" tanong ulit ng lalaki.

"Hmm... Oo?" Weird. Bakit niya alam?

"Don't worry. I encountered some like you." Natatawang sabi niya. Ahh...

"Ganun ba..."

"Seems like it's almost 8, wala ka pa bang class?" tanong niya.

"Meron eh.. Pero kasi.. Di ko alam kung saan na yung building ng engineering..." Nahihiyang sabi ni Kim.

"Oh.. Let me show you the way, tara." sabi nito.

Ang bait naman?

"My class will start at 9 pa naman. So I can accompany you." sabi nito. Tumango na lang si Kim.

Well, Kim is an introvert. He doesn't speak a lot, but when he's comfortable with the person, he can talk nonstop.

The case here is, Kim is now with a stranger. Someone whom he just met minutes ago. Doesn't even know his name.

"Are you a freshman? Or...?"

"Ah, second year po ako." sagot nito.

"Nice. Same. As you can see sa uniform ko, nursing student ako." sabi ng lalaki.

"Oh, by the way... My name is Vinci." Ayun, nagpakilala na.

Nilahad ni Vinci ang kamay kay Kim at tinitigan lang nito ng ilang segundo at kinuha pagkatapos.

"I'm Kim." pagpapakilala rin nito.

"Do you mind if I ask you kung bakit ka nagtranfer here?" tanong ni Vinci.

"Hmm. Hindi naman..."

"Nice. Saan ang dating school mo?"

"I'm from province kasi, and choice ko lang na lumipat dito..." sabi ni Kim. Wala namang kahit anong bakas ng pagkawalang gana ni Kim sa pagsagot pero dahil si Vinci;

"I'm sorry if I asked you that question. Haha naging uncomfortable ka pa ata.."

"Huh? No.. Hindi naman.. Nahihiya lang kasi ako. Hehe." Sabi naman ni Kim at ngumiti.

Wow.

"O-oh..."

Nauunang naglalakad ngayon si Vinci at nakasunod lamang si Kim sakanya. Hindi nagtagal ay nakarating na sila sa building ng Engineering. Malayo nga ang narating ni Kim kanina.

"Here na tayo. Una na ako ah! Bye Kim! Nice meeting you! See you when I see you? Hahaha." Pagpapaalam ni Vinci kay Kim at kumaway pa.

"Salamat, Vinci!" sabi nito pabalik.

Buti na lang at nakarating agad siya sa classroom nila on time. Wala pa naman ang instructor at si Kyler agad ang bungad sakanya.

"Tagal mo ata magcr? Hahaha." pangangasar ng isa.

"Alam mo bang nakarating ako sa building ng health science?" sabi ni Kim at nagulat naman si Kyler.

"Akala ko ba cr ka pupunta? Hahaha bakit ka nakarating doon?" Tanong nito.

"Wala. Naisip ko lang kanina na maglakad lakad. Tapos di ko namalayan napalayo ako Hahaha." Sabi ni Kim sa kaibigan.

"Buti naman at nakabalik ka?"

"Oo. May tumulong sa akin pabalik dito. Buti nalang!" Napahingang malalim naman si Kim.

"Sino naman?"

"Nursing yun eh. Vinci pangalan." sabi nito. Tumango na lang si Kyler.

Habang naghihintay sila ay nakikipagkwentuhan na silang dalawa sa kanilang mga classmate.

"Nagstart na magpractice yung mga nasa health science kahapon ng sports! Kailan kaya try outs sa atin?" tanong ng classmate nilang si Drei.

"Ewan ko nga eh. Gusto ko na ring sumali. Hahaha." Sabi naman ni Matt.

"Anong mga sports ang nilalaro rito kapag intrams?" tanong ni Kim.

"Mga ball sports tapos may mga dancing, singing competitions.." sagot ni Drei.

"Sali ka sa dance, Kim!" biglang sabi ni Kyler. Napatingin naman ang dalawa kay Kim. Alam din kasi ni Kyler na marunong si Kim na sumayaw.

"Marunong ka sumayaw?" tanong ng dalawa. Hindi naman nakasagot agad si Kim.

"Ah.. Matagal na kasi akong hindi sumasayaw eh." sagot nito.

"Hindi ka na ba marunong?" tanong ni Kyler sa kaibigan.

"Kaya ko pa naman... Pero hindi na gaya ng dati."

"Try mo! Tsaka magandang experience ang sumali sa mga competitions kapag intrams! Instant famous ka agad hahaha." sabi ni Matt.

Napaisip naman si Kim. Babalik kaya siya ulit sa pagsayaw? Baka mahirapan na siyang sundin ang mga steps at hindi makasunod..

"Pagiisipan ko. Kailan na ba ang intrams?"

"Theee weeks from now pa naman kaya may time ka pa magisip. Magaannounce naman itong department natin kapag magpapameet sila or magpapatry out ng mga gustong sumali sa intrams." Drei stated. Tumango naman si Kim.

Mabilis natapos ang araw at papauwi na sila ngayon. Kasabay nina Kyler at Kim sina Matt at Drei.

"Nakapagisip isip ka na ba?" tanong ni Kyler.

Napabuntong hininga naman si Kim.

Wala namang masama kung babalik ulit ako sa pagsasayaw...

"Sasali ako..."

[cut]

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 14, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

enchanted • vinci x kimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon