Ep: 2

28 2 0
                                    

"Wow!! San punta natin kye? Mukhang bihis na bihis ka ah" bati sa akin ni ziara. Grabe naman makawow! Nagsuot lang ako nang polo shirt at demin short, nag sapatos na rin ako para comfy suotin.

"Niyaya ko kasi sila jenelle mag-gala eh, wala trip ko lang HAHAHAH" mga kaibigan ko sila noon highschool pa. Sa totoo lang sa kanila lang ako natutong mag-gala. Hindi ako mapaalis noon ewan ko rin kung bakit eh

"Hay naku! ayan ka na naman mag-yayaya ka tapos hindi naman natutuloy tapos kapag ikaw yung niyayaya nila gora ka agad." may halong inis niya sabi. May time kasi na hindi sila nakakasama nasasakto kasi na busy sila sa araw na yayaain ko sila mag-gala, naiintidihan ko naman may kanya kanya tayong responsibilidad na dapat gawin at bumabawi rin naman sila sa akin kaya okay lang yun.

"Ano kaba! sure na sila, wala naman din daw silang gagawin kasi sabado naman" pagkukumbinsi ko pa sa kanya. Bumuntong hininga na lang siya.

"O siya sige. Ito duplicate ng susi lock mo yung bahay kapag nakaalis kana ah? Pupunta muna ako sa grocery store kasi wala na tayong stock ng pagkain, babushh." umalis na siya ng hindi man lang ako nilingon. Kaloka ah alam kong nag aalala lang siya sa akin.

"Group chat: Cutiee squad"

Me: Guyss san na kayo?

Nakita ko naman na nagseen na silang lahat mukhang mga nakabihis na

Jenelle: uyy guyss sensya na masama kasi pakiramdam ko eh pagkagising ko ang init init ko na huhuhuhu bawi na lang ako next time

Me: Sige sige. Pagaling ka, inom ka ng gamot, okay?

Jenelle: 🖤

Vein: May gagawin pala ako ngayon nakalimutan ko huhuhuhu ka shunga ko huhuhu kye next time na lang neh? Sorry talaga

Kate: Me too. May aasikasuhin lang akong importante, sorry bawi na lang rin ako.

Me: Luh okay lang yun. Sige sige next time na lang, libre niyo ah? HAAHHAHAHA
Seen

Sayang naman nakabihis pa naman ako ng bongga ngayon HAHAHAHAHA okay lang yan kye may next time pa naman eh sure babawi yung mga yun, sila paba?

Naalala ko yung sinabi kanina si ziara. Magyayaya ka tapos hindi naman matutuloy Grabe lakas naman manalangin nung isang yun hindi nga natuloy. Alam ko naman hindi nila ginusto yun sadyang baka mahalaga lang talaga yung gagawin nila, hindi naman nila siguro ako ipagpapalit kung hindi mahalaga diba? Tama tama! baka mahalaga talaga yun. Lalo na nilagnat pa si jenelle.

Tingnan ko naman yung suot ko sayang yung damit ko mag-gagala na lang ako mag isa BWHAHAHAHA ayuko ng isama si ziara alam kong magagalit lang yun kapag nakita niya ako nasa bahay, na hindi natuloy ang gala.

Ayuko naman na tingnan niya ako na may mayroon pag-aalala sa mukha. Maraming beses kasi nangyari sa akin yunn, na hindi nanatuloy yung yaya ko kila janelle. Nagalit siya kesyo raw parang sinasadya na lang daw hindi naman siguro, busy lang talaga sila pero ang totoo never naman talaga silang sumama kapag ako yung nagyayaya may balat siguro ako sa pwet AHAHAHAHA

Sumalubong sa akin ang sobrang pagkalamig-lamig na aircon ng savemore buti na lang nag jacket ako kumuha ako ng cart balak ko rin mamalengke para naman kahit papaano matulungan ko si ziara. May sari-sarili kasi kaming listahan ng bibilhin namin pagkain sa bahay kaya hindi na ako mahihirapan sa pamimili.

"Hay naku janelle! Bakit kasi sumama kapa rito may sinat kapa eh." inis na sabi ng babae bakit parang pamilyar sa akin yung boses na yun?

"Tingnan mo nilalamig ka tuloy" sabi ni vein?

Until we metWhere stories live. Discover now