Cleopatra POV:Ako si Cleopatra Mangisay or Pat nalang for short . Nakatira ako sa nayon ng San Agustin na kung saan payapa at simple lang ang Pamumuhay ng mga tao dito . Naghahanap ako ng trabaho para matulungan din ang aking lola Marisol at lolo Berteng na sila ang tinituring kung mga magulang. At kung nagtatanong kayo saan ang magulang ko ay iyon ang hindi ko alam dahil sabi nga minsan ng lolo baka daw napulot lang ako sa basurahan dahil sobrang Ganda ko daw eh di naman daw maganda magulang ko at sila lolo at lola . Hahahahahaha!
Hoy! Cleopatra baka gusto mo namang gumusing diyan at gumayak kana dito at tanghaling tapat na. Sigaw ng aking lola na daig pa ang boses ng manok putak ng putak .
Oo! Ito gising na at pababa na ako sandali. Sigaw ko pabalik pero ang totoo niyan nakahiga pa talaga ako parang nanaginip naman ako ng sobrang weird naging Miss Universe daw ako ( hahaha oops )
Hoy! Cleopatra Mangisay di ka pa talaga bumaba diyan nandito na kaibigan mo si clarisse dahil aalis daw kayo . Bigla akong napabangon kasi na alaala ko na ngayon pala kami maghahanap ng trabaho . Shit!! naman cleopatra ba't nakalimutan mo pa . Nagmamadali na akong naligo at nagbihis at bumaba na .
Wasssapp! Clarisse ang aking nag iisang kaibigan. Heheh! Peace . Sabi ko sa kanya sabay nguya ng tinapay at peace sign
Baka masuntok ko yang mukha mo cleopatra . Alam mo bang sobrang aga ko para lang mas maaga tayo makapunta don sa interviewhan natin tapos ikaw nakatunganga lang at parang relax na relax .
Relax my friend baka pumitik na yang ugat mo sa liig hehehe. Eh! Kasi nga di ko naman talaga nakalimutan kahapon hehehe . Totoo naman talaga diko nakalimutan kahapon pero ngayon nakalimutan ko kasi kahapon pa nga yon diba , gets niyo ? Heheh
Oh! Siya umalis na kayo at baka ma late pa kayo sa pagtatalo niyo . Sabi ni lola habang naka upo na sa lapag kasama si lolo habang nagkakape.
Highschool graduate kami ni clarrise at nag aaply nga kami ng trabaho para sana sa pang college namin dalawa dahil naawa na din kami kila lola at lolo dahil matanda na din sila at Sako namang paglabas namin ni clarisse may mga kotse huminto sa labas at naglalabasan ang mga naka men in black na lalaki.
Wow! Clarrise ha! Sundo ba natin yan papunta sa iinterviewhan natin? Lakas maka social ha! . Sabi ko sa kaibigan ko sabay sapak ng balikat niya . Grabe naman ka ganda ang company na iyon di pa kami na interview may nagsundo na agad sa amin .
Hindi ko alam pero baka nga wow! naman di na tayo gagastos ng pamasahi nito . Sabi pa niya kaya sobrang excited naman kami lumabas at hinarap ang aming sundo kuno .heheh
Hello mga kuya kayo po ba ang susundo sa amin? Tanong ko sa men in black na lalaki na malapit sa amin ni clarisse.
EH! HANDA ANG RED CARPET
AY!! Nagulat ako don ha! shit ba't Maypa red carpet naman po Kami lang to. Sabi ko naman sabay tawa pa pero tong mga naka men in black sobrang seryoso naman. Pero don ako nagulat ng bumukas ang kotse at lumabas ang isang ginang na babae na nakasuot ng gown na color black na parang Reyna .
MAGBIGAY PUGAY SA MAHAL NA REYNA .
at sa pagka bigla namin dalawa ni clarisse yumuko din kami kasi yumuko din yong mga men in black .Clarisse anong reyna? Baka kamo manager ng kompanya at sasabihin hired na tayo. Sabi ko sa kanya habang tumatawa ng mahina
Tanga ka talaga narinig mo naman Reyna diba sinabi bang manager ? Sabi nalang ni clarisse at tinaas nanamin ang mga ulo namin baka sa sobrang pagkakayuko namin mapunta pa lahat ng dugo sa ulo naman eh di namatay pa kami.
Sino ho! Sila? Sabay tanong ko sa mahal na reyna daw .
Mi Nieta
Ano daw ? Neta? Hindi naman ako si Nieta eh! Baka nagkamali ng bahay ito .
Excuse me po madam wala pong neta sa bahay na ito pero may kapitbahay naman kami na neta yong pangalan gusto niyo po ba ituro ko sa inyo? Sabi ko sabay tingin sa kanya at kay clarisse at ngumiti para kasing napagkamalan ako si neta eh sa maganda pa ako don .
Oo po madam. Cleopatra po kasi pangalan ng kaibigan kung ito at clarisse naman po ako at opo may neta ngapo pero don pa yon sa kabilang kalye. Sabi din ng kaibigan ko si clarrise
Hahahahahahahhaha! Oh sorry my apology. What I mean is my granddaughter We finally found you .
Sabi niya sabay Yakap sa akin at umiyak dahil naramdaman ko yong pagdampi ng luha niya sa balikat ko . Teka ano daw ? Granddaughter niya ako? Napagkamalan talaga ako nito.Sorry po madam nagkakamali po kayo may mga lola at lolo na po ako at kung magkakaroon naman ng isa pang lola diko na po kakayanin dahil sakit sa tinga po eh. Sabi ko sa kanya kaya siniko naman ako ni clarisse at nag ok sign pa sa akin .
Apo matagal na panahon na kaming naghanap sayo at sa sobrang tagal hindi parin kami sumuko kasi ramdam namin na buhay ka at iyong mga magulang papunta na dito kasi ako unang naka hanap sayo at pagkahanap ko sayo pinuntahan agad kita dito. Sabi niya sabay pahid ng panyo sa kanyang mga luha .
Teka ano daw ? Nawala ako? Eh nandito lang naman ako sa pilipinas at buhay na buhay nalilito ako dito ha! Shooting ba ito at napasama kami sa actingan kaso wala naman mga director akong nakita.
Teka teka ho! Nalilito po ako sa inyo? Baka po nagkakamali kayo anak po ako ng anak ng aking lola at lolo po. Siguro narinig ng lola at lolo ko sa loob anong nangyari sa labas medyo Marites din kasi kaya lumabas na din sila at lahat ata ng kapitbahay namin lumabas din kasi naman sobrang dami naman di ng sasakyan at sobrang gara din naman .
Apo ano ba ang nangyari diyan sa labas at parang ang ingay. AY! teka Sino ho! Sila ? Sabi ng lola ko at lumabas na nga kasama namin dito sa labas
Eh! Diko nga din alam la eh . Sabi ko sabay kamot nalang ng buhok ko .
Ano ho kailangan nila? Sabi nalang ni lola
Bago ang lahat ako si Felicia Kanye Brunette Imperial at ikaw ang nawawalang anak ng aking anak na si Harold ford Brunette Imperial at ikaw si Cleopatra Ryen Imperial at Nandito ako para kunin ko na sana ang Apo ko na ninakaw sa aming kaharian habang kami ay nagdadaos ng iyong kaarawan at ikaw ang susunod sa tagapagmana ng Imperial Impire. Sabi niya sa amin at ano daw ? Tagapagmana? Sino? Akooo?
————————
BINABASA MO ANG
The Vampire Mate
VampireNang dahil sa pag dating ng tagapag mana ng Imperial Palace nagulo na ang buhay ni Arion Petrio Pyter ---------- STORY STILL ONGOING Started : March 17 2023