"Hey!" sigaw ko na medyo hingal kakahabol doon sa lalaking kawatan, pati bag kong walang kalaman laman kinuha pa. Napakamot na lamang ako at napasabunot sa sariling buhok dahil sa inis. Akala niya ba may kung anong importante sa bag ko? Meron naman. Andon yung twenty pesos kong pamasahe sana papunta doon sa hotel na kasalukuyan kong pinagtatrabahuhan.
"Hayst," I sighed. Paano ako makakapunta doon ngayon? Alangan naman lakarin ko.
Hindi pa naman ako late pero may ipinapagawa ang team leader namin doon. Baka pagbilangin nanaman ako ng baso. Napaismid na lang ako sa naiisip. Ganito na lang ba talaga ako habang buhay? kung hindi pushover, nanakawan naman. Mukha ba akong mapera para isipin pang ganoon. Dapat siguro magmukha na lang akong kawawa. My classmates also didn't believe that I'm poor and from a poor family. Ganoon ba ako kaganda? Natawa ako sa naiisip, comfort ko na lamang yan sa sarili ko para kunwari'y hindi ako miserable.
Kasalukuyan akong naglalakad, hindi naman sobrang malayo. Buti na lamang at medyo maaga pa. Panggabi kasi ang schedule ko kaya naman okay lang na maglakad ako ngayong magdadapithapon, dahil hindi na rin naman mainit.
I observe while I'm busy walking. Ineenjoy ko na lang ang paglalakad kaysa naman magalit ako diba? di naman na maibabalik ang bente pesos ko.
Hindi ko alam bakit nagkaganito ang buhay ko, namin. My mother was a half chinese si papa naman ay korean, maaga nga lang pumanaw kaya kami na lamang ni mama ang magkasama at sa kasamaang palad pa ay nagkaalzheimer si mama, medyo matanda na sila nag-asawa ni papa kaya ayun anak ako sa katandaan pero mabait parehas ang parents ko, natatandaan ko na masyadong maalaga si papa kaya siguro agad na kinuha sa mundong ito HAHA. Just kidding, pero namimiss ko ang mga panahong ganoon nga, kasama ko silang dalawa. Nag-iisang anak lang ako kaya naman naiinggit ako sa iba na may katuwang rin sa ganitong pagkakataon. Hirap sila na magkababy kwento sa akin ng tiyahin ko sa mother side, ilang beses raw na nakunan si mama bago tuluyang magdalang tao, sa akin nga.
Mababait ang mga tiyahin ko at tiyuhin both parents kaya naman wala akong naging problema. Pero mapride ako kaya ayoko na humihingi sa kanila. Pero tinutulungan nila kami ni mama sa ibang gastusin at ayun nga doon sa testamento ni papa na naiwan sa korea. Hindi naman ako makapunta doon dahil kapos kami sa pera. Kailangan ko pa makapagtapos ng pag-aaral bago ko magawa yun. Sa ngayon ay pag-aaral at pageextra doon sa hotel ang trabaho ko. Attendant ako doon pero madalas na tagabilang ng kung ano-anong kagamitan. Di naman ako nagrereklamo kaysa naman mailagay ako doon sa mga matapobreng mayayaman na kung makapag-utos akala mo sila ang may-ari ng mundo. I already knew why they put me there, naaawa sila sa akin at the same time naiinis rin dahil hindi ko mapigilan ang init ng ulo ko. Yes! I'm that kind of girl na hindi uupo sa isang tabi para hindi makipagtalo.
"Oh Anyare sa'yo? mukha kang basang sisiw raiden?" sinimangutan ko ang kasamahan kong lagi akong inaalaska.
"This is my skincare," mapakla kong saad.
Humagalpak si Sandy sa sinabi ko, "Alam mo Lt ka talaga, ikaw yung mukhang mayaman na napakajoker di halata sa'yo," inismiran ko lang siya.
"I don't know if it's a compliment pero maganda talaga ako..ngayon mo lang ba nalaman?" I flip my hair. Pumalakpak ang loka-loka.
"Maaga pala ang uwi ko beh, kasi birthday ng anak ko," Matanda lamang siya sa akin ng limang taon. At yung anak niya mag-isang taon na rin ngayon ata.
"Sige ate sandy, I can manage," ngumiti lamang siya.
"Magpadala na lang ako rito sa kapatid ko mamaya ng pagkain galing doon para makakain ka naman ng maayos," ngumiti ako.
"Salamat ate..Mabuti naman at makakatikim na ako ng bagong pagkain," itinaas ko ang dalawang kamay tapos binatukan ako ni ate sandy.