12th Trial

20 4 0
                                    

Twenty-Five Tangled Strings

Gusto ko ng palipadin ang kotse ko para mas mabilis na maka punta sa Ospital na pinag dalhan kay Alyhanna

Tila tinatambol ang puso ko habang nag mamaneho

Nabalot ng takot at pangamba ang buong pagka tao ko ng malamang isinugod sa Ospital ang babaeng Mahal ko

Oo Mahal ko na nga si Alyhanna hindi ko alam kung kailan o paano pero ang mahalaga ay mahal ko siya at hindi ko kayang balewalain lang ang nararamdaman ko

Nang maka tapak sa loob ng Ospital ay agad kong tinanong sa isa mga nurse doon kung nasaan si Alyhanna

Sinamahan naman ako ng Nurse na iyon patungo sa kinalalagyan daw ni Alyhanna

Muntik na akong himatayin ng lumiko kami sa isang pasilyo at tumambad sa akin ang isang pintong may naka lagay na 'Morgue'

Naka hinga naman ako ng maluwag dahil hindi naman kami doon pumasok

Lumiko ang Nurse na kasama ko sa isa pang pasilyo tsaka pumasok sa isang pinto

At doon ko nakitang naka upo si Alyhanna sa isang stretcher

"Gabrielle?" Gulat na gulat ito ng makita siyang papalapit at hindi niya alam kung bakit may pumatak na luha mula sa mga mata nito

Sinugod niya ito atsaka niyakap ng sobrang higpit

"Shh. Pinag alala mo ako" bulong ko habang hinahagod ang likuran nito

Hindi naman ito natigil sa pag iyak kaya't bahagya niya itong inilayo sakaniya

Hawak hawak ng dalawang kamay niya ang balikat nito

"Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" Nag aalalang tanong niya dito habang sinisipat ng tingin ang mga gasgas at pasang natamo nito

"Akala ko iniwan mo na ako" Imbis na sagutin ang tanong ni Gabrielle ay iyon ang naisagot ng dalaga habang patuloy parin sa pag iyak

Masaya siya at nandito parin ang binata at hindi naman siya nito iniwan

Kumunot ang noo ni Gabrielle bago matamang tinitigana ang mukha ng dalaga

"Bakit naman kita iiwan?" Tanong niya sa dalaga

Umiling si Alyhanna habang tuloy parin sa pag iyak marahil ay hindi nito alam ang isasagot sa katanungan ni Gabrielle

Muling niyakap ni Gabrielle si Alyhanna

"Hindi kita iiwan dahil mahal kita tandaan mo iyan" bulong ni Gabrielle sa Dalaga

Gumuhit ang pag ka bigla at saya sa mukha ni Alyhanna at ginantihan niya na din ang yakap ni Gabrielle

Mabilis ang kabog ng kaniyang dibdib at tuwang tuwa siya sa kaniyang narinig

"Mahal din kita Gabrielle" naiyak niyang usal

Hindi niya alam kung bakit hindi siya maka tigil sa pag iyak

Ngunit marahil ay dahil sa nalaman niyang Mahal siya nito at hindi siya nito iiwan

Isinubsob niya ang kaniyang mukha dibdib nito

"Oo na Gabrielle sina sagot na kita pero please wag mo akong iiwan ah" bulong niya na sapat naman para marinig ni Gabrielle

Hinalikan nito ang kaniyang ulunan at mas lalo pang hinigpitan ang pag kakayakap sakaniya

"Pangako hindi kita iiwan hindi kita sasaktan Mahal na Mahal kita Alyhanna"

-Youdontkier
May 24 2015

TFTS3: TRIAL and ERRORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon