CHAPTER 1

53 2 0
                                    

[ NAVI ]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


[ NAVI ]

"7:00am dapat nasa loob ka ng school dahil kung abutan ka ng lagpas oras sa gate. Hindi ka na papasukin, kaya lagi kong sinasabi sa mga bagong estudyante dito ay laging papasok sa tamang oras."

"Salamat sir,"

Sagot ko lang at tumayo na ako kinuha ko rin ang I.D ko at schedule ng klase ko, ngayong araw ang simula nang pasok ko dito sa El Conde High School. Tumalikod na ako sa principal para lumabas na sana ngunit naramdaman ko na parang nakatingin siya sa akin mula sa likuran ko.

Muli akong humarap dito sa principal at napansin ko na bahagyang nagulat siya at napaayos sa suot niyang salamin. Pinagmasdan ko siya, hindi pa naman siya ganun katanda siguro nasa kuwarenta na siya mahigit at mukhang alaga niya ang katawan sa pag-eehersisyo.

"May kailangan ka pa ba, Miss Cruz?"

Umiling ako at dahan-dahang tumalikod sabay bukas sa pinto palabas, muntik pa akong tamaan dahil sa may biglang nagtatakbuhan na kapwa ko estudyante.

Inayos ko ang puting uniform ko na may neck tie na kulay abuhin at ganun rin ang palda na suot ko na umubot lang sa tuhod ko. Flat na sapatos na itim ito ang suot ko ngayon dahil kahapon bumili na ako ng uniform para maisuot ko ngayon.

Sukbit ang bag ko na iilang notebook pa lang ang laman naglalakad ako sa hallway may mga nakatambay sa mga gilid-gilid mga nag-uusap at nagtatawanan. Mayroon rin mga naghahabulan at hindi ko alam kung wala ba silang klase, tiningnan ko ang cellphone ko na nasa palda ko alas otso na at sa susunod na klase na ako makakapasok.

Transferee ako dito kaya mahihirapan na naman akong mag-adjust at makisalamuha sa mga bagong kaklase. Pababa na ako ng hagdan nang may makita akong grupo ng mga babae na paakyat naman sila. Hindi nila ako nakita dahil may pinag-uusapan sila kaya binalewala ko sila at nagpatuloy sa pagbaba. Muli kong tiningnan ang cellphone ko habang bumaba ng may masagi ako.

Magsasalita na sana ako ng sorry ngunit hindi ko inaasahan dahil bigla na lang akong malakas na sinandal sa pader nitong isang babae. Gulat-gulat ako at ang sakit ng likod ko dahil sa malakas na pagkakasalya sa akin, galit na galit naman ang nasa mukha nitong babae na nakataas ang buhok.

"Bulag ka ba!?"

Malakas na sabi niya sa akin at napatingin ako sa iba pa niyang kasama na nakapalibot na sa akin ngayon. Ang ilang mga estudyante ay parang walang pakialam ang iba naman 'ay kumukuha ng litrato.

"Pasensiya na," mahinahong sabi ko at yung galit sa mukha nitong babae ay nawala dahil nginisihan niya ako.

"Pasensiya? Hindi uso sa akin 'yan,"

Ngiting demonyong sabi niya at nakatingin lang ako sa kaniya dahil hindi ko siya maunawaan.

"Puwede bang alisin mo na 'yang braso mo?" Tukoy ko sa braso niya na nakaharang sa dibdib ko dahil sa pagkakasalya niya sa akin dito sa pader.

Tumawa naman ang tatlong kasama niya at ganun rin siya, iisa lang nasa isip ko na ngayon isa sila sa mga bully dito. Hindi talaga mawawala kahit saang eskwelahan.

"Kung ayoko ano'ng gagawin mo?" Mapang-asar na sagot niya.

"Wala, ngunit malapit na ang sunod na klase ko kaya kailangan ko ng umalis." Sabi ko at ako na ang nag-alis sa braso niya.

Ngunit muli niya ako ginitgit sa pader habang nakangisi siya.

"Mukhang lalaban 'yang isa at matapang,"

Nakangiting sabi nitong isang babae na medyo kulot ang buhok. Yung isang babae kulay brown ang buhok at yung isang babae na may bangs na unat na unat ang buhok. Maganda siya ngunit tahimik lang.

"Transferee 'yan," nakapameywang na sabi nitong brown ang buhok.

Muli kong inaalis ang braso nitong babae na nakatingin sa I.D ko ngayon, akmang sasampalin niya ako ng may pababa ulit na grupo lalaki naman tatlo sila. Agad na tumabi yung dalawang babae bukod doon sa may bangs, itong isa naman binitiwan na ako at gumilid rin siya.

Pansin ko na mga nagalisan ang mga ibang estudyante na mga nakatingin sa amin at para silang takot na takot. Parang walang nakita yung nasa gitnang lalaki dahil tuwid lang ang mata niya samantala yung dalawa ay nginitian itong grupo ng mga babae.

Iyon naman ang sinamantala ko agad na bumaba at malapit na ako sa pinakababa ng may humawak sa kamay ko. Paglingon ko at pagtingala itong lalaki na nasa gitna ang may hawak sa kamay ko nagtataka na napatingin ako sa kaniya.

Ang mata niya na parang walang kakurap-kurap at kung tama ang tingin ko sa mata niya na kulay brown, matangkad siya sa dalawa niya pang kasama. Masasabi kong magandang lalaki siya ngunit iba ang pakiramdam ko sa kaniya mukhang hindi siya gagawa ng mabuti.

"Javier,"

Dito lang ako natauhan dahil sa boses ng babae na tumawag at walang iba kung hindi iyong babae na may bangs. Muling napatingin ang kamay ko dito sa tinawag na Javier kung yon nga ang pangalan niya, mabilis na hinablot ko ang kamay ko at mabilis na naglakad palayo sa kanila.

Mukhang hindi matatahimik ang mundo ko lalo dito dahil sa nararamdaman ko, simula pa lang ng unang tapak ko rito ay may kakaiba na akong nararamdaman sa mga estudyante dito at mga teacher, principal.

EL Conde High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon