⚔️ CHAPTER 20: Robert Confession ⚔️

77 2 0
                                    

"HUNDEL POV'S"

Makikita sa mga Mukha nila Ang pagkamangha Ng ilibot nila Ang tingin sa buong sala ng mansion na silver at white ang kulay may tatlong malaking sofa sa gitna na kakulay Ng manipis na kurtina at makikita rito Ang mataas na hagdan papunta sa ikalawang palapag Ng mansion kung saan makikita Ang kwarto at guestroom, kung tutuusin ay maliit lang Ang Bahay nato dahil Hindi naman Kasi ito Ang totoong Bahay namin. Sa laki Ng mansion nato ay apat lang Kaming nakatira which is Ako si ate, Nana at Ang anak niyang si kuya Roberto na siyang katulong ni Nana rito sa mansion.

"Wow! Ang laki! Sa inyo to Mara?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kuya Matheo na nakaupo parin sa lapag.

"Del! Sa inyo talaga Ang Bahay nato? Ang laki naman" Manghang Saad naman ni Eya na nilibot Ng tingin Ang buong Sala.

"Mga anak! Mag meryenda muna kayo" Tumayo Ako at sinalubong si Nana at kinuha sa kaniya Ang bitbit niyang limang supot Ng tinapay na agad pinag agawan Ng lahat.

"Oh mga Bata! Wag mag agawan at marami pa rito" Wika naman ni kuya Roberto at iniabot sa kanila Ang limang supot ulit Ng tinapay.

"Anak! Wala bang nangyari sa inyo? Ayos lang ba kayo?" Napatingin Ako Kay nana na may pag aalalang mukhang nakatingin sakin, hinawakan ko Siya sa kamay at ngumiti Bago ko Siya yakapin Ng mahigpit.

Thanks God and she's safe, Siya nalang at si kuya Roberto Ang natitira sa Amin.

"Nana, don't worry ayos lang ho kami ni Ate" Narinig ko Ang pagbuntong hininga Niya sa sinabi ko.

"Mabuti naman at walang nangyari sa inyo pagpunta niyo rito" Umiling Ako sa harap Niya at ngumiti, hinawakan ko Ang kamay Niya at sabay Kaming umupo sa sofa. "Iyon ba ay iyong nobyo?" Nanlaki Ang matang Napatingin Ako sa tinuturo ni Nana, si Robert na nag iwas bigla Ng tingin. "Kanina ko pang napapansin na Panay Ang tingin Niya Sayo"

"Nanaaa.... Wala pa ho akong nobyo! Grabe naman!" Hindi makapaniwalang Saad ko sa kaniya na ikinangiwi niya lang.

"Nanaaa.... Who are they?" Napatingin kami lahat sa dalawang babaeng bumaba Ng hagdan.

"Oh my goodness! That's my cup! Hey! That's mine!" Nagtatakbong bumaba Ang babaeng naka heels Ng kulay gold at may taas na 5'6, maputi at may payat na pangangatawan, Siya si Alice, kasunod Nitong bumaba yong babaeng naka bangs na nakangiti Ng malaki habang nakatingin sakin, Siya naman si Lily, sila ay mga kapitbahay namin. "Hey! I said that's mine!" Lumapit Ako sa kinaroroonan ni Alice at sa kaklase ni ate na Candace Ang pangalan at kinuha yong hello kitty cup na pinag aagawan nila at binasag yon sa harap nila mismo. "Oh my goodness! Nooo!! Ouchyyy!!!" Maarteng sigaw nito Ng batukan ko Siya sa harap Ng lahat.

"Kapal! Anong ginagawa niyo rito?"

"Kami na Lang Ang nakaligtas sa Bahay, kinain ng mga panget na monster Ang mga magulang Namin" Wika ni lily habang nakangiti parin.

"Oh eh bakit nakangiti ka? Abnormal ka pa yata!"

"Masaya lang Ako Kasi Akala ko kami nalang Ang nabubuhay rito at nakakatakot, Ang creepy sa labas Hindi ko kaya Ang mga nakikita ko" unti unting nagbago Ang emosyon nito habang nakahawak sa parehong kamay, Maya Maya bumuhos na Ang luha sa mga mata nito. "Hindi ko na kaya! Natatakot na Ako! Hindi ko alam kung mabubuhay pa ba Ako! Nakakatakot na! Nakakatakot silaaa!" Dinaluhan agad Siya ni Nana at pinapakalma, naawa Ako sa sitwasyon Niya mukhang na truma pa yata Siya sa mga nangyayari.

"Ikaw Kase! Inaway mo pa ehh... Na truma na Ang babaeng Yan Kasi sa mismong kamay Niya namatay Ang sariling Ina at yong dalawang kapatid naman ay itinago pa Siya sa loob Ng kanilang silid, kaya ganiyan na Lang Ang takot Niyan dahil sinisi Niya Ang sarili sa nangyari sa pamilya" Mahabang salaysay ni Alice.

The Emotionless Stranger (Zombie-Kill Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon