One:Two old tree

9 0 0
                                    

Narrator's pov

Isang babae ang humahangos na tumatakbo sa loob ng kakahuyan duguan ito at bugbog na ang mukha

Sya si Cyrill ang kilalang killermachine,gangster,at mafia

Nakakapagtaka hindi ba?

Isang sikat na pumapatay at pinakamayaman ay tumatakbo para takasan ang kanyang kamatayan

Pero bakit ngaba sya'y hindi lumalaban at hinaharap ang mga taong may balak na buhay nya'y kitilin

Simple lamang dahil ang kanyang matalik na kaibigan na itinuturin nyang kapatid ay ang taong humahabol sakanya at gustong kumitil sakanyang buhay

"CYRILL WALA KANANG MAPUPUNTAHAN NAKAKALAT NA SA KAGUBATAN ANG AKING MGA TAUHAN!" Siagw ng isang babaeng matangkad,matangos ang ilong,ang buhok ay kulay pula na hanggang balikat nya lamang
Sya si Lyka ang matalik na kaibigan ni cyrill

Mula pagkabata ay magkaibigan na ang dalawa parehas silang kinupkop ng pinakamayaman na pamilya si cyrill ay laging pinapalakpakan ng kanilang mga kasamahan sa organisasyon dahil lahat ng misyon nito ay nagagawa nya ng malinis at maayos sya ay mas magaling ,mas matalino, at higit sa lahat ay mas maganda kay lyka, nagagawa ni cyrill ng Mabilis anh mga misyon na ibinibigay sakanya dahil wala itong puso kung pumatay kahit bata ay hindi ito mag dadalawang isip na patayin ito lalo na at ayaw nya sa mga bata

Habang si lyka ay kilala bilang mahinhin,masipag kumbaga eh wifematerial kaya nyang pumatay ngunit kung minsan ay may pagdadalawang isip dahil dito ay pinagtatawanan sya ng mga kasama nya sa organisasyon lagi naman syang pinagtatanggol ni cyrill

Isang araw ay kailangan ng pumili sakanilang dalawa ng mamumuno sa organisasyon tanggap na ni lyka na hindi sya ang mapipilì kaya naman sinabi nya na mananatili na lamang sya sa tabi ni cyrill at susuportahan ito

Ngunit kina gabihan ay may nagpadala ng sulat kay lyka na naging dahilan ng pagkabuo ng pagkamuhi nya kay cyrill na kanyang naging motibo upang ito ay patayin

"Shit!"inis na singhal ni cyrill sakanyang sarili ng mapatid sya sa isang ugat na nakaangat na

Tumayo sya at sinundan ang pinanggagalingan ng ugat na curious sya dahil hindi kulay brown o itim ang kulay nito ngunit kulay puti na para bang pininturahan

Nag makarating sya sa isang lugar kung saan puro paruparu at mga bulaklak sa pinakagitna ng mga bulaklak ay may dalawang malaking puno na halata na ang katandaan

Dahil sa pagiging irita ni cyrill sa mga maliliwanag at tila may buhay ay inis na paikaika syang nag lakad papunta sa puno at inilabas ang kanyang pocket knife ngunit ng paglagpas nya sa puno at tila ba umikot ang kanyang paningin at syang nawalan ng malay

-----sa kabilang banda------

"ANO NA!?NAKITA NYO NA BA SYA?!"inis na sigaw ni lyka sa kanyang mga tauhan

"Pasensya na Madam pero masyado pong malawak ang kagubatan mahihirapan po tayong mahanap sya"sagot ng isang tauhan

"So!? Kahit gaano pa kalwak ang kagubatan kailangan nyo syang hanapin kahit ba abutin tayo ng ilang linggo!!"sigaw ni lyka sa kanyang mga tauhan agad naman napatayo ng tuwid ang mga ito at nag simula muling maghanap

"Just you wait Cy don't die early papahirapan pa kita katulad ng ginawa mo sa pamilya ko"mahinang bulong ni lyka sa sarili at tinahak na ang daan pabalik sa kanilang mansyon

LUX ACADEMY:Hope CassidyWhere stories live. Discover now